Chapter 49: DARK POWER

Começar do início
                                    

Naging maingay ang loob ng simbahan dahil sa samu't-saring reaksiyon ng mga tao. Marami ang humagulgol at nanaghoy dahil sa narinig mula kay Demetria.

"Tumahimik po tayo mga kasama,  pakinggan po muna natin ang sinasabi ni Demetria!" ang wika ni Caren na pilit na pinapatahimik ang mga tao.

"Mga kasama,  hindi tayo puwedeng magsayang ng oras gayong naghihintay na lamang ng tamang pagkakataon ang mga anak ng buwan para muling lumusob! Hindi na tayo kayang protektahan ng simbahan kaya maghahanap tayo ng gusali na mas matibay at ligtas gamitin para siguradong walang dadanak ng dugo ang magmumula sa atin. Hangga't naririto kami at nabubuhay poprotektahan namin kayo laban sa mga anak ng buwan! " ang malakas na wika ni Demetria. Pero nanatili pa ring maingay ang mga tao at hindi na rin nakikinig ang mga ito sa sinabi ni Demetria.

Tumingin si Demetria kay Father Mexo at naging hudyat iyon sa pari na tulungan si Demetria para patahimikin ang mga tao. Lumapit si Father Mexo kay Demetria para tulungan siya nito. Isang galit na matandang lalake ang bigla na lamang ibinato ang hawak na kahoy ang tumama sa mukha ni Demetria. Napahawak sa nagalusang mukha si Demetria at napatingin siya sa matanda. Pinigilan ni Demetria ang sarili at pinilit na magpakahinahon.

"Kayo! Kayo ang dapat na lumayas sa lugar namin! Dahil sa inyo namatay ang mga mahal namin sa buhay! Dahil sa inyo nagkagulo-gulo ang aming buhay!" ang sigaw nito. Tila nakapanghikayat ng suporta ang matanda sa iba pang mga kalalakihan at mangilan-ilang mga kababaihang naroroon. Nagpakita sila ng galit sa grupo nina Demetria, lahat ay nagsidampot ng mga bagay na puwede nilang ibato sa kanila.

"Mga kapatid sa pananampalataya at paniniwala,  huminahon po tayo dahil walang mangyayari sa pagpupulong na ito kung idadaan ninyo sa galit at paghahanap ng masisisi sa mga hindi magandang nagyari sa atin." ang malakas na sabi ni Father Mexo para awatin ang mga tao at huminahon ang mga ito.

Pero hindi nakinig ang mga tao sa kanya. Lalong sumidhi ang galit ng mga tao at patuloy sa pagbato ng mga iba't-ibang bagay kina Demetria. Pilit na kinakalma naman ni Ceasar ang kanyang mga kasama para hindi makapanakit ng mga tao kahit na tinatamaan ang mga ito ng mga bagay na ibinabato sa kanila. Inutusan niya ang mga ito na umiwas na lamang at lumabas sa simbahan.

"Mga kapatid!  Mga kasama..." tinamaan na rin ng bato sa ulo si Father Mexo dahilan para matigilan siya sa pagsaway sa mga galit na galit na kalalakihan at nakaramdam ng pagkahilo. Kinapa niya ang kanyang ulo na kung saan tumama ang ga-kamaong laking bato. Nadampian ng malagkit na likido ang kanyang kamay at batid niyang nagsimula ng dumugo ang kanyang ulo. Inalalayan naman siya ni Randy para maiwasan pang masaktan ang pari. Samantalang si Caren ay inilayo niya sina Margaux at si Aling Luming para hindi rin masaktan.

Dismayado namang nakatingin si Odessa sa kaguluhang nangyayari sa loob ng simbahan. Hindi na nakikinig ang mga tao sa kanyang mga kasama. Galit na galit ang mga ito at sila ang sinisisi sa lahat ng mga pangyayari. Alam niyang may katotohanan sa mga sinasabi nila tungkol sa kanila pero naririto sila para lumaban para sa kanila.

Lumapit siya sa mga tao para pakiusapan na kumalama. "Huminahon kayo mga kaibigan! Mali ang iniisip ninyo tungkol sa amin. Naririto kami para sa inyo!" Ang pakiusap ni Odessa sa kanila.

"Sinungaling!" ang malakas na sigaw ng isang lalaki sa kanyang likuran. Akmang lilingon si Odessa sa pinanggalingan ng boses ng biglang tumama sa kanyang mukha ang pala. Dahilan para mawalan ng balanse si Odessa at bumagsak sa sahig ng simbahan.

"Odessa!" ang sabay na sigaw nina Demetria at Randy ng makuta ang nangyari kay Odessa. Akmang lalapitan sana si Odessa ng sugurin rin sila ng iilang mga tao.

Hindi pa nakuntento ang lalaking humampas ng pala sa mukha ni Odessa at lumapit pa ito sa kinabagsakan niya para paluin siyang muli sa bitbit na pala. Hawak ni Odessa ang nagdudugo nitong mukha at pilit na pinipigilan ang sarili para hindi makapanakit ng mga tao. Sinubukan niyang tumayo pero isang malakas na palo ang muling tumama sa kanyang ulo. Pakiramdam niya ay hindi siya titigilan nito ng hindi napapatay.

ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner) Onde histórias criam vida. Descubra agora