IMPLICATE
"Shit!"
Halos liparin ni Rylie palabas ang kwarto madaluhan lang agad ang babae.
"Anong patay?" Humahangos niyang tanong kasabay ng matinding pagkabog ng dibdib.
Sa pagkabigla niya ay sinugod siya nito ng mahigpit na yakap habang umiiyak, awtomatiko namang niyapos niya ito.
"May babae! Patay siya! Nakita ko siya!" Halos magwala ito sa katuturo sa banyo.
"ANO!" Kinilabutan siya sa narinig!
Lumipad ang tingin niya sa pinanggalingan nitong banyo.
Natatakot siyang may patay nga roon ngunit sino?
Kumalas siya ng yakap dito at kahit nangangatog ang mga tuhod ay naglakas-loob siyang pumasok doon.
Aalamin niya kung sino.
Subalit kumunot ang kanyang noo nang walang makita.
Nakahinga rin siya ng maluwag dahil wala namang patay.
"Nakita mo? Alisin mo 'yan!" sigaw ulit ni Trinity.
Tila tinadyakan siya sa dibdib sa napagtanto.
Marahan niyang hinarap ang babae na panay ang turo sa banyo.
"Iyong mata niya nakakatakot alisin mo siya! Alisin mo!"
Nilapitan niya ang babaeng panay pa rin ang turo sa banyo at naaawang niyakap ito ng mahigpit.
"God Trinity!"
"Alisin mo siya Rylie! Alisin mo!"
"Sshhh, please calm down, please," hinaplos-haplos niya ng isang palad ang likod nito.
Kumalma si Trinity.
"Listen," mas hinigpitan niya ang yakap dito. "Walang patay, walang babaeng patay, hindi totoo ang nakikita mo."
"Anong wala? Nakita ko 'yong mga mata niya nanlilisik sa..."
"Si Angel 'yon, naalala mo? Si Angel 'yong nakita mo sa banyo pero hindi rito, hindi sa bahay ko, kahit tingnan mo pa uli. Hindi mo na siya makikita."
"Ayoko! Natatakot ako!" hinampas nito ang likod niya.
Mahinahon siyang nagpapaliwanag habang hinahaplos ang likuran ng babae.
"Trust me, walang patay sa banyo, walang babae roon, iba ang nakita mo at wala 'yon dito kahit tingnan mo pa ulit."
"NO!"
Marahan siyang kumalas dito at pinagtagpo ang tingin nila.
"Look at me. " Hinawakan niya ang baba nito at iniharap ang mukha sa kanya.
Nakaharap na ito ngayon pero tumagos ang tingin sa kanya.
"Look at me please?" Mahinahon niyang wika rito at itinuon ang tingin sa mga mata ng babae.
"Please, Trinity!" halos magmakaawa na niyang pakiusap.
Dahan-dahan, paunti-unti ay nakita niya ang mga mata nitong nakatingin na sa mga mata niya.
"Oh God!" sa sobrang tuwa ay niyakap niya ito ng mahigpit.
"Hindi ka pwedeng ma trauma, narinig mo? I won't let that happen!"
Napapikit siya nang mariin sa isiping malaki ang epekto ng nakita nito sa banyo.
Nababahala na siya sa pagkakataong ito.
'Paano kung madadamay siya sa krimen?
Paano kung ituturo siya bilang isang suspek?
Paano niya kakayanin 'yon gayong may sintomas siya ng pagkatrauma? Paano niya ipagtatanggol na wala siyang kinalaman? Naniniwala akong inosente siya!'
YOU ARE READING
ASYLUM ACADEMY
Teen FictionA school where everyone dies or wants to die... --- Students who have been blacklisted and have been rejected by other schools are sent to the "Asylum Academy" as the last hope. But the shelter turned into a survival of the fittest. Be a criminal...
