The Way Back: Chapter 11

566 22 1
                                    

Jai's POV: Ilang linggo ko naring hindi nakaka-usap sila Shar at Nash. Nagbakasyon kasi kami ni Mika dito sa Bahamas eh. Libre nila Tito Greg, dad ni Mika... Si Nash kasi busy sa restaurant business nila kaya di ko maistorbo. Pero, si Shar... Missing in action talaga. Pero, di bale. Pauwi narin naman kami ni Mika eh. Ilang oras nalang at lalapag na ang eroplano.

Mika: babe, nakausap mo na ba si Shar? Kahit sa message lang?
Jai: (umiling) hindi eh... Nagtext ako sakanya nung isang araw pero, di naman nagreply. Bakit?
Mika: ang weird kasi eh. Ilang beses ko na siyang tinatawagan at tinetext pero, di siya sumasagot. Ano na kayang nangyari dun?
Jai: ano ka ba, puntahan nalang natin sa dorm niya. Tutal, lalapag narin tayo in 15 mins. eh.
Mika: oh sige...

*ROOM NI FRANCIS*

Francis' POV: ilang araw ulit ang lumipas at medyo nagiging komportable na si Shar sa'kin. Kung magtutuloy tuloy to, baka kalimutan na talaga niya si Nash. Makukuha ko narin ang matagal ko ng pangarap. Ang naging akin si Shar.

Nag-vibrate ang phone ni Shar at tinignan ni Francis kung sino ang nagtext.

"Mika: Shar, punta kami sa dorm mo. Miss you girl! Talk to you soon! :*"

Napabuntong hininga si Francis at isasara na dapat niya ang phone ng biglang magvibrate uli ito.

"Boss Nash: Princess Flash, kamusta ka na? Tagal mo ng hindi nagpaparamdam. Sorry kung hindi kita matawagan ah? Busy lang sa negosyo. Tsaka, sa nalalapit na graduation. I love you po! :* ingat ka dyan ah? :*"

Pinatay na ni Francis ang phone at lumabas siya ng kwarto niya.

*KINAGABIHAN

*ROOM NI SHAR SA BAHAY NI FRANCIS*

Nakahiga si Shar at hawak nanaman ang compass na bigay ni Nash. Pati narin ang picture na nasa wallet niya.

Shar's POV: ang hirap... At alam kong mas magiging mahirap ang mga nangyayari ngayon. Kaya, gusto ko mangako sa sarili ko na kahit gaano kahirap, hindi ko susukuan ang mga bagay na nalimot ko. Gagawin ko ang lahat makumpleto lang ang mga araw, oras at mga alaalang nawala. Hindi ako bibitaw.

*knock knock knock*

Napaupo si Shar sa kama niya at tinago sa ilalim ng unan ang compass at picture.

Shar: pasok...
(Pumasok si Francis)
Francis: kain tayo sa labas. Gusto mo mag-steak diba? Sabi mo kanina.
Shar: sige... Labas ka muna. Magbibihis lang ako. (Ngumiti)
Ngumiti din si Francis at lumabas na ng kwarto. Nagsimula naman magbihis si Shar. Nang matapos na siya magbihis, kinuha niya ang compass at itinagi sa bulsa niya. Lumabas narin siya agad at umalis na sila ni Francis.

Sa kabilang banda...

Mika's POV: nandito kami ni Jai ngayon sa usual steak house na pinupuntahan namin. Namiss ko kasi mag-steak kaya nagyaya ako dito. Anyway, worried na talaga ako kay Shar. Pumunta kami sa dorm niya kanina pero wala siya. Tapos yung babae na katabi ng dorm niya sabi more than 3 weeks na siyang di umuuwi. Susubukan naming puntahan yung tita nya bukas, baka dun siya nagbakasyon.

Jai: babe, ipaalam ko na kaya kay Nash na more than 3 weeks na hindi ma-contact si Shar?
Mika: ano ka ba... Bukas na. Kung wala parin siya sa bahay ng tita niya, saka natin sabihin. Baka mamaya mag-over react yan si Nash. Busy pa man din sa negosyo.
Jai: yun na nga eh, parang puro negosyo at aral nalang siya. Baka nalilimot niya na si Shar.

Napatingin naman si Jai sa pintuan nang mag-chime ito. Pag-tingin niya ay saktong sila Shar pala ang pumasok

Jai: babe, si Shar yun diba? Yung naka-jacket na red? Yung may kasamang lalake?
Mika: (tumgingin sa direksyong tinuturo ni Jai) oo nga noh! Teka, sino yung kasama niya? At bakit sila magka-hilding hands?
Jai: yun nga eh. Hindi ko rin alam. Lapitan ko kaya?

Dumating na ang order nila Jai.

Mika: mamaya nalang. Kumain muna tayo.

Kumain muna sila nila Mika at nang matapos sila, nakita ni Jai na tumayo si Shar sa kina-uupuan nito at mukhang magpupunta sa cr.

Jai: babe, cr lang ako. (Medyo nagmamadaling tumayo)

Bago pa pumasok ng girl's cr si Shar ay hinawakan ni Jai ang braso niya.

Jai: Shar...

Napaharap naman si Shar at blanko ang titig niya kay Jai.

Shar: kilala mo ko?
Jai: (medyo napa-ngiti) oo naman. Sharlene santos san pedro.
Shar: (medyo kumunot ang noo) sino ka ba? At bakit mo ko kilala?
Jai: (pekeng tawa) shar, di na magandang joke yan ah.
Shar: (tinanggal ang pagkakahawak ni Jai sa braso) joke? Hindi ako nagjojoke. Sino ka ba talaga?
Jai: ako si Jairus Aquino. Yung kaibigan mo. Hindi mo ba talaga ko maalala?
Shar: hindi eh. Sorry. (Tumalikod kay Jai)

Hinawakan naman ulit ni Jai si Shar sa braso at iniharap sakanya. Nakita ito ni Francis sa may di kalayuan at agad na pinuntahan si Shar.

Francis: (tinanggal kamay ni Jai sa braso ni Shar) pare, anong problema?
Jai: wag ka makialam pare. Sino ka ba?
Francis: boyfriend niya ko. Kaya wag mo na siyang guluhin. (Hinawakan kamay ni Shar) tara na, Shar. (Umalis kasama ni Shar)

Pumasok sa loob ng cr si Jai at naghilamos. Tinitigan niya ang mukha sa salamin at inalala ang blankong tingin ni Shar.

Jai: may mali. Sobrang may mali. Kung hindi ako kilala ni Shar, at may kasama siyang iba... Imposibleng nag-break sila ni Nash. Magtetext agad yun sakin. Posible kayang, naaksidente siya? (Pumikit at inalala ang mukha ni Shar na may maliit pang bandage. Pati narin ang bandage sa may collarbone nito) tama! Nagka-amnesia si Shar... Mali pala ako. Hindi si Nash ang nakakalimot. Si Shar pala. Kailangan malaman to ni Nash.

>TO BE CONTINUED

The Way Back (All I Need Book 2) [NASHLENE FANFIC]Where stories live. Discover now