Chapter 9

3.3K 75 5
                                    

busy kasi ako for the past few days. soreh sa late update

Lisa's POV

Nang magising ako ay napansin kong nakayakap na sakin si Jennie at mukhang natutulog pa ata.

So paano ba ako makakatayo neto? I don't want to be rude, tsaka kailangan nya din kasi ng tulog dahil puro trabaho lang yung inaatupag nya.

Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari kagabi. Ang gusto ko lang naman ay may makasama ako, just someone who can make my night longer at walang ibang gawin kundi ang mag kwento, pero talagang bumigay na yung emosyon ko nang ganun kadali.

And sa kanya ko pa binuhos.

Siguro sa sobrang bigat narin at hindi na kinaya ng sarili ko. Hindi ko pala alam yung mga limitation ko, and I guess it's true na hindi ko masyadong alam yung sarili ko.

Siguro wala talagang nakakakilala sa totoong pagkatao ko. Every people has their own version of you. Iba't ibang perspectives at iba't iba ang mga iniisip.

And curious ako sa kung ano ba ang tingin sakin ni Jennie.

Maybe, I just really need someone to comfort me. At sya pa talaga ang nagawan kong tawagan.

Looking at her sleeping face, hindi ko maiwasan na mapansin kung ga ano sya kaganda. Too perfect. Pero wala namang perfect diba? Siya na ba ang taong empitome of a flawless imperfection?

Hindi ko alam. Corny ko na talaga.

There's something in her that draws me in. Hindi ko alam kung ano. And I don't like it kasi nahihirapan akong malaman kung ano yun.

Inayos ko na lang yung kumot na nakapatong sa kanya baka kasi nilalamig sya. Napahigpit sya ng pagkayakap sakin at bigla lang naman akong nanigas dito sa higaan ko.

Eto na nga ba. Dangerous. Na co-concious tuloy ako sa sarili ko at hindi ko na rin magawang gumalaw. It's still 5 a.m sobrang aga pa.

Maybe mas maganda kung matulog nalang ako ulit. I just stared her face, capturing her face with my eyes. It's a sight na dapat hindi ko makakalimutan. Ang bagay nya maging muse. Hindi sa classroom pero para sa akin.

Gusto kong i capture every bit of her face, angle, beauty, lahat lahat na.

Sa totoo lang gusto ko talaga maging photographer. It's something that I've been wanting to do since I was in highschool kaso parang hindi talaga naaayon lahat sa gusto ko.

Iniangat ko yung kamay ko at dahan dahang hinaplos yung mukha nya starting from her chin then to her lips up to her nose then to her eyes hanggang sa hindi ko na malayan na nagising na pala sya.

Dali dali kong inialis yung kamay ko sa mukha nya.

Then I hear her chuckling. Then she rubbed her hands sa mga mata nya.

Tapos yun na nga. Nagkatitigan na kami pagkatapos. Hindi ko talagang matiis na ngumiti. And we both smiled to eachother.

"Good morning.." Bati nya sakin habang nakangiti sa akin.

"Good morning din."

Then all of a sudden bigla syang nag lean papalapit sa akin. Tapos ramdam ko na yung mga labi nya na nasa noo ko at niyakap nya ako at samantalang ako ay naka kulong sa mga bisig nya habang yung ulo ko ay naka dikit sa dibdib nya.

Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Lisa, please when there's something wrong pwede mo naman akong lapitan."

Oh God.. her husky voice. Napaka sexy pakinggan.

Napabuntong hininga nalang ako at niyakap sya ng mahigpit.

"Hindi mo naman kailangan na mag set up sakin ng dinner, you can just call me anytime kaya."

Napatawa nalang ako ng mahinhin.

Biglang naging seryoso yung vibes naming dalawa.

"Can you please tell me for once na—"

Bigla namang nag ring yung phone ko at dahan dahan ko syang tinulak at   kumawala sa pagkayakap nya.

Tiningnan ko yung caller ID pero unknown yung tumawag sakin. Hindi naman ako basta bastang nag bibigay ng number at hindi ko alam kung sino tong tao na tumatawag sakin.

The next thing I know, I was already sitting on the edge of my bed habang hawak yung phone ko. Nag dadalawang isip nga ako kung sasagutin ko ba to o hindi.

Nararamdaman ko na rin na gumagalaw si Jennie sa likod at bigla nalang gumaan yung kama ko.

"I'll just go ahead..." sabi ni Jennie habang papalabas sya sa kwarto ko.

Hindi ko pa naman sya pinapaalis pero ba't aalis sya?

Pinabayaan ko na lang yung phone ko na nag riring. Sino ba kasi ito.

Inoff ko nalang yung phone ko at sinundan si Jennie na sa kasalukuyan ay suot suot yung t-shirt ko na malaki para sa kanya. All I can see is her legs. Eto na nga ba yun.

Control yourself Lisa!

Ba't ba kasi hindi sya nag papajama. Pwede naman syang manghiram at actually I have some of her clothes in here, kaya bakit pa ba nya kailangang hiramin yung mga damit ko.

She was just standing facing her back at me habang umiinom ng tubig.

I think I really need to get laid.

Ayokong mag mukhang manyak sa harap ni Jennie.

"I thought you're going ahead?" Tanong ko sa kanya.

Nakatalikod parin sya sakin.

Tapos ilang saglit ay humarap sya sa akin at ngumiti ng nakakaloko.

"I was just joking! Ikaw naman oh, hindi ma biro."

Aaah.. So ganun lang yun. Hindi ko na nga sinagot yung tawag kanina dahil sa kanya. For a moment, I felt something nung sinabi nya na aalis siya. Yung feeling na ninenervous ka. Ewan ko ba.

"I'll stay here for the whole day." Sabi nya, at naglakad papunta sa sofa ko at humiga at kinuha yung remote para i-on yung TV.

Napa ubo nalang ako dahil sa position nya, ang iksi kasi ng shorts nya. Grabe wala ba tong pantalon tong babaeng to. Iniwas ko nalang yung tingin ko sa kanya at tumungo sa kusina.

"At bakit naman?" Tanong ko sa kanya.

"Wala lang. I just want to be with you, bakit may problema ba?" Dinig kong sabi nya na galing sa sala.

Wala namang problema. Actually, hindi ko alam ba't ang laki ng ngiti ko.  Dahil ba to sa sinabi nya?

"Lisa!! Mag prepare ka ng breakfast pleaaseee!! Thank you!!" Sigaw nya.

"Gawa ka ng sayo!" Biro ko sa kanya.

Then I laughed. Isa lang ang na-iimagine ko, is her face na parang batang inagawan ng candy at naka pout yung lips.

"Sama mo talaga!"

Napatawa nalang ako.  "I was just kidding!!"

Then our morning was filled with laughters and chit chats. Feel ko ang ganda siguro ng araw ko ngayon, I don't want to think about anything. All I want to do is to spend my day with this girl here, the girl who cares for me the most.

A Beautiful Night To Waste // jenlisaWhere stories live. Discover now