CHAPTER SIX (Part 2)

14 1 0
                                    

Napasimangot nalang si Jini habang pinagmamasdan ang masayang pag-uusap ng mommy niya at ang mommy ni Ken na si tita Emie. Nasa bahay nila ang mommy ni Ken dahil ngayon siya pupunta ng Maynila. Hinihintay lang nila si Ken na siyang susundo sa kanya sa kanilang bahay na maggagaling pa ng Maynila. Napailing siya ng maalala ang pag-uusap nila ng mommy niya bago siya matulog noong sabado .

“iha seryoso ako na sa bahay ng tita Emie ka muna titira pansamantala.” Bungad nit okay Jini.

 

“mommy pagsasamahin niyo kami ni Ken? Baka masunog naming ang bahay kapag nag aaway kami mommy.” Sabi niya dito.

 

Ngumiti ito. “hindi naman siguro hahayaan ni Ken na mangyari yun iha.” sagot naman nito.

 

“paano kung hindi ako pumayag na dun tumira mommy?” sabi ni Jini.

 

“edi dito ka nalang sa bahay. Tumulong ka sa mga katulong natin.” Sabi nito. tinitigan niya ito para siguraduhing nagbibiro lang ito pero hindi. Seryoso ito!

 

Alam ng mommy niya na pinakaayaw niya ang gumawa ng gawaing bahay. Lalo na ang paglalaba at paghuhugas ng pinggang. Kaya nga ang isa pa sa bansag ni Ken sa kanya ay Senyorita Jini. Kahit nga noong nasa New York siya ay kasama niya ang yaya niya simula pagkabata. Pero nakakalungkot lang noong umalis ito dahil kaylangan daw ito ng anak na may sakit. Kaya pansamatala niya itong pinauwi. Mangiyak-ngiyak nga siya ng umalis ito.

 

“mommy…. paano yung trabaho ko?” tanong niya dito na sumimangot. Kaylangan niyang mapapayag ito na sa apartment nalang siya tumira. Kahit wala na siyang katulong. Pwede naman siyang magpalaba sa labas at sa labas nalang din kakain para iwas hugasin.

 

“hay katamaran naman talaga!” sabi ng isip niya.

 

Napangisi siya.

 

“mommy sa apartment nalang po muna ako. Sandal lang naman po e. saka kahit hindi na ako magdala ng katulong. Okey lang ako mommy… promise!” kumbinsi niya dito.

 

“iha alam ko ang mangyayari pag pinayagan kitang tumira ng apartment. Ang mga labahin mo sa labas mo ipapalaba at para hindi ka na maghugas sa labas ka nalang kakain. Abay magkakasakit ka pag pinayagan kong mangyari iyo. Kaya kahit pa sabihin mong bibili ka nalang ng condo. Hindi ko kayo papayagan ng kuya mo. Gusto ko sa bahay kayo tumira. Mas okey na yung kasama mo si Ken. Sigurado akong aalagaan ka niya.” mahabang litany nito.

 

“si Ken nanaman?” sabi niya sa isip. Pero ayaw na niyang kumontra dahil alam niyang hindi nanaman siya mananalo sa laban sa mommy niya.

 

“sige na nga.” Sabi niya rito at sumimangot.

 

Halos magtatalon ito sa saya at niyakap siya. “very good iha. goodnight!” sabi nito at lumabas ng pinto. Narinig pa niya ang huling sinabi nito bago lumabas. “kaylangan kong tawagan si mareng Emie.” Sabi nito na parang excited.

 

“wews! Bakit parang may binabalak sila mommy at tita Emie?” sa isip niya. “bahala na nga.” Nasabi niya at humiga na.

 

Nagulat nalang si Jini ng may biglang pumitik sa harap niya. dahilan para matapos ang kanyang pagbabalik tanaw.

“ang lalim ng iniisip mo pangit a. nakakunot noo ka pa.” bungad sa kanya ni Ken na nakangiti at mukhang handing makipag-asaran.

“e ano naman kung malalim…. Bakit ba nakikialam ka!” sagot ni Jini. Umagang-umaga nagbabangayan nanaman sila. Ano nalang kaya pag magkasa nalang sila sa iisang bahay. Well….nalalaman natin sa mga susunod na araw.

“ano ba yan…..ang aga-aga nagsusungit….. meron ka ba pangit?” tanong nito sabay ngisi na inosente.

Namula ata ang mukha ni Jini. Paano nito nasasabi ang mga ganoon? Huh!

“anong meron?! Wala no….” sagot niya at tinalikuran na ito. Sakto namang papalapit ang mommy niya kay Ken.

“Iho I’m glad you’re here early. Para hindi na kayo abutan ng gabi sa biyahe.” Salubong ng mommy ni Jini kay Ken. Hinalikan naman ng binata ang pisngi ng mommy niya.

“of course tita. Ako pa.” sagot naman ni Ken sabay kindat.

Natawa ang mommy ni Jini. “ang gwapo mo talaga iho.” Sabi ng mommy ni Jini.

“mom! Wag mo ngang sinasabihan yan ng kasinungalingan. Kaya kumakapal ang mukha e.” biglang kontra ni Jini.

Nagtawanan lang ang mga ito. Sumabay na din ang mommy ni Ken para batiin ang anak.

“you’re here mom. I miss you.” Sabi ni ken sabay halik sa pisngi ng ina.

“I miss you too  son. Be good to Jini. Okey?” Sabi ng mommy ni Ken.

“ohhhh… that?” sabi ni Ken na hinimas himas ang baba. “I’ll think about it mom.” Sagot nito na ngumisi.

“lalayasan kita Bumbay.” Sabi ni Jini.

“okey lang. Hindi naman tayo mag-asawa.” Ganti ni Ken.

Uminit nanaman ang ulo ni Jini.

“okey kids. Stop. Kumain na kayo bago umalis. baka abutan kayo ng gabi sa daan. Sa bahay sa Maynila na ninyo ituloy ang lover’s quarrel niyo.” Sabi ng ina ni Ken.

Walang nagawa ang dalawa kundi ang tahimik na sumunod.

A/N: well..... nasa mood akong magsulat ngayon. baka hanggang Chapter 8 ang magawa ko. I hope so! pero panood lang ng running man sandali. promise isususnod ko na yung Chapter 7. FIGHTING! :)

HATE me now and LOVE me foreverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon