CHAPTER FIVE

13 1 0
                                    

A/N: sorry for the very late update of the story. Busy po kasi ako after the board results. Thank you po sa lahat ng naghihintay. You can also add me to my facebook account here at https://www.facebook.com/chiejoongki27.  Kung may gusto pala kayong sabihin just comment it below. Enjoy reading!

CHAPTER FIVE

Ito ang itinakdang araw ng pamilya Sanchez para sa WELCOME BACK PARTY ng nag-iisang babae sa pamilya na si Jamaicca Nica Sanchez. Pitong taon itong nawala sa bansa kaya siguradong namimiss na nito ang mga kaybigan. Selebrasyon na din ito ng kanyang successful carrier. At syempre ay may big surprise si Jini sa kanyang pamilya.

JINI here….

Kanina pa naaasar si Jini. Gusto na nga niyang ipacancel ang selebrasyon, kung pwede lang e. marami na kasing bisita sa labas. Sino ba ang hindi maiinis pag nalaman mong ang taong ayaw mong makita ang magiging escort mo ngayong araw. Kanina lang niya nalaman na si Ken ulit ang magiging escort niya. kinausap pala ito ng mommy niya. kaylan daw niya ng tagabatay sabi ng kanyang mahal na ina.

 “Hindi ba nila alam na mas napapahamak ako sa ginagawa nila. Na masasaktan lang ako.” Ang puso niya.

Nakakaasar!

“ Bahala sila…. Ako lang mag-isa mamaya ang papasok…. Hindi ko kaylangan ng escort.” At napangiti siya sa naisip. Gumagana na ang utak ko. Yes! Hahaha!

KEN here….

 

Kakapasok lang ni Ken sa Venue ng party ni Jini. Hindi naman siya late pero pagdating niya ay nag umpisa na ang party. Naguguilty tuloy siya. Nalate kasi ng dating yung isa niyang client kaya nawalan din ng kwenta yung extra time na inilaan niya papunta sa party. Ayaw na niyang mangyari ang nagawa niya kay Jini 7 years ago. Ayaw na niya itong saktan, kahit hindi parin niya maiwasan na asarin ito minsan. Pero hindi na siya bata. Alam na niya kung hanggang saan ang kanyang limitasyon.

Nakita ni Ken si Jini na kasama si Carlo.

“Mauulit nanaman ba ang nangyari 7 years ago?” Sa puso niya.

“Of coarse not! wala na akong dalang palaka” ang isip niya.

Oo nga naman. Wala na akong dalang palaka. Ang dala ko nalang ngayon ay ang dapat ibibigay ko sa kanya 7 years ako pero hindi ko naibigay. Hindi naman talaga palaka ang ibibigay ko sa kanya noon. Trip ko lang yung palaka kasi mahilig siya fairy tales pero takot siya sa palaka. Gusto ko sana…. Anyway…. Ayaw ko ng isipin…..

“kaylangan ko munag agawin ang prinsesa. ako ang escort niya ngayong gabi.” Sa isip niya.

“Acting possessive BF huh?” tudyo ng puso.

Manahimik kayo. Ang akin ay akin lang. yoohooo! What am I talking? Waaaaaahhhhhh!

JINI and KEN…… (mixed)

 

 Nakita ni Jini na papalapit si Ken sa kanila ni Carlo. Kinabahan siya…. Baka may binabalak nanaman ito. Sana lang ay wag na itong gumawa ng kagaya ng ginawa nito 7 years ago. Kanina pala…. Nagpatulong siya sa kanyang fairy god mother para umpisahan ang party ng mas maaga. Hehehe! Para maipahiya niya ng konte ang Ken na yun. At eto na nga. Papalapit na ito! Waaaaaahhhhh! Baka gaganti! Inihanda na niya ang sarili. Tumingin it okay Carlo.

HATE me now and LOVE me foreverWhere stories live. Discover now