The Way Back: Chapter 1

1.3K 31 3
                                    

2 ½ years later...

*BAGONG BAHAY NILA SHAR

Kakadating lang ni Nash

Nash: Good morning Tita Che! (Akap sa mommy ni Shar) Si Shar po?

Cherry: Nasa taas, tulog pa... alam mo naman yung Brad mo, mantika kung matulog. (tumawa)

Nash: (natawa rin sa sinabi ng mommy ni Shar) Oo nga po eh... nga po pala, may dala akong pang lunch. 11:00 na po kasi kaya alanganin kung breakfast pa dadalin ko. (inilagay yung mga pagkain sa mesa)

Cherry: Kung gusto mo umakyat sige na... Aalis din kasi ako kaya ikaw lang maiiwan dito sa baba.

Nash: Na'ko tita, okay lang po... hihintayin ko nalang po si Shar magising. (ngumiti)

Cherry: Nash, kilala na kita... at pinagkakatiwalaan kita. Alam kong alam mo ang tama at mali at higit sa lahat nirerespeto mo si Shar ng sobra. Kaya alam kong magiging safe kahit na umakyat ka dun. Okay? (Ngumiti)

Nash: Salamat po, Tita. (Ngumiti din)

Cherry: Oh siya, sige na... Aalis na'ko at may kailangan pa'kong lakarin na mga papeles.

Nash: Sige po, ingat po tita... (Umakyat sa hagdan)

Nash's POV: Ganito na kami ngayon... Ika-second anniversary na namin ni Shar ngayon. Hay! Grabe, ang dami ng pinagbago. Siya, sa UST na siya nag-aaral at ako naman sa Mapua. Gusto kasi mag-doctor nitong si Shar eh. At ako naman, architecture kinukuha ko.

Nakarating na si Nash sa kwarto ni Shar... dahan dahan naman siyang pumasok at umupo sa kama ni Shar. (A/N: Nasa gilid po yung itsura ng bagong kwarto ni Shar)

Nash's POV: (pinagmamasdan matulog si Shar) Ang ganda talaga ng girlfriend ko... mabait pa at sobrang mapagmahal. Wala na'kong hahanapin pa. (Ikikiss dapat sa noo pero biglang nag-iba ng posisyon si Shar) Hmm, magising na nga..

Nash: Bebe Shar... gising na... (malambing ang pagkakasabi)

Shar: Hmm... 5 minutes. (nakapikit parin)

Nash: Prinsesa kong mahal... gising na please? Naiinip na yung mahal na hari~ (pakantang sinabi)

Shar: SHHH! Ingay... (natulog uli)

Nash: Ah ganun ah... eh kung ganituhin kita? (kiniliti si Shar sa tagiliran na ikinagising naman nito)

Shar: gising na'ko... tama na... nakikiliti ako... (natatawa niyang sinabi)

Nash: (tumigil sa pagkiliti) Oh ano? Gising ka na?

Shar: (Medyo papungas pungas na umupo mula sa pagkakahiga) Oo, obvious ba? (ngumiti)

Nash: Buti naman... (Ngumiti din) Nga pala, may.... Naaalala ka ba ngayon?

Shar: (Nag-isip sandali) Ngayon?

Nash: Oo, ngayon... wala kang naaalala?

Shar: Uhmm... (umiling) Wala naman. Bakit? Anong meron ngayon?

Nash: (tumayo ng kama at sumimangot) Oh ayan... pinag-hirapan ko pa naman i-drawing yan. (Nilapag yung regalo sa lap ni Shar) tapos kakalimutan mo lang pala... (tumalikod kay Shar at dumungaw sa bintana)

Tumayo naman si Shar sa kama niya at nilapitan si Nash.

Shar: Huy, tumingin ka nga sa'kin wag mo ko talikuran... (naglalambing)

Nash: Bahala ka dyan... (nakatalikod parin kay Shar)

Shar: (Hinug si Nash mula sa likuran) Ay suuuus.... Tampororot ka nanaman ah.

The Way Back (All I Need Book 2) [NASHLENE FANFIC]Where stories live. Discover now