ATHENA

6.7K 64 12
                                    

Si Athena ay anak nina Zeus at ang titanang si Metis. Siya ay ang Diyosa ng Karunungan. Dahil sa nakabitin niyang shield na Aegis –kung saan ito ay niregalo sa kanya ng kanyang amang si Zeus, sa kanyang braso ay tinawag din siyang Pallas-Athene, na ang ibig sabihin ng pallas o pallo (sing.) ay swing o ibitin.

Dahil siya ay nakasuot ng full armor ay tinagurian din siyang Diyosa ng Digmaan. Ngunit magkaibang-makaiba sila ng kanyang kapatid na si Ares. Si Ares ay mahilig sa bloodshed na digmaan at siya ay mas pokus sa offense samantalang si Athena naman ay mas pokus sa pag pagpa-plano, tactics at defense.

Siya din ang tinaguriang Protectress of Heroes. Marami siyang tinulungang bayani. Kabilang na dito ang Argonauts. Kung saan tinuruan niya silang buuin ang barkong argo. Binigyan niya rin ng magic cloak ang bayaning si Jason nung hinanap niya ang Golden Fleece. Ginabayan niya rin si Perseus upang mahanap ang lungga ni Medusa. Siya rin ang tumulong kay Oddyseus sa kanyang quest.

Sinasabing si Athena ay purong Griyegong dibinidad. Dahil sa lahat ng digmaan ang kanyang panig ay palaging nasa Greece. Isa na dito ang pagtulong niya sa Greeks nung Trojan War. Binigyan niya ito ng wooded Trojan Horse, at nagwagi ang panig ng Greece dahil dito.

Si Athena ay admitido sa lahat ng anumang pagpupulong ng diyos, dahil siya ang pinaka matapat at pinaka matalas ang pag-iisip sa lahat ng mga tagapayo ni Zeus. Ang magiting at matapang na diyosa na ito ay ang babaeng counterpart ni Zeus, kaya siya ang isa sa mga pinakapaboritong anak ng Diyos ng Kalangitan. Siya lang din ang kaisa-isang pinahihintulutan na gamitin ang dakilang thunderbolts ni Zeus, upang pahabain ang buhay ng tao at pagkalooban ito ng propesiya. Siya lang din ang nag iisang diyosa na ang awtoridad ay katumbas kay Zeus at dahil dito ay siya ang naging representante ni Zeus sa tuwing bumibisita sila sa mundo ng mga tao.

Siya ang patrona ng kaalaman, siyensiya, agham at sining –kung saan mas partikular na nag-aambag ng kabutihan sa isang nasyon.

Siya ang umimbento ng kagamitan sa pagsasaka at tinuruan ang mga lalaki kung pano ito gamitin samantala, ang mga babae naman ay tinuruan niya itong maghabi at magtahi. Sinasabing, siya rin ang nagturo ng matematika sa mga lalaki pero kailanman hindi sa babae.

Siya din daw ang umimbento ng flute. Nung isang araw ay tinugtog niya ang flute sa harapan ng mga diyos at diyosa, ay pinagtawanan lamang siya ng mga ito sa dahilanang nakakatawang bakas ng kanyang mukha pag hinihipan ang flute. Dahil sa kahihiyan niya ay tumakbo siya palayo at kinumbinse ang sarili na hindi nararapat ang pangungutya nila sa kanya. Sa inis niya ay tinapon niya ang flute at sinumpa na kung sino man ang makakuha nung bagay na yun ay may napakasamang kapalaran ang mangyayari sa kanya. At kailanman hindi niya na ito pinatugtog ulit.

Si Athena ay may kulay-abo na mga mata at malapad na noo. Siya ay nababalutan ng suot niyang white tunic. Karaniwan din siyang nakasuot ng helmet, may hawak-hawak din siyang kulay gintong spear, at naka bitin na Aegis sa kanyang braso. Ang kanyang malapad na balikat at medyo maliit na balakang ay bahagyang nagpapakita ng panlalaki niyang hitsura.

Ang prinsipal na pagdiriwang para kay Athena ay ang Panathenaea. Ang kanyang sagradong puno ay ang puno ng olibo dahil siya ang gumawa nito. Ang kanyang sagradong hayop naman ay ang mga kuwago, tandang, at ahas.

◇◇◇◇◇

THE BIRTH OF ATHENA:

Si Zeus ay nagpalakad-lakad sa hardin ng Olympus ng mapansin niya ang napakagandang titana na si Metis ang Titana ng Karunungan at Craftsmanship

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

Si Zeus ay nagpalakad-lakad sa hardin ng Olympus ng mapansin niya ang napakagandang titana na si Metis ang Titana ng Karunungan at Craftsmanship. Dahil sa takot ni Metis kay Zeus ay tumakbo ito palayo, si Zeus naman ay hinabol ang titana. Nag anyong lawin si Metis at lumipad samantalang si Zeus ay nag anyong lawin at hinabol si Metis. Pagkarating ni Metis sa ilog ay nagpalit siya ng anyo at naging anyong isda, lumangoy kaagad siya papalayo kay Zeus, si Zeus naman ay naging anyong isda rin at lumangoy papalapit kay Metis. Pagkatapos ay naging anyong ahas si Metis at kumisay-kisay papalayo kay Zeus. Si Zeus naman ay naging anyong ahas din at nagpakisay-kisay din itong humabol kay Metis. Kalaunan ay nahuli ni Zeus si Metis at ginahasa ito.

Pagkauwi ni Zeus ay narinig niya ang isang propesiya na "kung ang magiging anak nila ni Metis ay babae ito ay magiging katuwang niya, ngunit pag ito naman ay lalaki ay maalisan siya nito ng tungkulin, katulad ng pag-alis niya ng tungkulin sa ama niyang si Cronus".

Kinabukasan, nagkita ulit si Metis at Zeus sa hardin ng Olympus pero sa pagkakataong iyon di na tumakbo si Metis. Linapitan siya ni Zeus at kinausap ito. Dahil sa takot ni Zeus sa propesiya ay ginawa niyang langaw si Metis at kinain ito.

Nung hapung iyon nakaranas ng matinding sakit sa ulo si Zeus. Pakiramdam niya ay may parang nilalang ang tumutusok ng sibat sa kanyang utak. Agad niyang inutusan ang anak niyang si Hephaestus na buksan ang kanyang ulo gamit ang isang palakol. Pagbukas ng kanyang ulo ay nagulat silang lahat sa kanilang nakita. Galing sa ulo ni Zeus ay may tumalong matangkad na dalaga na nakasuot ng armor at may hawak-hawak na mahabang sibat. At ang matangkad na dalagang iyon ay walang iba kundi ang diyosang si, Athena.

◇◇◇◇◇

THE CONTEST BETWEEN POSEIDON AND ATHENA:

Si Cecrops o Kekrops ay ang kalahating-tao at kalahating-ahas na hari ng Cecropia

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

Si Cecrops o Kekrops ay ang kalahating-tao at kalahating-ahas na hari ng Cecropia. Siya ay naghahanap ng diyos na patron sa kanyang lungsod. Tinawag niya ang diyos na sina Athena at Poseidon dahil silang dalawa ang may gustong maging patron ng syudad. Ang kanilang labanan ay napakatindi na halos humantong na sa isang giyera. Nakaisip naman si Athena ng paraan upang di humantong sa digmaan ang alitan nila ni Poseidon. Iminungkahi niya kay Poseidon na magpaligsahan sila. Si Kekrops ang naging judge sa dalawang diyos. Ang paligsahang ito ay magbibigay sila ng pinakamagandang regalo sa siyudad, kung sino man ang tatanghaling panalo ay magiging isang patron ng Cecropia.

Ang unang nagbigay ng regalo ay si Poseidon. Itinaas ni Poseidon ang kanyang makapangyarihang trident at hinampas ito sa lupa. Matapos niyang ihampas ang kanyang trident, ang lupang iyon ay naging dagat at kalaunay tinawag itong Erechteis. Niregaluhan niya rin ang mga tao ng kanyang ginawang kabayo. Namangha ang mga taong taga Cecropia sa regalo ni Poseidon.

Nang si Athena na ang nagbigay ng regalo ay simple lang siyang lumuhod at may itinanim sa ilalim ng lupa. Nang tumubo ito ay naging puno ito ng olibo. Sinabi niya na ang olibong iyon ang magiging kabuhayan nila, mula din sa olibo ay may pagkukunan sila ng langis para sa kanilang lampara at sa kanilang pagluluto. Bukod pa dun ang kahoy na galing sa puno ng olibo ay magagamit nila sa pagtatayo ng kani-kanilang bahay.

Matapos ang pa pi-presenta ng dalawang diyos sa kanilang mga regalo ay ang idenaklarang panalo ay si Athena. Dahil mas nagustuhan ng taga Cecropia ang regalo ni Athena at mas kapaki-pakinabang ito.

Matapos ang paligsahan ay si Athena ang naging patron at taga pangalaga ng syudad ng Cecropia. Pinalitan din ni Kekrops ang pangalan ng syudad at tinawag itong, Athens. Ang mga taga Athens ay nagsimulang sambahin si Athena sa pangalang Athena Polias na ang ibig sabihin ay ‘Athena of the City’.

Sa pangyayaring ito ay hindi lubos na natuwa si Poseidon sa kinalalabasan ng paligsahan nila ng diyosa at sa kanyang galit ay binaha niya ang Thriasian plain, at dahil dito ang lugar ng Attica ay lumubog sa ilalim ng kanyang karagatan.

GREEK MYTHOLOGY: Major DeitiesOnde histórias criam vida. Descubra agora