The Way Back: Chapter 7

645 25 1
                                    

Shar’s POV: Mga ilang buwan narin akong nandito sa States. Tuloy tuloy ang gamutan ni mama para sa cancer niya. At ako naman nag-simula na akong pumasok sa University. Madalas ako bisitahin nila Jai at Mika sa tinutuluyan ko. Naka-boarding school kasi ako kaya hindi ako umuuwi sa bahay. Kaya minsan ko lang din maka-usap at makasama sila mama, tito at tita. Pero, okay lang kasi may mga pinoy naman ako friends… gaya ni Francis.

*SA ROOM NI SHAR

Magkausap si Shar at Nash sa webcam

Nash: Oh baka naman napapadalas na hang-out niyo niyan ni Francis ah…

Shar: Ikaw talaga napaka-seloso mo. Friend ko lang yun. Siya lang kasi yung pinoy na friends ko dito kaya mas nakakasama ko siya. (ngumiti)

Nash: Naniniguro lang ako. (ngumiti) nga pala, kamusta na si Tita Che?

Shar: Ganun parin. Nagpapa-chemo parin and all.

Nash: ikaw? Kamusta ka?

Shar: Okay lang ako dito… kamusta na pag-aaral mo?

Nash: Dean’s lister ako, Babe! (masayang tono)

Shar: Talaga?! Congratulations!

Nash: Pinagsikapan ko talaga yun para sa’yo and syempre para sa’kin narin.

Shar: Na’ko! Kung nandyan ako ikikiss kita sa cheeks as a prize! Kaso…

Nash: Ano ka ba, ayos lang yun noh! Flying kiss nalang muna sa ngayon.

Shar: Oh sige na nga. (Nag-flying kiss kay Nash) natanggap mo ba?

Nash: Oo naman, eto na nga oh! (Ngumiti)

Nakita naman ni Shar ang oras at 12:00 nn na sa States

Shar: Nashie, matulog ka na… madaling araw na pala dyan oh.

Nash: Sandaling oras pa please?

Shar: Next time nalang, okay? Kailangan mo na matulog. Tsaka, mamaya mag-pupunta din ako sa lab.

Nash: Ano gagawin mo dun?

Shar: I-check ko lang yung research project ko dun. (Ngumiti)

Nash: Oh sige, good afternoon Princess Flash!

Shar: Goodnight, Boss Nash! (Sumaludo sabay ngiti)

Nash: I love you po.

Shar: I love you too!

At natapos na ang pag-uusap nila. Sa kabilang banda naman ay nasa lab si Francis na kaklase ni Shar

Francis’ POV: Nag-eexperiment ako sa lab nang pumasok si Shar. And as always, ang ganda niya. Gusto ko sana siya ligawan kaso… off limits na’ko sakanya eh. May boyfriend na kasi. Pero, kung magkakaron ng chance, gagawin ko lahat para mapasakin siya.

Shar: Hi Kiko!

Francis: Nag-eenjoy ka talagang tawagin ako ng Kiko ah?

Shar: Eh ang haba ng Francis eh.

Francis: Sus! Nag-rason ka pa. (ngumiti)

Shar: (ngumiti) yung papers nga pala ng research project?

Francis: (Tinuro yung mga papel sa table) Yun oh…

Shar: Thanks (kinuha mga papel)

Francis: Tulungan na kita dyan. (Tumayo at lumapit kay Shar)

Shar: Oh sige…

Francis: San mo ba to dadalin?

Shar: Sa room ko. Kailangan ko kasi to i-review eh.

Francis: Ganun ba? Oh sige…

Pumunta sila sa room ni Shar at ibinaba na nila dun yung mga papers. Pinasalamatan ni Shar si Francis at umalis narin ito agad. Habang nangyayari ang mga ito, hindi naman makatulog si Nash

Nash’s POV: Tawagan ko kaya ulit si Shar? Kaso, magagalit sakin yun pag nalaman niyang di pa’ko tulog. Pero, gusto ko pa siya maka-usap eh. Tapos iniisip ko pa na mamaya magkasama nanaman sila nung Francis Magundayao na yun. TSK! Kaka-selos na. parang kay Jai lang dati. Hay! Sana naman okay lang dun si Shar…

 >TO BE CONTINUED

_________________________________

A/N: GUYS! Ready na ba kayo sa big twist at big event??! Abangan niyo po yan sa next chapter! :)) gusto ko nga po pala mag-pasalamat sa mga nagla-like, nagco-comment at nagbabasa nitong fanfic na ito. Sana po guys basahin niyo hanggang dulo po! :))

The Way Back (All I Need Book 2) [NASHLENE FANFIC]Where stories live. Discover now