Chapter 10: The Way Back

595 24 2
                                    

3 weeks later

Shar's POV: nung magising ako tatlong linggo na ang nakaraan, ang naaalala ko lang ay yung name at age ko. Tapos yung iba, hindi ko na alam. Buti nalang at nandito si Francis na tinutulungan ako, dito ko nakatira sakanya kasi, di pa ako makapasok sa school. Mabait naman siya, kaya siguro sinagot ko siya. Pero, ang hirap ng ganito. Wala akong maalala. Parang wala akong friends... Hay. Paano na ba 'to?

*KWARTO NI SHAR, BAHAY NI FRANCIS

Pumasok si Francis sa loob ng kwarto habang tinitignan ni Shar ang compass na binigay ni Nash.

Shar: (napatingin kay Francis) Hi, nandito ka na pala.
Francis: kakadating ko lang, simula na ng christmas break kaya pwede na kitang masamahan dito. Kamusta pakiramdam mo?
Shar: okay na ako. Di na gaano masakit yung dito ko (tinuro ang tagiliran)
Francis: (tumango) sa susunod na bukas, tatanggalin na yung semento mo sa paa. (Umupo sa tabi ni Shar) oh, tinitignan mo nanaman pala yung compass na yan.
Shar: hm... May something kasi dito sa bagay na'to eh. Pag nakikita ko to, parang may gusto siyang iparating.
Francis: (pekeng tawa) ano ka ba, compass lang yan. Yun na yun. Nothing more, nothing less. (Hinawakan ni kamay ni Shar) kung hindi mo talaga maalala, wag mo nalang pilitin.
Shar: huh? So, okay lang sa'yo kahit di ko maalala yung dating tayo?
Francis: pwede naman kasi tayong gumawa ng new memories eh. Yung mas maganda.
Shar: Pero, paano yung mga kaibigan ko dati? Wala ba akong kaibigan?
Francis: hmm... May mga kaibigan ka siyempre. Pero, wala sila dito eh. Tsaka sa pagkaka-alam ko, nagka-away away kayo. Lalo na yung bestfriend mo na kasama mo sa picture.
Shar: ano bang pangalan nya?
Francis: si... Si Nash.
Shar: (medyo natigilan sa narinig) a-ah... Ganun ba?
Tumango nalang si Francis.

Shar's POV: Nash... Nash... Isipin mong mabuti Shar. Nash... Wala talaga eh. Pero, bakit iba ang pakiramdam ko sa sinabi ni Francis na pangalan? Nash... Hmm...

Shar: yung phone ko, hindi ko ba pwede makuha?
Francis: ah, nabasag kasi at nadurog. Kaya, wala ka naring makukuha dun.
Shar: Ganun ba? (Bumuntong hininga) paano ko makikilala kung sino talaga ko?
Francis: Shar, wag mo na munang pilitin ang sarili mo. Kung dadating mga alaala, dadating. Kung hindi, edi isipin mo nalang na bagong chapter to. Na mas maayos. Mas maganda. (Ngumiti) magpapalit lang ako ng damit. Tapos mall tayo.
Shar: oh sige...

Lumabas si Francis ng kwarto ni Shar at pumasok sa kwarto niya. Binuksan niya ang drawer ng study table niya at inilabas ang cellphone ni Shar na may kaunting basag sa screen.

Francis: i'm sorry, Shar. (Pabulong na sinabi)

Sa kabilang banda naman ay sobrang busy ni Nash sa pagiging graduating student at soon to be owner ng restaurant business nila na sobrang nag-boom. Sila Jai at Mika naman ay nataong nag-bakasyon sa ibang lugar.

3 days later

Francis: Babe, may pupuntahan lang ako. I'll be back agad. Dinner tayo sa labas mamaya. (Ngumiti)
Shar: sige, ingat ka. (Medyo napa-ngiti)
Hahalikan dapat ni Francis si Shar sa lips pero medyo napa-atras si Shar. Kaya naman sa noo nalang siya hinalikan ni Francis, at tuluyan na itong umalis.

Francis' POV: mali talaga na itinatago ko kay Shar ang lahat. Pero, kailangan kong gawin to eh. Sobrang mahal ko siya.

Shar's POV: gusto ko na malaman kung ano ba talaga ko dati. Ayoko pang sukuan ang sarili ko. Pero, paano ko naman mahahanap kung sino talaga ko kung walang tutulong sa'kin. Sana naman, tinutulungan talaga ko ni Francis... Pero, binabagabag parin ako ng pangalan na Nash eh... Sino ba siya? Ano ba siya, bago ko malimutan ang lahat?

>TO BE CONTINUED

The Way Back (All I Need Book 2) [NASHLENE FANFIC]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें