Chapter 49: DARK POWER

Start from the beginning
                                    

Nang makita ni Randy sina Demetria at Father Mexo ay kinabahan na rin ito.  Kaagad na hinanap ng kanyang mata si Odessa. Pagkakita sa dalaga ay mabilis niya itong nilapitan at inusisa ang kasintahan.

"Anong nangyari,  mahal ko? " ang tanong ni Randy kay Odesssa na nakamasid sa harapan ng bukas na pintuan at nakikiramdam sa paligid.

"Panganib, mas masidhing panganib para sa mga natitirang tao. Mas mababagsik na nilalang at napakarami."
ang nababahalang tugon ni Odessa.

"Diyos ko..." ang tanging naging tugon ni Randy.

"Habang mababa pa ang araw ay kailangan na nating ilikas sa mas ligtas na lugar ang mga tao. Hindi na kakayanin pa ng simbahang ito para maproteksiyonan pa sila laban sa mga anak ng buwan. Kailangan na nating kumilos ngayon na." ang naging desisyon ni Odessa.

"Pepero saan natin sila dadalhin?" ang tanong ni Randy sa kasintahan.

"Kahit saan basta ligtas ang mga tao!" biglang tumaas ang tono ni Odessa dahil na rin sa labis na pag-aalala sa mga tao na kailangan na talaga niyang pangalagaan.

Nakaramdan ng pagkapahiya si Randy lalo na ng napatingin sa kanila ang mga taong naroroon. Tumingin siya kay Odessa at tumango.

"Sige...kahit saan basta ligtas na lugar." ang malungkot na tugon ni Randy at mabilis na tumalikod kay Odessa upang simulan nang sabihan ang mga tao paro lisannin ang lugar.

Napansin iyon ni Odessa. Natigilan siya sa naging raksiyon ni Randy sa pagsigaw nito sa kanya. Gusto niyang humingi ng paumanhin sa kasintahan.

"Randy..." ang tawag niya sa pangalan nito,  ngunit hindi na siya narinig ng kasintahan dahil mabilis na pinuntahan ni Randy sina Demetria at Father Mexo.

"Lahat ay makinig, mga kababayan, may napakaimportanteng sasabihin ang ating kasamang si Demetria. Makinig po tayong mabuti at gawin ang lahat ng kanyang sasabihin." ang malakas na wika ni Father Mexo sa mga taong naroroon.

Pumunta sa gitna ng altar si Demetria at tiningnan muna ang mga mukha ng mga taong naroroon. Ito ang unang pagkakataong magsasalita siya sa harapan ng maraming tao. Dati ay sa mga nasasakupang angkan niya ginagawa ang magsalita sa harapan nila. Mga mukhang napupuno ng tapang at di sumusuko ang kanyang nakikita pero ngayon ay mukha na nababalutan ng takot at kawalan ng pag-asa ang sumasalamin sa mga ito. Inilipat niya ang kanyang mga mata kay Odessa na nananatiling nakatayo sa harapan ng pintuan ng simbahan at tila nakikiramdam pa rin sa paligid.
Muli ay ibinalik niya ang kanyang mga mata sa mga taong ayaw na niya sanang makita pa ang kanilang mga mukha dahil na rin sa tuwing may namamatay na pamilyar sa kanya ay labis siyang nasasaktan.

Halos walang lumalabas na boses sa kanyang bibig ng sinubukan niyang magsalita. Tinapik siya sa balikat ni Father Mexo para mawala ang kanyang kaba. Pero hindi kaba ang nararamdaman ni Demetria ng mga sandaling iyo kundi pagkaawa sa mga taong naroroon na lumalaban pa rin para mabuhay. Pero kailangan niyang gawing mabilis ito dahil wala na silang oras.

"Mga kasama! Alam kong hindi pa kayo nakakabangon sa bangungot na dala ng paglusob ng mga anak ng buwan mahigit isang linggo pa lamang ang nakakalipas. Pero sa pagkakataong ito ay para makaiwas tayo sa muling paglusob ng higit pang mababangis na mga kampon ng kadiliman, napagkasunduan namin na kailangan na nating umalis sa lugar na ito at lumipat sa mas ligtas na lugar." ang malakas na boses na wika ni Demetria. Kitang-kita niya ang lalong pagkadismaya at takot sa mga mukha ng mga tao sa kanyang harapan. Takot na nagpapakita rin ng kawalang pag-asa na sa pagkakataong ito ay baka hindi na nila makakayanan pa ang muling paglusob ng mga kampon ng kadiliman.

"Kung aalis tayo rito, saan naman tayo pupunta? Saan naman ang sinasabi ninyong ligtas na lugar?" ang tanong ng isang babae na may karga-kargang dalawang-taong gulang na bata.

ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner) Where stories live. Discover now