Chapter 28

355K 15.8K 6.2K
                                    

#ABNQ28 Chapter 28

I tried to be okay with it. Kasalanan ko naman. Ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na intindihin si Psalm kung hindi niya ako pinapansin, pero hindi ko alam kung paano ko 'to tatagalan hanggang graduation. Kasi iyong ganitong ilang araw pa lang siyang nagpapanggap na 'di ako nakikita, nahihirapan na ako.

'Ilang linggo na lang...' I often told myself.

A few weeks from now, we'd all graduate. I hated thinking that we'd graduate with ill feelings, but what could I do? Sinubukan ko naman. I tried reaching out, pero ayaw niya. Ano'ng nakuha ko?

Si Joey lang.

Funny how I'd been reduced to that. Na ako lang naman pala 'to. Oo nga naman, bakit niya pa ako pag-aaksayahan ng oras pagkatapos ng lahat ng ginawa at sinabi ko sa kanya?

Maybe I really deserved this.

Fuck feelings.

"Guys, sorry talaga. Alam ko sobrang hassle ko," Kitty said. "Treat ko na lang kayo ng dinner? Sorry talaga!" she apologized again. Kami na lang kasi iyong natitira dito sa campus dahil nag-uwian na iyong mga classmates namin. 'Di naman kami pinilit ni Kitty na magstay, but of course 'di naman namin siya kayang iwan mag-isa dito sa school. 'Di kasi talaga uuwi iyon hanggang 'di polished lahat.

"Libre mo?" Simon said.

Kitty glared at him. "Wag kang abuso!"

Simon laughed. "Ayun. Libre pala ni boss," he said. Nag-usap na sila ni Matt kung saan masarap kumain habang si Kitty, inaayawan lahat nung suggestion nila dahil sobrang mahal.

Naiwan kami ni Anj, Steele, and Psalm.

Fuck.

Bakit ba laging kaming apat?!

"Just tell Kitty una na ko," Psalm said, standing up.

"Di ka sasama?" Steele asked.

Umiling si Psalm. "Nah. I... have something to do," he said, obviously full of lies. Alam ko na dahil naman sa akin kaya 'di siya sasama. Kasi ayaw niya akong makita. Kasi ayaw niya akong makasama.

Kasi si Joey lang naman ako.

Anj looked at me and Psalm. Pabalik-balik. Walang may alam sa mga babae sa nangyari, pero hindi rin naman sila tanga. Hindi naman sila tanga para hindi mapansin na ni hindi kami nag-uusap ni Psalm. Na laging may nakapagitna na Simon at Matt sa aming dalawa.

I didn't know if they were protecting me from Psalm, or if they're protecting Psalm from me.

Either way, we just couldn't be alone together.

I picked my bag up. "Ako na lang 'yung uuwi," mabilis na sabi ko. Napa-tingin silang tatlo sa akin. I smiled, though it fucking sucked to not be able to have dinner together.

Hindi na talaga kagaya ng dati.

"Nagtext si Jax. Nandyan lang naman siya sa BGC," pagpapatuloy ko pa bago sila umangal. Mabuti na lang at busy si Kitty kay Simon at Matt kaya hindi niya napansin na umalis ako. Hindi ko na rin hinayaan pa sila Anj na makapagsalita dahil ayoko ng makarinig ng kahit na ano pa.

Psalm just couldn't stand to be around me anymore.

It sucked, but this was my reality now.

Somehow, I asked for this.

Pagdating ko sa labas, tatawagan ko pa lang si Jax nung marinig ko na tinatawag ni Psalm iyong pangalan ko. Agad kong binaba iyong phone ko nang tumayo siya sa harap ko.

Almost, But Not Quite (COMPLETED)Where stories live. Discover now