CHAPTER SIX (Part 1)

15 1 0
                                    

   Sabay-sabay na nag-aagahan ang pamilya Sanchez. Masaya ang mga ito na sa Piipinas na maninirahan si Jini. Ito yung surprise niya sa kanyang pamilya noong Welcome Back Party niya. halos hindi makapaniwala ang kanyang mga magulang at kapatid. Ang alam kasi ng mga ito ay magbabakasyon lang siya ng two months. Before she leaves New York, she decided to pass her resignation but it was rejected. The company that she’d working learn that she was resigning because she will be going home to the Philippines, rather the company decided to assign her in their Philippine’s branch. Blessing iyon sa kanya dahil ayaw talaga niyang umalis sa kumpanya. Now she is really staying in the Philippines for good. Saka ayaw na niyang malayo sa kanyang pamilya.

Ang problema nalang niya ngayon ay wala siyang matutuluyan sa Maynila. Nasa Maynila kasi yung kumpanya na pinagtatrabahuaan niya. hindi daw siya pwedeng tumira sa kanilang bahay sa Maynila dahil under-renovation pa daw iyon. Sinabi niya sa magulang na mag rerent muna siya ng apartment pero ayaw siyang payagan. Ang mommy na daw niya ang bahala.

“iha hindi parin ako makapaniwala na dito kana ulit titira.” Sabi ng mommy niya.

Nginitian niya itto. “bakit mommy ayaw niyo ba?” sabi niya na medyo nagdrama na nagtatampo kahit alam niyang natutuwa ang kanyang magulang na hindi na siya babalik ng New York.

“of course not. I really like it! Para makapag asawa kana, hindi mo na ako matatakasan. Gusto ko ng magkaapo.” Sabi nito na naging dahilan para mabulunan si Jini. Agad naman siyang inabutan ng kuya niya ng tubig. 

“easy sis. Nagjojoke lang si mommy.” Sabi nito habang hinahagod ang likod niya.

“simula ng dumating ako palagi nalang akong nabibilaukan sa mga pasabog ni mommy a.” sa isip niya. “bakit APO na ang sinasabi nito! Wala pa nga akong BF!” puso naman niya.

“I’m not joking. Gusto ko na talagang magkaapo.” Ulit pa nito. Nanlaki ang mga mata nila ng kuya niya.  maya-maya ay bumaling ito sa kuya ni Jini.  “Ikaw din Josh…. Kaylan mo ipapakilala samin ang tinatago mong GF?” nanlalaki ulit ang mata ng magkapatid at ngayon nakatingin na si Jini kay Josh na parang nagtatanong ng “WHAT? WHEN? WHO?” wala siyang alam na karelasyon ng kapatid.

Tumikhim lang si Josh ng matauhan. “I need to go. Baka malate ako.” Sabi nito at dali-dali lumabas. Nakasunod lang ang tingin nila dito hanggang sa sumara ang pinto.

Bumaling si Jini sa mommy niya. “how did you know mom?” tanong niya dito.

“I have my own way of finding what is happening to my children dear. Alam ko din na hindi ka man lang nakipagdate ni minsan sa New York. Palagi mong tinatakasan ang mga nagyayaya sayo ng date. Na puro trabaho ang ginagawa mo at lumalabas ka lang pag mga kaybigan mo ang kasama.” Sabi nito na mas lalong kinalaki ng mata niya.

“She also knows how your life is doing.” Sabi ng isip niya.

“mom! That is invasion of privacy!” reklamo niya dito.

Sumimangot ito.

Ting! “magdadrama nanaman yan!” paalala ng isip niya.

Tumingin ito sa kanya na parang mamasa-masa na ang mata.

“mom! Stop! Okey. I’m sorry. Alam ko you are just monitoring what’s going on in our life. Hindi na po ako magrereklamo.”

Ngumiti ito. Humalakhak naman ang daddy niya.

Nahuli nanaman siya ng mommy niya. ginamitan nanaman siya nito ng special power nito. ang pag-iyak ang ginagamit nito pag may gusto itong makuha sa kanila. Lalo na sa daddy niya. yung mag-uumpisa palang mamasa ang mata nito ay susuko na sila. Kaya siguro nagwalk out ang kuya niya kanina dahil baka gamitan ito ng special power nito.

“And one more thing iha. May alam na kaming titirhan mo sa Maynila para mas safe ka.” Sabi ng mommy niya.

“Where mom?” tanong niya. parang dapat ata siyang kabahan.

“nag-kausap na kasi kami ni Mareng Emie kanina.” Sabi ng mommy niya. mas lalo siyang kinabahan sa susunod na sasabihin ng mommy niya. “at pwede ka daw pansamantalang tumira ng 2 months sa bahay nila sa Maynila.” Tuloy nito.

Kinabahan siya. Diba doon nakatira si Ken? At mag-isa lang iyon doon dahil dito din sa bayan nila naninirahan ang mga magulang nito. pero para sigurado ay tatanungin nalang niya. “sino ang makakasama ko dun mommy?” tanong niya dito.

“ahm…. Ken?” sabi nito na parang nag-aalangan.

Kahit ine-expect na niya ang sagot ay hindi parin siya makapaniwala. Hindi makapaniwala na titira sila ni Ken sa iisang bahay. “what?! But mom, dalawa lang kami. Paano po kung gahasain ako Ken?” tanong niya sa mommy niya.

“wga kang assuming anak. may mga katulong kayong kasama.” Sabi pa nito na nakangisi.

“syempre hindi makikialam ang mga katulong niya mommy. Saka katulong niya iyon e. pwede niyang utusan.” Paninindigan niya.

“edi mabuti para magkaapo na kami ni mareng Emie.” Bulong ng mommy ni Jini na hindi naintindihan ng dalaga. Pero narinig siguro ng daddy niya dahil bigla itong nabulunan. “are you okey hon?” sabi ng mommy niya dito. Tumango lang ang daddy niya.

“dad do something. Alam mo ba ang pinaggagawa niya mommy?” sabi niya sa daddy niya.

Tumingin ito sa asawa. Bigla nanamang gumamit ng special power ang mommy niya habang nakatingin sa daddy niya.

“RED ALERT!” ang isip niya.

“NO WAY!” sigaw niya at nag-walk out sa kusina.

 A/N: sorry po late na ako nag uupdate. busy na po kasi ako simula noong lumabas ang result. salamat po sa paghihintay. mag-iwan nalang din po kayo ng comment sa baba. salamat po ng marami! :)

 

HATE me now and LOVE me foreverWhere stories live. Discover now