2 • New gig • 2

51.8K 1.1K 49
                                    

       

JD's POV

Napaangat ang ulo ko ng ilang folders ang bumagsak sa harapan ko.  Tiningnan ko ang gumawa noon at nakangising mukha ni Dale ang nakita ko. 

"Ano na naman iyan?" inis na sabi ko at itinuon ko ang pansin sa report na ginagawa ko.  Umupo pa si Dale sa mesa ko at tinitingnan ang ginagawa ko.

"Additional reports.  Favorite ka ni Gonzalez, eh.  Masyado ka daw kasing magaling," natatawang sabi nito.

"Ulol.  Gago lang talaga 'yang boss mo," sagot ko.

"Siraulo ka kasi.  Sinabi na kasi sa iyo hold mo muna 'yung huling gig natin.  'Tang 'na ka.  Itinuloy mo pa rin.  Ano ngayon?  Lalo kang nadiin 'nyang si Mac.  Sinabi na kasi sa iyo maghintay pa tayo ng mas maraming ebidensiya.  Nauwi sa wala ang ilang buwan na pagmamanman natin sa kanya," tonong naiinis pa siya sa akin.

Inis kong isinara ang laptop ko. 

"Kumpleto ang intelihensiya ko kay Mac.  Ang dami kong ibinigay sa boss mo na mga ebidensiya na nagpupuslit talaga ng mga high end guns ang gagong iyon. Nagkataon lang talaga na anak siya ng isang senador kaya daig pa ang palos sa dulas.  Malapit na talaga akong magduda.  Iniisip ko na may kapit 'yan dito sa ahensiya natin," sagot ko.

Kumunot ang noo ni Dale.  "Tingin mo?"

"Bakit hindi ko maiisip?  Ilang beses na laging mahuhuli na natin si Mac.  Pero sa tuwing araw na ng raid, lagi siyang nawawala.  He is always one step ahead of us.  Parang laging may nagti – tip sa kanya.  Tulad last time.  Anong nangyari?  Sigurado ang mga tao ko nandoon si Mac at may bentahan na nangyayari.  Tapos biglang mga unan ang laman ng kargamento?  Ano ang silbi ng mga litratong nakuha 'nung mga nakaraan araw?"

"Sabagay, may punto ka diyan.  Naiisip ko rin iyan.  Pero sa tingin mo, sino?"

Umiling ako.  "Mahirap magbintang.  Pero ang gawin natin, maging alisto tayo.  Alam ni Mac na mainit siya kaya sigurado akong mag-lie low iyon." muli kong binuksan ang laptop ko at itinuloy ko ang ginagawa kong report.

"Tuloy ba tayo sa inyo mamaya?"

"Huwag na sa bahay nila nanay.  Maabala pa sila nanay doon.  Doon na lang tayo sa bahay ko."

Ngumisi si Dale.  "Puwede magdala ng babae?"

"Gago.  Bahay ko iyon.  Hindi iyon beerhouse.  Magiging asawa ko lang ang dadalhin ko doon.  Alak puwede pang dalhin.  Kung gusto mo ng babae, sa motel mo dalhin."

Bumuga ng hangin si Dale at tumayo.  "Sungit." At iniwan na ako.

Napapailing na sinundan ko siya ng tingin tapos ay napahinga ako ng malalim.  Hininto ko ang ginagawa ko at tiningnan ko lang ang laptop ko tapos ay ang mga patong – patong na folders.  Buwisit.  Kung hindi talaga nabulilyaso ang operation naming sa Mac na iyon, wala akong ganitong tambak na reports na tatapusin.

Binuksan ko ang desk drawer ko para kunin ang sigarilyo ko ng mapatingin ako sa calling card ko na naroon.

JAMES DAVID F. CARBONEL.  Senior Agent, Circuit Defense Services.

Five years na akong member ng Circuit Defense Services.  Private security company na may mga overseas offices sa Middle East, Asia at Amerika.  Dati akong member ng military sa America.  Pagkatapos ko ng highschool, doon na ako nag – aral ng kolehiyo tapos ay doon ako nag – training.  I had two tour duties in Afghanistan.  I saw war in my own eyes.  After that, ayoko na.  Nakapagod na araw – araw puro patayan ang nangyayari doon.  Nakakapagod makapatay ng mga taong hindi ko alam kung anong ipinaglalaban nila.  Kaya umalis ako sa military.  Nakakilala ako ng isang Pilipino, si Mason Gonzalez na dati ring nag – serve sa military at ngayon ay co – founder ng Circuit Defense Services dito sa Pilipinas. Inalok niya akong doon magtrabaho.  Sinubukan ko.  Madali lang naman.  Mostly security services lang ang pinapatrabaho sa amin.  Private companies, high ranking officials, minsan pati mga presidente ng iba't – ibang bansa ay binabantayan namin.  Minsan, pati ang pagiging private investigator ay trabaho din namin.  At minsan, request ng government agencies, pati kami ay kasama sa mga raids at paghuli sa mga high end criminals na hindi nila kayang hulihin.

THE TAMING AFFAIR BOOK 1 (books now available)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon