"Let's just talk tomorrow, Euphie." Bahagyang may putok sa gilid ng kanyang labi si Ahmed.

Si Triton kanina ay pansin ko sa kanyang kilay, habang si Arellano ay may pasa na sa kanyang mukha.

Hindi na nagtagal sila Arellano sa bahay dahil inuwi na rin ito ng kanyang Daddy.

"What happened there Euphie? Bakit biglang nagkaroon ng suntukan?" tanong ni mommy.

"Because of that Arellano! Hindi ko sila iboboto!"

"Why?"

I explained everything. Bumuntong hininga lamang sa akin si Mommy at Daddy.

"Tomorrow, we'll apologize to Ahmed and Triton's parents. Magpahinga ka na Euphie, napakaganda mong babae anak. Noong kabataan ko, hindi ko rin alam kung paano ihahandle ang mga boys."

"Wow," tipid na sabi ni Daddy.

Kinabukasan ay kasama ako ni Mommy sa harap ng bahay ni Ahmed, may dala kaming macaroni para sa mga ito.

Si Ahmed ang sumalubong sa amin.

"Hi Ahmed, we're sorry about yesterday. Nandyan ba ang mommy at daddy mo?" humalik si mommy sa pisngi niya.

Hindi ako iniimikan ni Ahmed nang makarating kami sa kusina. Nahuhuli na ako sa paglalakad nang hawakan ko ang laylayan ng damit ni Ahmed.

"A-Are you mad at me, Ahmed? I'm sorry."

Nauna na si mommy sa kusina, hinuli ni Ahmed ang kamay ko at dinala niya ako sa sala ng kanilang bahay.

"Gamutin mo ako, look what happened to my lips." Agad akong humawak sa magkabilang balikat niya at hinalikan ko ang gilid ng labi niyang may sugat.

"I'm sorry Ahmed, huwag ka nang makikipag-away ulit." Akala ko ay hindi na siya ngingiti sa akin pero nakahinga ako nang maluwag nang gumanti siya ng halik sa aking noo.

"Forgiven,"

Matapos mag-usap ng mga mommy namin ay nagpaalam na kami. We're going to Triton's house.

Si Tita Taliya ang sumalubong sa amin, I heard Triton and Troy's voice cursing each other. Naglalaro ang dalawa ng xbox.

"Boys, may merienda."

Nawala ang ngisi ni Triton nang makita niya ako, nang mapansin ni Troy Ferell na malayo na si mommy. He mouthed me few words, why are you here?

Hindi na kami kumain ni mommy, si Triton at Troy na lamang ang kumakain sa lamesa. Nagsimula nang magsalita si mommy.

"Sorry about what happened, are you fine now Triton?" natigil sa ere ang pagsubo ni Triton.

"I am always fine Tita," Triton meaningfully looked at his mother.

"May ampon ka yata Taliya, who is this handsome boy?" gusto kong pumikit nang biglang kumislap ang diamond earring ni Troy Ferell.

"Anak po ng katulong namin Tita." Sagot ni Triton.

"What?" ngiwing sabi ni Troy.

"He's Don Ferell's youngest grandson, Troy. I asked him to stay here for a while, kasi bakasyon naman sa school nila."

"Walang pagkain sa kanilang mansion. That's why he's here." Segunda ni Triton.

"Hi Tita, I'm hearing a lot of things about you from Triton. Totoo nga ang sabi ni Triton, maganda rin daw ang mommy ni Euphie." Kita ko kung papaano ngumiwi si Triton.

I bet Troy Ferell is lying, bakit naman nila pag-uusap kung maganda ang mommy ko o hindi?

"I like him, hindi lang siya gwapo, matapat pang bata." Sinungaling siya!

Hindi naman masama ang loob ng mommy ni Triton, she always nice and kind. Lumabas na sa kusina si Triton at Troy, bumalik na sila sa paglalaro. Nag-uusap pa sila mommy nang may tumawag sa telepono niya.

"Wait lang Taliya,"

"Okay,"

Naiwan kami ni Tita. And from the very first time, I felt awkwardness with her, hindi na ito masyadong lumalapit sa akin nang naging kami ni Ahmed.

"How are you Euphie? Hindi ka na dumadalaw rito, nagtatampo na ako."

"Sorry po,"

"It's okay, I can understand." Nagsimula na siyang kunin ang mga plato sa lamesa.

Nakatalikod na ito at binuksan na niya ang gripo.

"Pero sana si Triton na lang Euphie, mahal na mahal ka ng anak ko."

That was the last words I heard from Tita Taliya before we went home. Nagkaroon pa sila ng usapan ni mommy pero hindi na ako sumali.

Sumapit na ang foundation week namin. My parents are so supportive taking shots of my pictures.

Walang tigil sa pagtuturo sa akin si mommy ng aking pose para mas maging maganda ang anggulo ko.

"Ang ganda ganda naman ng anak ko. Smile widely Euphie," sumunod ako sa sabi ni mommy.

Panay lang ang kuha nila ng pictures sa akin nang dumating si Ahmed.

"Ang pogi ni Ahmed! Come here, I'll take your pictures." Hindi agad nakalapit si Ahmed sa akin nang makita niya ako.

"That angel is so cute," kumento niya sa akin.

Nang makalapit na siya sa akin ay agad niya akong hinapit.

"You're so pretty, Euphie."

"Ang gwapo mo rin!" ngumisi kami sa isa't-isa nang mag-flash ang camera. Katulad ko ay nabiktima rin si Ahmed sa kagustuhan ni mommy na kumuha ng maraming pictures.

Hindi na bike ang ginamit namin dahil sumakay na kami sa kotse. Nahirapan pa akong pumasok dahil sa malaking pakpak ko.

"Ahmed, my wings can't enter." I pouted.

He laughed and helped me.

"Don't ruin my wings,"

"Kapag hindi ka na makalipad, bubuhatin na lang kita. Okay?" ngumisi ako sa sinabi ni Ahmed.

Hirap na hirap akong sumakay sa kotse habang naiiling siyang pinagmamasdan ako.

Nakarating kami sa school at halos pagtinginan si Ahmed, ang gwapo kasi ni Ahmed. Hinatid niya muna ako sa classroom ko bago siya pumunta sa classroom niya.

"I'll pick you up before lunch."

"Okay," pinisil nito ang tungki ng ilong ko bago niya ako iwan.

"Euphie, ang ganda naman ng wings mo. A for the effort!"

"Ginawa 'yan ni Mommy," naka-fairy naman si Patricia.

"Pat! Nasilip mo na ba ang section nila, Triton? Ang cute ng theme nila." May lumapit sa amin na isa sa mga kaklase naming babae.

"What is their theme?" I asked curiously.

"Demon! Speaking of the devil!"

Lumingon ako sa labas ng classroom, I saw Triton wearing an evil costume. Kung ako ay may halo sa ulo, siya naman ay sungay. Kasunod niya ang alalay niyang si Troy na naka-freestyle lamang.

He's walking proudly, but when his eyes landed on my spot he stiffened. Nabangga sa likuran nito si Troy Ferell na nagte-text.

Itutulak sana nito si Triton nang tingnan niya ang tinititigan ni Triton. Ilang beses umiling si Troy Ferell nang makita ako.

Until he shouted.

"Uwi na Euphie, may pa-sungay pa kami dito. Come on T, don't look at the angel. Siya ang kasalanan. Siya ang bad." 

--

VentreCanard 

The Prince Who Pricked His Finger On The Spindle of a Spinning Wheel (Prince#2)Where stories live. Discover now