CHAPTER THREE

34 2 0
                                    

JINI here….

Hindi napigilan ni Jini ang sarili sa pagbabalik tanaw sa nakaraan. Ayaw na niyang isipin ang nangyari…. Kung paano siya nagalit kay Ken…. Kung paano nito sinira ang pinapaniwalaan niyang happy ever after. Pero ang walang hiyang kapitbahay nila…. Nagpatugtug ba naman ng napakalakas at ang kanta lang naman ay ang kanta ni Taylor Swift-WHITE HORSE.

That I'm not a princess, this ain't a fairy tale,

I'm not the one you'll sweep off her feet,

Lead her up the stairwell

This ain't Hollywood, this is a small town,

I was a dreamer before you went and let me down,

Now it's too late for you and your white horse to come around

Ang lakas ng tama diba?! Na feel niyo? Swak na swak sa nangyari sakin. Ay! nakakaasar na hah!

Kung iisipin, hindi naman siya nagagalit kay Ken kahit na anong gawin nito sa kanya dati. Pero ng araw na iyon…. Masyado na nitong nasaktan ang feelings niya. Nakakasama ng loob na kahit aalis na siya ay may gana parin itong pagtripan siya. Siguro ay umaasa masyado na magiging maganda ang paghihiwalay nila ni Ken. Na magagawa niya ng maayos ang dapat gagawin niya ng gabing iyon. Pero mabuti nalang at hindi niya itinuloy ang balak na magtapat ng pag-ibig dito. Wala na siguro siyang mukhang ihaharap dito ngayon. Siguro nga ay tama lang ang nangyari noon.

Huminga siya ng malalim. Nagpasya siyang bumaba sa sala. Nakita niyang nandoon ang kuya. At ang nakakainis sa lahat yung katulong nila sinasabayan yung pinapatugtug ng kapitbahay nila. May pagalaw-galaw pa ito ng ulo. Right…. Left…… right…. Left….. aba! Feel na feel ng ale!

Aish!!!!! Napasimangot nalang ako. Napatingin si kuya sakin.

“o bakit umagang-umaga ang haba-haba na ng nguso mo. Pano pa kaya kung magkita kayo ni Ken.” Sabi nito na natatawa.

“Ayan! Isa ka pa! umagang-umaga pangalan nanaman ni Ken narinig ko sayo.” sa isip niya. Kababtrip nga nanaman o!

“wala.” Sagot ko dito at bumaling sa katulong naming na hindi man lang ako pinansin dail kumakanta parin habang naglilinis. “namang pakihanda na po yung lamesa. Kakain na po ako.” Utos niya dito. Siya nalang panigurado ang kakain. Late na kasi siya gumising. Pero waaaaahhhhh! Hindi ata siya narinig at mas lalo pang nilakasan ang pagkanta

 

“That I'm not a princess, this ain't a fairy tale,

I'm not the one you'll sweep off her feet,

Lead her up the stairwell”

Kanta ni manang. Aba! Saktong chorus pa ah!

“manang!” sigaw ko dito. Wala eh. Badtrip na ako. Hayun…. Narinig din niya ako sa wakas. Lumingon ito sakin.

“ano po iyon mam?” sabi nito na parang wala lang. mas lalo akong nabadtrip.

“sabi ko po pakihanda na yung mesa at mag aagahan na ako.” Sabi ko.

“sorry po mam.” Sabi nito at mabilis na pumunta sa kusina.

HATE me now and LOVE me foreverWhere stories live. Discover now