The Way Back: Chapter 3

931 25 6
                                    

4:30 am

Nag-ring ang phone ni Shar

Shar: (Inaantok na sinagot ang phone) Hmm… Hello?

Nash: Brad ko… rise and shiiine~

Shar: (tinignan ang orasan) Baby Brad! 4:30 palang… bakit ang aga mo nagising?

Nash: Dumungaw ka sa bintana mo please?

Shar: Bakit?

Nash: Bastaaaa… (ngumiti)

Bumangon naman si Shar ng kama at dumungaw sa bintana niya. Nakita niya si Nash na nakasandal sa kotse at naka-ngiti (nasa gilid po yung picture ng kotse ni Nash)…

Shar: Seryoso ba ‘tong nakikita ko? – may kotse ka na? Wait lang… (kinurot pisngi niya) Ouch! Totoo nga! (Tumawa)

Nash: Oo, may kotse na’ko… last week ko pa nakuha pero kahapon lang nakuha yung license ko. Alam mo naman, nag-18 na’ko… (Tumawa) Oh sige, mag-impake ka na.

Shar: Wait… impake? Saan tayo pupunta?

Nash: Basta… impake ka na.

Shar: Nagpa-alam ka na ba kay mama? Baka isipin nun na nagtanan na tayo eh.

Nash: Ano ka ba… wala ka bang tiwala sa’kin? Plantsado na yan lahat. At oo, nagpa-alam na’ko kay Tita Che at pinayagan niya tayo…

Shar: Pa’no mo napapayag si mama?

Nash: Mag-impake ka na… tapos malalaman mo mamaya kung paano napapayag si Tita Che… Be with you soon. Impake ka na… For 3 days 2 nights i-pack mo ah?

Shar: Uhh… oh sige sige.

Nag-impake na si Shar at nagpalit ng damit at matapos niyang mag-palit ay naligo na siya ng mabilis at nag-toothbrush at bumaba na siya. Kakalabas palang si Shar ng gate, agad agad na kinuha ni Nash ang bag ni Shar at kiniss ito sa cheeks…

Nash: (pinagbuksan ng pinto si Shar) Goodmorning nga pala… (Ngumiti)

Shar: Goodmorning din… (ngumiti)

Sumakay na si Nash sa driver’s seat at pinaandar na niya ang kotse.

Shar’s POV: (habang pinapanood si Nash na mag-drive) Nakakaloka talaga ‘tong boyfriend ko! Bigla bigla nalang… pero, sa mga nagtataka kung bakit ang galing na magmaneho nitong si Nash gayong 18 palang siya… kasi, simula nung nag-boom yung restaurant business nila 2 years ago, nakabili na sila ng kotse at yun ang pinag-aralan niyang manehohin… kaya parang expert na siya ngayon.

Nash: Brad ko… huy… Brad ko?

Shar: (napapikit) H-ha? May sinasabi ka ba?

Nash: Di ka naman nakikinig eh… sabi ko nagugutom kna ba?

Shar: Ah… di pa naman. Teka nga muna saan ba tayo pupunta?

Nash: (Hininto ang kotse) Dito… (tinuro yung bahay sa left side at biglang lumabas si Miles na mukhang excited na excited)

Shar: Si MILES!! (Bumaba ng kotse at sinalubong si Miles)

Miles: Sharlene Santos San Pedro!! (Inakap si Shar) Namiss kitang bruha ka!

Shar: Teka, kelan ka pa bumalik galing Hong Kong?

Miles: 3 days ago lang… Pero, teka… ilalagay ko muna ‘tong gamit ko sa kotse tapos dun na tayo mag-chikahan.

Shar: Sige sige… (ngumiti)

Tinulungan naman ni Nash si Miles na ilagay ang mga gamit niya sa likod ng kotse at nagpatuloy na sila sa road trip nila… habang nagda-drive si Nash ay todo chika naman sila Miles at Shar.

Shar: So anong meron sainyo ni Marco ba yun? At saan kayo nagkita?

Miles: Oo Marco… sa Hong Kong kami nagkita. Nagbabakasyon lang din sila dun tapos ayun, nag-approach siya nung nasa disneyland kami. Tapos ayun, hiningi niya number ko and hanggang ngayon magka-text or magkatawagan kami.

Shar: Pero… walang something?

Miles: Gaya nga ng lagi mong sinasabi noon sa’kin… Ayokong mag-assume.

Tumawa sila parehas pati narin si Nash… lumipas pa ang ilang minuto… huminto nanaman ang kotse ni Nash

Nash: Time check, 5:20… second location check! (Naka-ngiti)

Shar: Huy! Anong pinagsasasabi mo dyan? Tsaka, bakit tumigil nanaman tayo?

Nash: Eto na yung huling rason kaya napapayag ko si Tita… (Ngumiti)

Bigla namang sumakay sa likuran ng kotse si Jai at Mika…

Jai: Hi Guys! Goodmorning! (Naka-ngiti)

Mika: (tumingin sa magkabilang gilid) Guys, Summer na… LET’S PARTEEEYY!

Lahat sila: WOOOHH!

Pina-andar ni Nash ang kotse at binuksan naman ni Shar ang MP3 player at nagpatugtog ng music…

Shar’s POV: Hindi ko parin alam kung saan talaga kami pupunta at kung paano naayos ni Nash ang lakad na ‘to… Pero, masaya  ako na makalipas ang ilang buwan o taon. Magkakasama kami ulit. Pero, paano ko naman sasabihin sakanila na kailangan ko pumunta ng States? At paano ko rin masasabi ang mas malaking rason kung bakit kailangan kong pumunta dun? Hay! Erase erase muna yun sa utak ko… basta ngayon, masaya ako… masaya kami. (tumingin kay Nash at ngumiti)

Nash’s POV: Eto na! Eto na ang surprise na sinabi ko kay Jai kahapon… dapat kami lang ni Shar. Pero, naisip ko na mas masaya kung marami kami. Naisip kong gawin ‘to kasi alam kong isang linggo nalang dito si Shar at gusto ko na bago siya umalis ay may baon siyang masayang memories naming magkakaibigan… lalo na’t matagal siyang maninirahan sa states. Pero, mamimiss ko siya. But kahit na ganun, I still want the best for her… mahal ko eh. (Hinawakan kamay ni Shar habang nagda-drive)

 >TO BE CONTINUED

______________________________

A/N: Sa tingin niyo guys? Saan ang destination nilang magbabarkada? at ano nga ba ang mas malaking rason kung bakit pupunta si Shar sa States? ABANGAAAN!! :))

The Way Back (All I Need Book 2) [NASHLENE FANFIC]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang