Umiling ako, tapos nilapit sa kanya iyong pagkain ko. "Sa inyo na lang," sabi ko kasi wala na ako sa mood na kainin iyong salmon. First time ko pa namang ipagluto si Psalm, tapos hindi niya nakain. Alam ko naman na dahil sa trabaho niya kaya hindi naman ako naiinis, pero sobrang bothered na ako sa biglaang change of direction sa buhay niya. Hindi naman kasi siya ganoong tao. Si Psalm iyong klase ng tao na alam niya iyong gusto niya, at gagawin niya lahat para makuha 'yun. Hindi ko lang talaga alam kung bakit biglang gusto niya ng sumali sa politika.

"Nag-usap na ba kayo ni Marcus?" Papa asked.

Napa-buntong-hininga ako. Si Marcus. It's been a few days since I last saw him, and I still didn't know how to talk to him. I really didn't like seeing him so... defeated. Mas sanay ako na nakikita siya na naka-ngiti. Iyong masaya. Iyong laging may baon na joke.

I guess those people with the biggest smiles also has the biggest problems.

"Di pa, Pa," I answered. I knew I shouldn't intrude in his life because it's his decision to make. Gusto kong tumulong, pero ano'ng magagawa ko kung ayaw niya talaga? I could only do so much. I couldn't force him to do things he didn't want to do... Kahit pa alam ko na iyon talaga iyong gusto niyang gawin.

Papa just nodded, not saying anything that might give me an idea of what they talked about the last time. Nang lumabas si Marcus sa study area ni Papa, ramdam ko na agad na hindi maganda iyong napag-usapan nila.

"Pa," tawag ko sa kanya. "Ano'ng sinabi ni Marcus sa 'yo?" tanong ko. I knew that Marcus going to med school was a farfetched idea now. It was his decision, and I knew I shouldn't meddle, but I, at least, wanted to know what went wrong.

"Siya na lang tanungin mo," sabi ni Papa. "Ayoko talagang nagsasabi ng problema ng iba. Privacy niya 'yun."

I sighed. I knew I wouldn't get anything from him. Being a doctor, Dad has always practiced maintaining his patient's privacy. Hanggang hindi dapat sabihin, hindi niya sasabihin. He vowed to secrecy.

Nagpaalam na ako kay Papa na pupunta na ako sa kwarto ko kasi alam ko na malaki iyong chance na magtanong na naman ako sa kanya tungkol kay Marcus, at ayoko na muna isipin 'yun. I wanted to focus my energy on Psalm.

And why the heck he's been acting all weird.

I checked my phone, and saw that he hasn't texted back yet. Ayokong magkulong sa bahay, so magmemessage sana ako sa groupchat namin para malaman kung sino ang pwedeng kasama gumala ngayon.

"Ito na 'yung damit ng kaibigan mo," sabi ni Manang after ko buksan iyong pinto.

Agad na kumunot iyong noo ko. "Damit nino po?" nagtatakang tanong ko.

"Iyong nandito nung isang araw? 'Yung matangkad at morenong lalaki?" sabi ni Manang, tapos biglang nanlaki iyong mga mata ko. Si Marcus! Siya lang naman moreno na pumupunta dito kasi puro mga kulang sa Vitamin D iyong ibang lalaki kong kaibigan.

Nang isarado ni Manang iyong pintuan, nanatili akong nakatayo habang hawak-hawak iyong mga damit ni Marcus.

"Shit, bahala na nga!" sabi ko bago naghanap ng paper bag, at nilagay doon iyong mga damit niya. Kinuha ko muna iyong mga reviewer na pinahiram niya sa akin dati kasi meron 'dung address ni Marcus. I immediately put the address in Waze.

Pagdating ko sa bahay nila, nanatili muna ako sa loob ng sasakyan. Their house was decent. It was a one-story house with a small garden in front. May isang babae na nagwawalis sa labas. Kapatid siguro ni Marcus kasi kamukha niya. Parang babaeng version niya.

Hindi ko mabilang kung ilang beses akong huminga nang malalim bago ako nakapagdesisyon na lumabas ng sasakyan.

"Hi," bati ko sa kapatid ni Marcus. Tumingin siya sa akin. "Uhm... Nandyan ba si Marcus?"

Agad niya akong inirapan. "Walang balak magka-girlfriend iyong kuya ko! Bakit ba napaka-kulit niyong mga babae kayo?!" sabi niya tapos muntik na akong hampasin ng walis tingting!

Bigla akong napaatras! Grabe naman! Bakit bigla na lang nanghahampas ng walis 'to?!

"Wait lang!" sabi ko habang pinang-takip sa mukha ko iyong paper bag. "Ibabalik ko lang 'yung damit at reviewer ng Kuya mo!"

"Bakit nasa 'yo 'yung damit ni Kuya?!" mas lalong lumakas iyong sigaw niya, at tuluyan na akong hinampas ng walis. "Sinabi ko na talaga kay Kuya na umalis na sa swimming team na 'yan, at maraming uhaw na babae!" sabi niya sabay hampas pa rin sa 'kin! Naka-ramdam na ako ng hapdi sa braso dahil sa paghampas niya sa akin! Napipikon na ko dito sa kapatid ni Marcus!

"Marian!" biglang sigaw ng babae mula sa bahay. Agad na napa-tigil iyong bwisit na batang Marian pala ang pangalan sa paghampas sa akin! Ugh! Pinangwalis niya sa kalsada tapos hinampas sa 'kin!

"Ma!" sigaw ni Marian. "May stalker na naman na pumunta dito!" sabi niya sabay turo sa 'kin! Nanlaki iyong mata ko! Napaka-judgmental ng bata na 'to!

"Hindi ako stalker!" sigaw ko. "Kaibigan ko 'yung kuya mo!"

"Kaibigan!" she said in a mocking tone. "Narinig ko na 'yan!" sabi niya tapos akmang hahampasin na naman ako! Kung hindi lang umawat iyong nanay ni Marcus, hahampasin ko na rin siya ng paper bag! Kanina pa ako naaagrabyado dito!

"Pumasok ka na nga sa loob, Marian!" pagalit na sabi ng nanay ni Marcus, tapos hinarap ako. "Kaibigan ka ba talaga ni Marcus?"

Tumango ako, tapos hinagod iyong braso ko na may mga gasgas na dahil sa paghampas ng walis tingting. "Opo," magalang kong sagot kahit pikon na pikon na ako sa pasaway niyang anak. "Pumunta lang po ako dito para ibalik 'yung gamit ni Marcus," sabi ko sabay abot nung paper bag sa kanya. Saglit niyang tinignan iyong laman nun, bago binalik iyong tingin sa akin.

"Pasensya na," sabi niya. Mukhang napatunayan ko na na hindi ako 'stalker' ni Marcus. God! Ganoon ba karami iyong pumupunta sa bahay nila para ang unang maging reaksyon nung kapatid ni Marcus e ang hampasin ako?!

"Okay lang po," sagot ko.

"Pumasok ka muna sa loob," sabi niya.

Mabilis akong umiling. I knew Marcus wouldn't want me to come inside his house. I knew I already intruded enough when I asked my father to help him get a scholarship. I knew my limits—and I already reached it.

"Uhh... nandyan na po 'yung damit pati 'yung mga pinahiram sa 'kin na reviewer sa NMAT ni Marcus," sabi ko. Naka-tingin ako sa paper bag, pero nang lumipat iyong tingin ko sa mukha nang Mama ni Marcus, kita ko iyong pagbabago ng itsura niya.

She knew.

Alam niya iyong tungkol sa pangarap ni Marcus.

'Oh, for the love of God, Joey! 'Wag mo na kasing pakielaman si Marcus!' bulong ko sa sarili ko dahil nararamdaman ko na na magsasalita ako tungkol sa med school.

"Alam ko po hindi ko dapat sabihin 'to," I began. "Pero nag-offer iyong Dad ko ng scholarship kay Marcus, kaso hindi niya po tinanggap. Alam ko po kasi iniisip kayo ni Marcus kaya mas gusto niyang magtrabaho... pero alam ko rin po na gustung-gusto niya rin maging doctor."

Hindi ko na alam iyong susunod na sasabihin ko pagkatapos. Hindi ko rin alam kung bakit pilit kong pinapakailaman iyong buhay ni Marcus. He didn't want my help—he told me that over and over again. But I just couldn't stand there and do nothing when I know I could do something.

"I know Marcus feels responsible to help you and his sister, but he also has responsibility to make himself happy," I said, my heart racing wildly inside my chest. Nanginginig iyong mga labi ko habang diretsong naka-tingin sa mga mata niya.

"Sorry po dahil alam ko nanghihimasok na ako masyado, pero gusto ko lang po talagang sabihin 'yun, Tita," sabi ko. "Aalis na po ako."

Mabilis akong bumalik papunta sa sasakyan ko. Mabilis iyong tibok ng puso ko—parang sasabog sa sobrang bilis.

Nanginginig iyong mga kamay ko habang binubuksan iyong sasakyan. Pero bago pa man ako makaalis, nakita ko na paparating si Marcus. Nang huminto iyong bike niya, nakita ko kung paano biglang sumeryoso ang mukha niya nang magsalita iyong Mama niya.

"Shit," I told myself as I began to drive away. 

Almost, But Not Quite (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon