Chapter Twenty Seven

Magsimula sa umpisa
                                    

"That atmosphere was really suffocating!" Reklamo ni Nikolei habang hinihimas ang dibdib nya.

Hinayaan na lang namin silang tatlo sa mga drama nila at tahimik na sumunod na lang sa babaeng magdadala raw saamin sa opisina ni Lord Zairo.

"Nandito na tayo. Nasa loob si Lord Zario na malamang ay kanina pa naghihintay sa pagdating nyo Alphas." Sabi nito bago binuksan ang pintong halos triple ang laki kesa sa mga ordinaryong pinto sa mga ordinaryong bahay. Higante ata ang Lord Zairo na may ari ng palasyo kaya ganun kalaki ang pinto.

We all entered the room at namamanghang tinignan ang mga nakadisplay na ulo ng mga hayop sa dingding.

Hindi naman halata that they're into hunting right?

"Alphas!" Nabaling ang tingin namin sa pintong nasa kaliwang bahagi ng opisina kung saan lumabas ang isang matandang nasa 50s or 60s na nito. Halos puti na din ang lahat ng buhok sa katawan nya dulot na rin siguro ng katandaan. To say that I was disappointed was understatement.

"He's small." I whispered to myself voicing out kung ano ang unang pumasok sa isip ko upon seeing him. I was expecting a huge guy to be honest. I was pulled out of my thoughts when I heard some of them let out a surpressed laugh.

Teka? Why are they laughing?

"I'll pretend that I didn't hear that young lady." Lord Zairo uttered habang nakangiting nakatingin saakin.

Wait. Hear what? Did I say somethi~

My eyes widened in surprise when I realized what I might have done.

"Did I say that out loud?" Mahinang tanong ko kay Cashiella na busy sa pagpipigil ng tawa sa tabi ko. I sighed and just convinced myself that it was not embarassing at all. Mindset ba.

"Welcome to Crossville South City." Bati nito saamin bago naupo sa 'trono' nya.

His face was different from the one he had kanina when he greeted us. I can tell right away he's going to go straight to business.

Tumayo kami sa harap nya at hinintay syang magsalita.

"Kumpleto na pala kayo. Pinatawag ko kayo dahil sa malaking problema na kinakaharap ngayon ng South City at kapag nagpatuloy pa ito ay baka madamay na din ang Hile at ang Pyske. Alam nyo naman siguro na ito ang sentro ng produksyon sa buong Heleina Cross. Kapag nagpatuloy ang mga bandido sa pagharang ng mga produktong iluluwas papunta sa dalawa pang city ay mahihirapan hindi lang kami kundi pati ang buong Heleina Cross. Kung kaya lamang ng mga gwardya ng South City ang mga bandidong iyon ay hindi na kami hihingi pa ng tulong sa mga elders. Madami na din sakanila ang nasawi dahil sa pakikipaglaban sa mga bandido kaya hindi na namin kayang isakripisyo pa ang natitirang 30 gwardya para lamang sa wala. Sana ay matulungan nyo kami." Sabi nito habang binibigyan kami~isa-isa ng isang madamdaming tingin.

Ng magkasundo ang panig namin at ng south city ay sinabihan na muna kami ni Lord Zairo na magpahinga at ipagpabukas na lang ang pagtugis sa mga bandido.

Sampung guest room ang ipinahiram saamin ni Lord Zairo.

Dahil kulang iyon saamin ay nag-agree na lang na magsama sa isang kwarto sina Lukas at Harold, and Nikolei and Kairo. Nag by-pair na lang silang apat para magkasya kami sa sampung kwarto.

Sabay-sabay kaming pumunta sa second floor kung nasaan ang mga kwarto namin at nagkanya-kanya ng pasok sa mga kwartong ipinahiram saamin.

Sa sobrang pagod ay agad na tumakbo ako papunta sa kama ko at padapang humiga doon. Mahigpit na niyakap ko din ang malalambot at mababangong unan bago ko ipinikit ang aking mga mata. Hapon pa lang naman kaya may oras pa para magpahinga.

Akmang ipipikit ko na ang mga mata ko ng biglang sunod-sunod na pumasok sila sa loob ng kwarto ko.

Dahil sa gulat ay napa-upo ako sa ibabaw ng kama ko at gulat na tumingin sakanila.

"Hi Ireneia!" Sabay-sabay na sigaw nila well except sa mga tahimik na talaga bago nagkanya-kanyang upo sa couch, sa kama, at sa sahig ng kwarto ko.

What the hell?

Nanlulumo akong bumuntong-hininga bago muling nahiga sa kama ko.

Wala na...



Wala na ang pahinga ko!

"Tsk. Get out all of you." Maawtoridad na sabi ni Helios sakanilang lahat na natigilan naman sa mga ginagawa nila.


I immediately sat out of excitement.

For a moment parang nakita kong nagkaroon ng pakpak at halo si Helios sa paningin ko dahil sa sinabi nya. Nagti-twinkle na din halos ang mata ko habang nakatingin ako sakanya.

"Why?" Sabay-sabay na reklamo nila bago itinuloy ang mga ginagawa nilang pangugulo sa loob ng kwarto ko.

Binaling ko ang tingin ko sakanila bago ibinalik ang tingin ko kay Helios.

I looked at him with pleading eyes dahil pagod na pagod na talaga ako. Hindi ako sanay sa mahabang byahe kaya bugbog na bugbog na ang katawan ko.

Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o nakita ko ang bahagyang pag-ngiti nya bago sya tumikhim at seryosong pinaghihila palabas ang mga lalake sa kwarto ko. Though yung 3 idiots lang ang hinila nya dahil nauna ng lumabas sina Copper, Lukas at Harold.

Natatawa at nakangisi naman ang mga babae bago lumabas sa kwarto ko.

"Man down. A man is down really bad." Fritzale uttered in a singsong manner habang papalabas ng kwarto ko. My forehead automatically creased. What does she mean by that? Ngunit imbes na abalahin pa ang sarili ko sa kung ano man ang ibig sabihin nya sa sinabi nya ay ibinagsak ko na lang ang sarili ko sa kama. I stared at my ceiling for a while before closing my eyes. That's when I heard someone spoke through mindlink.

Rest.

Bahagya akong napangiti ng marinig ko ang boses nya sa utak ko.

Thanks.

Heleina Cross Academy Of Magic: CURSED (Part 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon