Chapter 13: ONE WEEK DEAL II

882 14 2
                                    

Nang sumunod na araw ay nagtext si Ghyan at sinabing pumunta daw ako sa SM Manila pumunta daw ako sa Quantum, pagpasok ko sa loob ay nagulat ako nandoon siya sa labas ng videoke booth at may dalang bouquet of roses.

“Hello Ms. Jenith Chloe Guzman Soriano, I know mukha akong ewan ngayon, alam mong sobrang mahiyain ako pag sa ibang tao. Sa iyo lang talaga ako hindi naiilang pero ginagawa ko ‘to para saiyo kasi gusto kong malaman mong mahal talaga kita. We were childhood sweethearts, I’m sorry if iniwan kita noon, pero tulad nga ng sabi ko nong bumalik ako, I’ll make it up to you. I love you so much and I’m willing to do all corny gimiks para lang mapatunayan ko iyon sa’yo.” Inabot niya ang roses sa akin. “I’ll sing this song for you.” Sumenyas siya sa lalaking nag-aasist sa mga nagvivideoke.

araw – gabi bakit naaalala ka’t

‘di ko malimot-limot ang sa atin ay nagdaan

kung nagtatampo ka ay kailangan bang ganyan

dinggin ang dahilan at ako ay pag-bigyan

kailangan ko ang tunay na pag-ibig mo

dahil tanging ikaw lang ang pintig ng puso ko

hahayaan mo ba na maging ganoon na lang

ang isa’t-isa’y mayro’ng pagdaramdam

chorus

bakit ‘di pagbigyang muli ang ating pagmamahalan

kung mawawala ay ‘di bat sayang naman

lumipas natin tila ba kailang lang

at kung nagkamali sayo patawad ang pagsamo ko

tayo na’t ulitin ang pag-ibig natin

muli ikaw lang at ako

“Gosh nakakakilig naman siya, ang swerte ng girl na yan sa kanya ah, ang gwapo niya pa mandin.”

Narinig ni Chloe ang sinabi ng babae, alam niya ang swerte niya talaga to have Ghyan, kung pwede lang sana… kung pwede lang sanang si Ghyan na lang ang mahalin niya, iyon na sana ang ginawa niya, pero si Kiro pa rin ang mahal niya kahit sinaktan siya nito. Erase! Hindi niya pwedeng isipin ngayon si Kiro, ayaw niyang maging unfair pa lalo kay Ghyan.

Hinawakan ni Ghyan ang kamay niya. ”Tabs, wala ka man lang bang sasabihin?”

Hinila ko siya sa loob ng booth dahil narealize ko na na sa’min pa rin ang atensyon ng mga tao. “Nakakahiya sa mga tao, naistorbo mo sila”

 “Pasensiya ka na, ito lang ang nakaya kong gawin sa ngayon.” Lumungkot ang mukha niya.

Ngumiti ako sa kanya. “Don’t worry, I appreciate it. Thank you.”

Nawala ang lungkot niya at bigla siyang ngumiti. Kung kay Kiro ay nagustuhan ko ang mata at ilong niya, kay Ghyan ay ang ngiti niya ang nagustuhan ko. Iyon kasi yong tipo ng ngiting nakakahawa. Hays… si Kiro na naman ang nasa isip niya.

“Let’s enjoy the day Tabs, ayaw kong makita ka ulit na umiiyak.”

Nagkantahan kami at nang magsawa sa videoke ay naglaro kami ng basketball, naglaro din kami ng dance revolution. Pagkatapos noon ay naglaro naman kami ng bowling, ang galing niya lahat napatumba niya, samantalang ako hanggang tatlo o apat lang ang kaya.

Nang mapagod kami kakalaro ay kumain kami sa KFC, pagkatapos kumain ay nagpunta kami ng blue magic, binilhan niya ako ng stuff toy, ung malaking bear.

“Wag mo nang bilhin iyan para sa akin, ang mahal niyan eh, sobrang napapagastos ka na eh.”

“Ayos lang, may budget ako para sayo noh.” Tinawag niya ang saleslady na nandoon. “Miss kukunin ko na ‘to.”

Hindi niya talaga ako hahayaang makatanggi, ang kulit niya pa din hanggang ngayon, walang pinagbago.

Hindi namin namalayang 9pm na pala. Hinatid niya ako sa bahay. Bubuksan na sana niya ang pinto sa driver’s seat ng hawakan ko ang braso niya, hinalikan ko siya sa pisngi niya. napatingin siya sa’kin.

“I’m sorry.” Narealize kong mali ang ginawa ko. Hindi ko dapat iyon ginawa, ayokong umasa siya, masyado akong nadala ng kasiyahan ko.

“Don’t be sorry Tabs, ang saya ko. Maraming salamat pinasaya mo ako ngayon.” Niyakap niya ako, at hinalikan ako sa noo.

Para akong sinaksak sa sinabi niya PINASAYA… yan ang sinabi ni Kiro saakin, hindi ko siya napasaya. Nalungkot ako bigla.

“Bakit parang nalungkot ka bigla?” tanong niya.

Napansin niya pala. “Wala ‘to, napagod lang siguro ako.” Pagtanggi ko. ”Mag-iingat ka sa biyahe, goodnight.” Iyon lang at lumabas na ako sa kotse niya.

I HATE YOU THEN I LOVE YOU *fin*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon