The Consequence - Chapter 21

37.9K 754 26
                                        

(Dedicationg this chapter to @Oooohhhh94 for always voicing out her thoughts and reading this story! Thank you so much, gurl! <3 )

Date poste: 14 June 2018

CHAPTER 21

Manghang tinignan ni Araya ang buong paligid. Hindi niya maiwasan ang hindi mapa-awang ang labi kapag tinititigan ang kabuuan ng bahay. Naglakad siya patungo sa swimming pool, sobrang hindi pa rin siya makapaniwala. This is exactly how she wanted her own house to be.

Sa di kalayuan ng pool ay may makitid na daan pababa sa matarik na lupang kinalalagyan ng glass house na iyon. Sa baba ay nakalatag na tila paraiso ang bughaw na karagatan. This is her dream house, a home on the edge of a cliff overlooking the sea.

Napayakap siya sa sarili nang humampas ang di kalakasang hangin sa kanya, tinatangay, ang kanyang buhok. Napangiti siya nang maalala ang tanong niya kay Ethan nang maikot nila ang buong kabahayan.

"Is this really a home? It looks like a rest house to me." Saad niya nang dalhin siya nito sa parteng iyon ng bahay.

"Yes, it is, kitten. And it is all yours."

Kunot noong napalingon siya rito. Naroon kasi ito sa kanyang likuran, nakasandal sa salamin ng sliding door patungo sa swimming pool area.

"Anong ibig mong sabihin?" Litong tanong niya.

"This," itinaas nito ang dalawang kamay, sumenyas sa paligid. "is all yours."

"W-what?" Di niya talaga maintindihan.

Lumapit ang lalaki sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat. Tinitigan siya nito sa mga mata bago ipinihit paharap sa paraisong nasa kanilang harapan.

"I bought this place the other week. I put it under your name." Saad nito habang pinadausdos ang dalawang kamay sa kanyang harap. Ikinulong siya nito sa matipinong braso at pinatong ang baba sa kanyang ulo. "This is my gift to you." Saad nito at humigpit ang pagkakayakap sa kanya.

Hindi nakapagsalita si Araya. Hindi niya madigest ang mga sinasabi ng lalaki. Sa huli ay hindi niya napigilan ang mga sumunod na sinabi.

"Ganito ka ba manligaw?" Seryoso niyang tanong na ikinatawa ng lalaki.

"If you must say." Tipid nitong saad at hinalikan siya sa pisngi.

Napahawak siya sa kanyang kaliwang pisngi kung saan humalik ang lalaki kanina. Muli na namang gumapang ang kilig sa buo niyang pagkatao. Bakit hindi? Sinong hindi kikiligin sa mga pinaggagagawa nito?

"Mama! Mama!"

Napalingon siya nang marinig ang tawag ni Aya. May hawak itong malaking libro at tumatakbo ito patungo sa kanya. Lumuhod siya upang salubungin ito.

"Yes, Aya?" Nakangiti niyang saad nang makarating ito sa kanyang harapan.

"Look po. I want to read this po!" Masayang saad nito habanga winawagayway ang hawak na libro.

Napatingin siya sa loob ng bahay, wala roon ang mag-ama. Napakunot noo siya. Kanina lang ay kasama nito si Aya sa silid ng kambal.

"Daddy is doing puzzle with Rain. I don't want to ruin their fun." Nakangusong saad nito. "I just want to read this one po." Saad ni Aya.

Napangiti si Araya. Aya maybe the most difficult baby to handle when she's stubborn but she is also the sweetest of all. She kissed her daughter's little nose and carried her in her arm.

The Consequence [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon