-1-

83 2 0
                                        

"ARIANA! Are you listening?Want me to kick you out from my class?"

Sigaw ni Professor Lim kay Ariana dahil napansin nitong naka tingin lang ito sa Whiteboard na nakatulala at pumipikit pikit pa ang mga mata. Lagi itong ginagawa ni Ariana sakanyang klase na napapansin naman niya dahil kahit anong Discussion ng kanyang professor ay hindi niya maintindihan dahil hindi naman nito ineexplain ng maayos ang kanyang nilelecture.

Ano nanaman kayang problema ni Halimaw--ay este professor na to? At ako nanaman ang nakita. Psshh. Kala naman niya may natututunan kami sakanya. Eh mas alam ko pa nga ung sinasabi niya eh! Anong tingin niya sakin shunga? Hay nako ang bad ng Professor na to
Pero bat kaya niya ako sinigawan ? Lagi nalang niya akong sinasigawan ang sama ng ugali. Masama siya!

"Sir nakikinig naman po ako ah. Grabe naman po kayo. Lagi niyo nalang po akong sinisigawan. Napaka Bad mo po! Panot na nga po kayo tas highblood pa po kayo gusto niyo po bang makalbo na kayo sige po sir ka---
Naputol ang kanyang sasabihin ng biglang nagtawanan ang kanyang mga kaklase
"HAHAHAHAHA!!"
"Ibang klase ka talaga Idol! Lodi na lodi ka talaga namin!"
"Hahahaha!"

Tumigil ang mga tawanan at hiyawan sa loob ng silid ng biglang nagbeastmode ang kanyang professor.

"WHAT DID YOU SAY?!! GET OUT! GO TO THE DEAN'S OFFICE NOW! I ASSURE YOU MISS MENDES--- pinutol ni Ariana ang sasabihin nito dahil alam niyang sasabihin nanaman nitong ma eexpel siya na hindi naman nangyayari dahil reasonable ang mga sinasabing dahilan ni Ariana sa tuwing siya'y napapatawag sa Guidance Office o kaya naman sa Dean's Office at isa rin sa siya dean list at alam ng school na hindi efficient magturo ang professor ngunit hindi ito tinatanggal dahil wala pa itong kapalit at kapatid ito ng may ari ng school.

"Lalabas na po Sir. Wag na po kayo magalit. Kakasabi ko lang sir na makakalbo kayo e---

"GET OUT! GO TO THE DEANS OFFICE NOW!!"

"OKay po"

Aniya ni Ariana ay agad na siyang lumabas ng classroom. Narinig niya pang nagtawanan ang kanyang mga kaklase at ang professor niyang nag bebeastmode nanaman kung kaya't natawa na lang din siya dahil lagi naman nangyayari ang pangyayaring ito kaya wala siyang natututunan sa subject nitong Algebra pero nakakasagot pa din naman siya sa mga test at exam kaya walang problema. Pero Hindi niya talaga maintindihan ang kanyang Professor kung bakit lagi nalang siya ang nakikita porket hindi siya na eexpell sa eskwelahan.

Hayy san kaya ako pupunta ako ngayon?

Naglalakad lakad lang si Ariana ng mahagip ng mga mata niya ang Garden sa likod ng school nila at napagpasyahan na lamang niyang doon pumunta.
Payapa at tahimik ang lugar dahil walang tao , oras ng klase kaya ganoon. May mga puno ang lugar kung kaya't napagpasyahan na lamang ni Ariana na mahiga at matulog sa ilalim ng puno. Puyat na puyat siya dahil sa nangyaring hindi inaasahan kanina kaninang madaling Araw.

Flashback

Alas tres na nang madaling araw nang mapagpasyahan ni Ariana na pumunta sakanilang Hideout ng kanyang Gang dahil hindi sinasagot ng mga ito ang kanyang tawag
Nagtatakang napatingin si Ariana sakanilang Hideout ng Kanyang Gang ng mapansing walang katao tao dahil lagi namang namamalagi ang kanyang mga gang members sakanilang hideout at doon natutulog madalas kahit pa may mga klase rin ang mga ito.

'San kaya pumunta ang mga yon! Ang duga nila hindi man lang ako sinama'
Sabi na lamang niya sakanyang isip at umupo sa paborito niyang upuan at nagrelax.
Habang siya'y nagrerelax sakanyang inuupuan ay biglang pumasok ang kaibigan niyang Si Alexa ang co-leader ng Gang niya at habol hininga itong lumapit sakanya

"Lex! Anong problema bakit hingal na hingal ka?" Tanong niya rito.
"Craine! Nakuha nila si Miracle! Ang mga --

Nagdilim ang kanyang paningin sa sinabi ng kaibigan at
Hindi na niya pinatapos ang kaibigan sa sasabihin nito at nagmadaling lumabas ng kanilang hideout..
Ang ayaw niya sa lahat ginagalaw ang mga kaibigan niya.. Alam niya na kung sino ang mga ito dahil ilang beses na siyang pinagtangkaang patayin ng kanilang mga kalaban at ang kanyang Gang.

Mafia Series #1 : Damien MontenegroMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon