Chapter Twelve

Magsimula sa umpisa
                                    

NANG sumunod na araw, nagulat si Trisha nang pumunta siya sa dining area ay madatnan si Ken na nag-aalmusal kasama ng mga magulang niya. Agad itong tumayo nang makita siya.
“Ang aga mo rito,” aniya matapos siyang halikan sa pisngi.
“May sasabihin kasi ako sa ’yo. Okay ka na ba? Hindi mo ako tinawagan kagabi.”
Tumango siya. “Nagdere-diretso na kasi ang tulog ko,” pagdadahilan niya. Binati muna niya ang mga magulang bago dumulog sa hapag. “Ano ‘yong sasabihin mo?” tanong niya nang magsimula siyang kumain.
“Later,” sagot ni Ken. “Ako na ang maghahatid sa ’yo sa restaurant.”
Tumango si Trisha. Bago nakatulog kagabi ay napagdesisyunan na niyang sabihin kaagad kay Ken ang kalagayan. Magustuhan man nito o hindi ang kanyang ibabalita, wala siyang magagawa kundi tanggapin iyon. Magana siyang kumain ng breakfast. Nang pinuna siya ng mommy niya nang kumain siya ng kanin na hindi naman niya dating ginagawa ay nagdahilan lang siya na gutom at hindi siya kumain kagabi. Thankful siya dahil hindi siya nakaramdam ng morning sickness nang umagang iyon.
Matapos kumain ay nagpaalam na sila sa mga magulang ni Trisha.  Napakunot-noo siya nang itigil ni Ken ang kotse sa park malapit sa bahay nila.
“Bakit tayo huminto?” nagtatakang tanong niya.
Hindi sumagot si Ken. Sa halip ay binuksan nito ang compartment sa dashboard at kinuha mula roon ang isang velvet box. Biglang nanlaki ang kanyang mga mata nang buksan nito ang kahon sa kanyang harap. Isang singsing na may malaking bato na kumikislap–kislap ang nasa loob niyon.
“Mom gave this to me last night. Her engagement ring from dad. Gusto niyang ito ang ibigay ko sa ’yo kapag gusto na kitang pakasalan,” sabi pa ni Ken sa parang kinakabahan na tinig.
“Ken…”
“Hindi ko alam kung kailan ang perfect time para ibigay ko ‘to sa ’yo. You know I’m not that good in surprises. Alam ko na marami ka pang gustong gawin bago mag–settle down at ganoon din ako. But there’s nothing wrong if we gonna engaged now and get married, right?”
Naiiyak na mabilis siyang tumango. “Right.”
“You’re gonna marry me then?”
Muli siyang tumango. Lumarawan ang kaligayahan sa mukha ni Ken. “Yes, but would you listen to me first? May sasabihin din ako.”
“O-okay,” reluctant na sagot nito na parang natatakot na bawiin niya ang desisyon. Isinara nito ang hawak na velvet box at ibinaba sa kandungan ng binata. 
Huminga muna nang malalim si Trisha bago nagsalita. “I… I’m pregnant.”
“What?!” gulat na gulat na bulalas ni Ken.
Tama nga ang hinala niya. Hindi nga nito magugustuhan ang kanyang kalagayan. Nag-uulap ang mga matang inilabas niya mula sa bag ang mga PT result at ibinigay sa binata.
“I can’t believe it,” hindi makapaniwalang sabi ni Ken habang nakatingin sa hawak na pregnancy tests.
Tuluyan na siyang napaiyak.
Napatingin ng tingin sa kanya ang binata. “Hey,what’s wrong?” nag–aalalang tanong nito. Hinawakan nito ang isang kamay niya at ang isa pa ay pinahid ang kanyang mga luha. “Hindi ka ba natutuwa na magkaka-baby na tayo?”
Napamaang si Trisha sa boyfriend.  “Hindi ka nagagalit na buntis ako?”
“Bakit naman ako magagalit? Kagagawan ko rin naman ‘yan, eh.” Sinundan pa nito ng mahinang tawa ang sinabi.
“A–akala ko, hindi mo magugustuhan ang kalagayan ko,” relieved na sabi niya.
“Bakit naman hindi? Nagulat lang ako pero masayang–masaya ako dahil magkaka-baby na tayo.Wala ka bang tiwala sa akin na hindi kita pababayaan? Alam mo naman na mahal na mahal kita, ‘di ba?”
“Hindi mo ako masisisi. Kay Olga noon, tumanggi kang pakasalan siya at inayawan mo rin ang baby niya. Naisip ko na hindi ka pa handang maging isang ama.”
“Natural, dahil alam ko namang hindi ako ang ama ng pinagbubuntis niya at hindi ko naman mahal si Olga para pakasalan ko s’ya.”
“Pero maingat ka naman. Paano ka nakakasiguro ngayon na sa ’yo nga ang pinagbubuntis ko?”
Natawa si Ken. “Alam nating pareho na hindi one hundred percent safe ang paggamit ng proteksiyon. At disente kang babae, Trish. Kahit kalian, hindi ako magdududa sa ’yo.”
“Talaga?”
Tumango ang binata. Kinuha nito ang velvet box sa kandungan nito at muling binuksan sa harap niya. “I think this is the right time to ask you to marry me. Will you marry me, sweetie?”
Sunod–sunod ang naging pagtango niya.  “Yes, with all my heart.”
Kinuha nito ang singsing sa kahita at mabilis isinuot sa kanyang daliri.
It fit perfectly. Then they sealed their engagement with a kiss.

Three days later

KINAKABAHAN si Trisha. Doon siya naghapunan sa bahay ni Ken kasama ng buong pamilya nito.Nandoon din si Jay–Jay. Ngayon nila sasabihin sa pamilya nito ang kalagayan niya at bukas ng gabi naman ay sa pamilya niya.
“Relax, kanina ka pa nanlalamig,” bulong ni Ken sa kanya habang mahigpit nitong hawak ang isang kamay niya sa ilalalim ng mesa.
Pilit siyang ngumiti.
“Kuya, ano ba ‘yong sasabihin n’yo?” tanong ni Kirsten nang kumakain na sila ng dessert.
Ngumiti si Ken. Napayuko naman siya.
“Trisha and I are getting married,” masayang anunsyo nito.
Ilang sandaling walang nakapag–react sa sinabi nito. “Well, that’s good news,” masiglang sabi ni Mr. Alegre na unang nakabawi.
“I agree,” sabi naman ni Mrs. Alegre. “Kailan n’yo ba plano? Siguro naman hindi sa taong ito dahil hindi ako papayag dahil magsusukob kayo ng taon ni Kate.”
“As soon as possible, Mom, dahil magiging lola ka na,” nakangiting sagot ni Ken. “Trish is two months pregnant.”
“What?” gulat na halos sabay–sabay na bulalas ng lahat kabilang na si Jay – Jay.
“It’s true. Magkakaroon na ng little Ken sa pamilya natin,” nakangiting dagdag pa ni Ken.
Sa pagkakataong iyon ay si Kirsten naman ang unang nakabawi. Tumayo ito at masayang binati sina Ken at Trisha. Ganoon din ang ginawa ng mag–asawa. Nanatili naman sa kinauupuan sina Jay–Jay at Kate na halatang kinakabahan sa susunod na mangyayari. 
“Kailangang makasal kayo sa lalong madaling panahon,” sabi ni Mrs. Alegre habang bumabalik sa upuan nito. Binalingan nito sina Jay–Jay at Kate. “Ipo- postphone n’yo muna ang wedding n’yo.” 
“What?! Pero, Mommy!” protesta ni Kate.
“Mommy, puwede naman ang double wedding, ‘di ba?” giit pa ni Jay–Jay.
“Puwede pero hindi ako papayag dahil sukob pa rin ‘yon sa taon at hindi maganda ‘yon.”
“Sang–ayon ako diyan,” sabi naman ni Mr. Alegre habang nakatingin kina Jay – Jay at Kate. “Magpaubaya na muna kayo tutal mas matanda naman si Ken kay Kate at siya talaga dapat ang unang mag–asawa.”
“Sorry, sis, bro, do it for your nephew,” sabi ni Ken habang inaalalayan si Trisha sa pagtayo. Alam ni Ken na aapela pa ang dalawa, bahala na ang mga magulang nito ang magpaliwanag.
Sa balkonahe sa loob ng kuwarto ng fiancé siya dinala nito. “Galit yata sina Kate sa atin,” nag–aalalang sabi niya.
“Huwag mo silang isipin, sweetie. Ilang buwan lang naman ang hihintayin nila at New Year na.”
Huminto si Trisha sa tabi ng rectangular box na natatakpan ng asul na tela. “Ano, ‘to?” curious na tanong niya.
“Open it,” nakangiting utos nito.
Sumunod naman si Trisha at tinanggal ang telang nakatakip doon. “Wow!” bulalas niya nang tumambad ang isang miniature house na nasa loob ng glass show box. Nagustuhan kaagad niya ang design ng bahay lalong–lalo na ang facade.
“I made that model house a day after you asked me to stay away from you. That’s my dream house, our future house. Nagustuhan mo ba?”
Speechless na tumango siya. Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kamay niya. “Hindi mansiyon tulad ng bahay n’yo ang magiging bahay natin, Trish. Pero sisiguraduhin ko sa ’yo na mapupuno iyon ng pagmamahalan at magiging masaya tayo kasama ng mga magiging anak natin. Tulad nitong bahay namin.” Iginala nito ang tingin sa paligid. “Hindi man mansiyon ang bahay namin at hindi rin kami nakatira sa exclusive subdivision, maipagmamalaki ko na nagmamahalan kami rito at masaya kami. Ganito ang dream house ko na nakatira kasama ka.”
“Oh, I love you, Ken!” nasabi na lang niya sa kawalan ng sasabihin.
“I love you more,” sagot nito at mahigpit siyang niyakap.
Mahigpit din siyang yumakap sa fiancé habang nakatingin sa miniature house. Ngayon pa lang ay hindi na siya makapaghintay na tumira sa dream house nito kasama ito.

                                       PEACH SEVILLA

                      *** WAKAS***

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 27, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Substitute Date - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon