Chapter 14

397K 14.5K 4.5K
                                    

#ABNQ14 Chapter 14

Kitty and Jax were talking, at mukhang hindi naman nila pansin ang presensya ko—not that I wanted my presence be known. Bigay ko na kay Kitty 'tong gabing 'to tutal minsan lang naman niya makausap nang ganito iyong kapatid ko.

Umayos ako sa pagkakahiga ko sa likod habang hinihintay na magload iyong Tinder message ni Marcus. I had been really busy the past few days kaya nawala din sa isip ko na may kausap nga pala ako sa Tinder... though one-way lang naman iyong usapan dahil hanggang ngayon e hindi pa rin ako nakakapagreply. Pero ang kulit din nun, e. Kahit walang nakukuhang reply, message pa rin ng message.

Marcus: May free taste sa mall:

"Free taste po, Ma'am, Sir!" sabi nung nagtitinda.

Lumapit si Juan. "Pare, patikim nga," sabi niya. Pagkatapos niyang matikman, bigla naisuka, sabay sabi ng, "Pwe! Bakit ganito ang lasa?!"

"Yan! 'Yan ang mangyayari sa pagkain kapag hindi niyo nilagay sa ref! Kaya ano pa ang hinihintay niyo? Bumili na kayo ng refrigerator namin!"

Biglang napaawang iyong labi ko sa nabasa ko. Ang haba ng joke niya! Nag-effort pa talaga siya na i-type 'to? 'Di ba siya busy? Ang alam ko kasi tiga-school lang din siya since hindi ako nagswipe ng hindi tiga-SCA. Exams niya rin malamang, pero daming time magjoke nitong si Marcus.

"Okay ka lang?" Jax asked, briefly looking at me through the rearview mirror.

"Ha? Oo," sagot ko.

"Bakit ka naka-ngiti?" tanong niya na parang nakakapagtaka na naka-ngiti ako. Sobrang judgmental talaga nito. Porke ba lagi siyang galit sa life, dapat lagi na rin akong galit sa life?

"Memes," sagot ko para tigilan niya na ako agad. Alam ko na kahit iyon ang sinabi ko, magtatanong pa rin si Kitty kasi iba iyong tingin niya sa akin after kong sabihin iyon. Swerte na lang talaga ako na mas priority niya na i-grab iyong opportunity na makausap si Jax, kaya malamang 'di niya muna ako kukulitin.

Akala ko diretso na kami sa paghatid kay Kitty, pero bigla kaming huminto sa resto. May bibilhin siguro si Jax kaya bumaba muna siya.

"Is there a new guy?" agad na tanong ni Kitty.

"New guy?" pagmamaang-maangan ko. "Sinasabi mo?"

She arched her brow, a sign that she wasn't buying any of my bullshit. "Before, may hint na talaga ako na may guy ka kasi you kept on grinning kapag hawak mo phone mo. I just didn't push it kasi naging busy ako. Turned out, si Steele pala ang dahilan... And now, you're doing that face again," sabi niya sabay turo sa mukha ko. Napa-hawak din tuloy ako sa mukha ko! Ganito rin iyong sabi ni Psalm sa 'kin nung sinabi niya na naka-ngiti ako after ko mabasa iyong sobrang corny na knock-knock joke ni Marcus!

"Wala nga," sabi ko.

"Joey..."

"Wala naman kasi talaga," I replied again, standing on my ground. Ano naman sasabihin ko? Na nagTinder ako one time out of desperation, and because of that, nagkaroon ako ng guy na hobby na yata na magsend sa akin ng jokes? Iniisip ko pa nga lang, nawe-weirduhan na ako, e. Sabihin pa kaya out loud?

I looked at Kitty's face, and I saw a hint of sadness. I sighed. Alam ko naman na gusto niya lang maging included, because she felt really guilty na wala siya nung times na sobrang kailangan ko siya because of Marcus. Na-guilty tuloy ako bigla.

"There's this guy," I began, and she turned even more na natakot ako dahil baka mabali iyong leeg niya. "But walang something."

She already giggled, wala pa nga akong sinasabi! Sobrang romantic talaga ng babae na 'to! O baka naman high pa siya sa feelings since katabi niya si Jax?

Almost, But Not Quite (COMPLETED)Where stories live. Discover now