Chapter 25

410K 18.8K 10.4K
                                    

#ABNQ25 Chapter 25

Nung kinagabihan, sa bahay namin nagdinner iyong mga kaibigan ko. Lakas naman kasi ng topak ni Psalm para bilhan kami ng grocery ayan tuloy, nahiya si Mama kaya pinapunta agad dito sila Matt—not that they're complaining. Sila Matt pa ba? Basta free food, okay agad!

"Ano'ng meron?" Matt asked pagdating nila. Si Kitty, kausap si Simon. Si Anj, may ka-text. Nawawala si Steele.

I shrugged. "Basta invite ko raw kayo," I just said. Ayoko na ikwento sa kanila iyong dahilan kung bakit sila nandito. "Si Steele?" I asked dahil akala ko kumpleto sila. Si Psalm kasi nasa loob kausap si Papa.

"Sasakyan," Matt simply said. "Nahihiya ata pumasok."

Kumunot ang noo ko. "Ha? Bakit?"

"Syempre, ginago ka. May hiya naman pala 'yun kaya ayaw pumasok," sabi ni Matt tapos tumawa. Sinamaan ko nga ng tingin. Siya talaga 'yung tipo na unang natatawa kapag problemado iyong kaibigan niya. Siraulo din talaga.

"Baliw," I uttered. "Puntahan mo. Sabihin mo pasok na siya."

"Ikaw na," he replied.

"Ikaw na," I shot back. Umiling siya. "Bilis na kasi."

"Ayaw nga kasing pumasok. Ikaw na lang pumilit kung gusto mo," he said before finally leaving me. Pumasok na sila sa loob tapos ako naman, napilitan na lumabas para ayain si Steele na pumasok sa loob. Paglabas ko, nakita ko siya na nakatayo lang sa labas ng sasakyan.

"Uy," I called. He looked at me. I smiled awkwardly. Okay naman na kami. Medyo nag-uusap na, pero hindi pa rin kagaya nung dati na close kami. Ngayon, sobrang nakakailang lalo na kapag ganito na kaming dalawa lang. 'Di katulad ng dati na umaabot kami ng madaling araw na kung anu-ano lang 'yung pinag-uusapan namin.

Hirap pala talaga kapag naging kayo ng kaibigan mo. Tapos naghiwalay. Sobrang nakakahinayang sa pinagsamahan. Kasi kahit ano'ng gawin niyo, ramdam niyo na may nagbago.

"Pasok ka na sa loob," I said. Steele was still just looking at me. I chewed on my lower lip, thinking of what I'd say wouldn't make things awkward. "Uhh... 'Di naman alam ng family ko 'yung sa 'tin," I said, hoping that that's what he needed to hear. Kung totoo nga iyong sinasabi ni Matt na kaya ayaw pumasok ni Steele sa loob e kasi nahihiya siya sa family ko, wala naman dapat kasi 'di rin naman alam nila Mama.

So, I stood there, hands inside my pocket, waiting for him to say something.

"Joey," he finally said after a few silent seconds.

I looked at him, not saying anything.

"I'm sorry."

Medyo umawang iyong labi ko.

"I won't bother explaining because I feel like nothing I say would change the fact that I was an ass to you, but let me apologize."

Naka-tingin ako sa kanya. Steele looked really serious. Like he really meant every word he'd say.

"I don't know if saying that I'm sorry will change anything, but I'm sorry."

Unti-unting nagkaroon ng ngiti sa labi ko. "Sorry mo lang naman hinihintay ko," I said. Bahagyang umawang iyong labi niya. "Ang hirap din kasi magpatawad sa tao na 'di naman humihingi ng tawad, alam mo 'yun?" I asked, and then guilt quickly washed over his face. I knew he was sorry, ramdam ko naman. Pero iba pa rin iyong sa bibig niya mismo narinig ko na sorry siya sa ginawa niya, sa nangyari.

"Pero okay na ako ngayon. Masaya ka na rin," I continued. "Okay na."

We stayed there, staring at each other. Tinignan ko siya, pero hindi na kagaya nung dati. Na simpleng tingin niya pa lang, kinikilig na ako. Na isipin ko pa lang siya, parang sasabog na ako.

Almost, But Not Quite (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon