Chapter 26:

769 15 4
                                    

“Saan ka galing? Bakit lumabas ka pa, eh alam mo na ngang ang lakas ng ulan sa labas.”

“Kay Kiro ako galing ma.” Sabi ko habang nakangiti.

“Wow, mukhang masaya ang bunso ko ah. Okay na kayo?”

“Sana nga okay na kami.”

“Pasaway tong batang ‘to, nasa sa inyo naman yon kung magiging okay kayo o hindi eh.”

“Aakyat na ko sa kwarto ko ma, inaantok na ako eh.”

“Sige, matulog ka na.”

Nasa tapat na ako ng kwarto ko ng biglang lumabas si ate sa kwarto niya, tiningnan niya ako tapos bigla siyang sumimangot.

“Anong problema mo?”

Pumunta siya sa akin at hinila ako papasok sa kwarto ko. “Ano yong sabi ni Ghyan na hiwalay na daw kayong dalawa, totoo ba yon?”

“Oo ate, totoo yon.”

“Hays! Nakakainis ka naman eh. Dahil lang sa dumating si Kiro nakipaghiwalay ka na kay Ghyan, hindi mo na inisip yong mararamdaman nong tao.”

“Ate…” hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Tiningnan ko na lang siya, sana makuha siya sa tingin na ayaw ko na munang pag-usapan si Ghyan. Masaya ang araw ko ngayon, ayokong masira dahil lang sa magu-guilty ako sa ginawa ko.

“Naku, naku talaga. Wag kang lalapit sa akin pag umiyak ka dahil dyan kay Kiro ah. Si Ghyan ang gusto ko para sa’yo.” Sabi niya na parang nakuha naman ang tingin ko. “Sigurado ako kung nalaman ni mama yong ginawa ni Kiro, mas gugustuhin niya na din si Ghyan para sa’yo.”

“Ate naman eh.” Naiiyak na naman tuloy ako.

“Oo na, titigil na nga ako. Wag mo akong iyakan, sige ka papanget ka.”

Naglakad na siya papunta sa pinto, nakahinga na ko ng maluwag. Bigla pang lumingon bago tuluyang lumabas. “Goodnight sa atin maganda kong kapatid.”

Ang lakas talaga ng trip ng ate ko. Si Ghyan talaga mas gusto niya para sa akin, wala siyang magagawa, si Kiro ang gusto ko eh.

Pero kumusta na kaya si Ghyan?

Hindi ko iyon malalaman kung tatanungin ko ang sarili ko. Tawagan ko kaya siya? Kaya lang, paano siya magiging okay kung guguluhin ko pa siya. Hays ang hirap naman. Matutulog na nga lang ako.

Ang ganda ng gising ko kinabukasan, tinext ko si Kiro

[Good morning! Bfast k na. Ingat buong araw]

Naghintay ako ng ilang minuto pero wala syang reply. Anong nangyari sa taong yon? Alam ko okay na kami kahapon.

[Ui!]

Text ko ulit sa kanya. Pero still wala pa ring reply. Hindi na ako umasa na magrereply pa siya, nag-ayos na lang ako, tumulong akong maglinis ng buong bahay—na araw-araw kong ginagawa simula ng bakasyon.

 Nang sumapit ang hapon ay naisipan ko ulit na i-text siya

[mag-merienda ka na]

Wala na naman siyang reply, hindi na ako nakatiis tinawagan ko na siya.

“Bakit ka tumawag?” tanong niya sa tonong parang iritable.

“Ahm…” Kinabahan ako bigla. Parang wala siya sa mood ngayon, never naging ganito ang boses niya saken dati. ”Nagtataka lang ako kasi kaninang umaga pa ako nagtext sa’yo pero wala akong natatanggap na reply.”

“Hindi ko naman na obligasyon na magtext o tumawag sa’yo diba?” si Kiro.

Ouch! Ang sakit! Parang kahapon lang okay kami ah, tapos ngayon biglang ganito?

“I—I’m sorry.” Nauutal kong sabi. Tinapos ko na ang tawag.

Pabagsak  akong dumapa sa kama.

“Ang sakit Kiro! Bakit mo ba ‘to ginagawa sa akin, ilang ulit mo pa ba akong sasaktan?  Okay naman tayo kahapon, akala ko tuloy-tuloy na ang pagiging okay natin pero bakit mo to ginagawa? Ang sakit-sakit!”  sabi ko habang umiiyak.

Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko ang bear na binigay sa akin ni Ghyan, naiyak ako lalo.

“I’m sorry Ghyan, I know napaka-unfair ko na sa’yo, nakipaghiwalay ako sa’yo dahil lang sa dumating si Kiro. Nakipaghiwalay ako sa’yo kahit na hindi ako sigurado kong magkakabalikan kami. Sana maintindihan mong ginawa ko yon hindi para sa akin kundi para sa’yo, ayokong masaktan ka habang minamahal ko pa rin si Kiro.” Kausap ko sa teddy bear, na parang si Ghyan ang kausap ko.

Umiyak lang ako ng umiyak, nararamdaman kong ang pag-iyak ko ngayon ay hindi puro dahil kay Kiro, kundi dahil din kay Ghyan.

Sana sa susunod hindi na ako umiyak. Naiinis ako sa’yo! Nagagalit ako sa’yo dahil paulit-ulit mo akong sinasaktan. Pero bakit ganon kahit na sinasaktan mo ko, mahal pa rin kita?

I HATE YOU THEN I LOVE YOU *fin*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon