CHAPTER 22: Volleyball

Start from the beginning
                                    

"Don’t trust others, hindi lahat ng mabait sa ’yo ay totoo." Seryosong sabi niya at pumasok na siya sa loob ng dorm nila. Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa tapat ng dorm nila.

Pero teka, ano naman kayang pinagsasasabi ng lalaking ’yon. Weird.


Hindi ko na siya natanong pa kasi nga nakapasok na siya sa dorm nila.

’Di man lang ako hinatid.

Naglakad na lang ako patungo sa dorm at pumasok na rin.

Kinabukasan...

September 14, 20**
Friday
PE. time

Naglalakad kaming tatlo ngayon papuntang classroom nang makasabay namin sa paglalakad sina Jeff.

"Mag v-volleyball daw tayo ngayon sabi ni Prof. E kahapon ’di ba? Marunong ba kayo mag volleyball girls?" Niel

"Anong tingin mo sa ’min?" Zils

"Kami pa." Sandy

"Sus, baka isang tama lang ng bola sa ’yo eh talsik ka na," sabi ni Kiel kay Sandy.

"Ang sabihin mo baka isang pitik ko lang sa ’yo talsik ka na," sabi ni Sandy sabay pitik pa ng kamay.

"Paano naman mangyayari ’yon?" sabi ni Kiel kaya seryoso siyang tiningnan ni Sandy.

"Gusto mong i-try ko?" seryosong sabi ni Sandy na ikinaatras naman ni Kiel.

"Eh, ikaw Amira nag v-volleyball ka ba?" tanong sa ’kin ni Niel.

"Konti." tipid kong sagot na ikinatingin naman sa ’kin nung dalawa.

Nang makarating kami ng classroom ay nagkaroon ng katahimikan at bulungan.

As usual, sa tuwing magkakasama kami palagi na lang silang ganyan.

Naglalakad na kami papunta sa parteng likod kung saan nandoon ’yong pwesto namin nang mag ring yung phone ko kaya lumabas muna ako.

*Riing riiing..
📱0946320****...

Number lang. Sino naman kaya ito?

"Hello?"

"Hello, Mira!"

"Who’s this?"

"You forgotten me, huh?"

Wait, his voice sounds familiar.

"Chris? Christoff? Is that you?"

"Exactly!"

"Oh my gosh! Chris,  it’s you. How did you get my number?"

He’s my childhood friend. I met him one year after since iwan ako nung isa ko pang childhood friend na si Ryle.
Nakilala ko si Chris sa States noong nag business trip kami nina dad tapos kasabay din namin silang umuwi ng Pilipinas.

Then, naging magkapit bahay kami nun noong tumira sila dito ng isang taon kaya nakilala din siya nina Zils at Sandy pati na rin si Jeff.

Then, dumating ’yong araw na naglipat sila ng bahay kaya nagkalayo kami.

Nag uusap na lang kami palagi sa telepono. Nag aral siya ng highschool sa States.

Naging busy kami parehas kaya medyo nawalan kami ng time sa isa’t isa. Minsan na lang rin kami nagkakausap hanggang sa nawalan kami ng communication.

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Where stories live. Discover now