Chapter 25: i MiSS YOU

778 16 3
                                    

Kanina ko pa pinipigilan ang sarili kong gawin ito. Pero bakit kasi ang kulit ni Chloe? Hindi niya ba alam na lalo lang siyang mahihirapan kapag pinagpilitan niya pa na magkabalikan kami? Kung pwede ko lang sanang ibalik yong dati, matagal ko nang ginawa.

Kinalas ko na ang pagkakayakap ko sa kanya, tumingin lang siya sa akin na parang nagtatanong kung bakit ko ginawa iyon.

“Magkakasakit ka sa ginagawa mo, bakit kasi pumunta ka pa dito eh alam mo namang malakas ang ulan.” Sabi ko sa kanya at hinila ko na siya papasok ulit sa bahay. Naumpisahan ko na, kaya lulubos-lubusin ko na. Bukas ay ititigil ko na ang kahibangan kong ‘to.

“Maligo ka na muna doon sa banyo, magtitimpla naman ako ng hot chocolate para sa ating dalawa.”

“Paano ka? Kung magsalita ka dyan parang ako lang ang nabasa sa ulan.”

“Maliligo ako after mo, mas sakitin ka sa ating dalawa, kaya ikaw talaga dapat ang mauna. Napaka-ungentleman ko naman kung mauuna ako sayong maligo.”

“Kunsabagay, ang pangit din naman kung sabay. Maliligo na ako.” Yon lang at pumasok na si Chloe sa banyo.

Haha! Baliw talaga tong si Chloe, makapagsalita lang talaga siya. Siguro kapag may nakarinig sa kanya, mag-iisip ng kung ano yon about saming dalawa.

Nagpunta na ako ng kusina para gumawa ng hot chocolate. Ang gustong timpla non ni Chloe ay sobrang malalasahan ang chocolate, samantalang ang trip kong timpla ay yong pantay lang yong lasa ng sugar at chocolate.

Pagkatapos maligo ni Chloe ay ako naman ang sumunod. Pagbalik ko sa kusina ay prenteng nakaupo si Chloe, at nagreready magluto ng pancake.

Ngumiti siya sa akin ng napakatamis, ngumiti din ako sa kanya. Miss ko na talaga siya ng sobra.

“Nangialam na ko ng pwedeng makain sa ref mo, ito lang ang nakita kong masarap i-partner sa hot chocolate.”

“Ayos lang iyon, alam mo namang parang bahay mo na din ito eh.” Lalong gumanda ang pagkakangiti niya dahil sa sinabi ko. Oops! Dapat di na ako nagsabi ng ganon. Bakit kasi kung magsalita ako ay parang walang nagbago sa relasyon naming dalawa. “Nagpalit ka na ng number mo no?” tanong ko na lang para maiba ang usapan naming dalawa.

“Oo, sinira ko yong sim ko nong naghiwalay tayo.” Biglang nag-iba yong expression ng mukha niya, parang sinasabi na nagsisisi siya kasi mali yong nagawa niya nong time na yon.

Ang cute talaga niya, tapos kitang-kita mo pa talaga sa mukha niya kung ano yong nararamdaman niya.

“Ah. So ayaw mo nang ipaalam sa’kin yong number mo?”

“Hindi naman, galit ako sa’yo non dahil sa sinabi mo. Pero ngayon hindi na ako galit.”

“Ano nang number mo ngayon? I-save ko na sa cp ko.” Sinabi niya saken ang bagong number niya, sinabi ko naman ang number ko. Nang mapansin niya sigurong hindi ako nagbabago ng number ay nagsalita siya.

“Hindi ka pa din pala nagpapalit ng number, wag mo nang sabihin. Kabisado ko naman ang number mo.”

Nang maluto ang pancake ay kumain na kami.

“Alam mo pa din hanggang ngayon ang gusto kong timpla nito ah.” Sabi ni Chloe.

“Syempre noh, tatlong taon ba namang tayo, hindi ko pa ba malalaman?” sabi ko, nang pagtingin ko sa mukha niya ay nakita ko ang pagdaan sa mata niya ng lungkot. Pero saglit na saglit lang iyon, sa sobrang saglit ay parang namalik-mata lang ako.

“Kunsabagay, kahit ako halos lahat sa’yo alam ko na eh.”  Sabi niya habang nakangiti.

Nang pagkatapos naming kumain ay nagpunta kami sa kwarto, doon kasi talaga kami mahilig magstay kahit noong kami pa.

“Wala ka pa ring binabago dito sa kwarto mo.”

“Ano ba ang dapat baguhin?”

“Hmm.” Nilibot ni Chloe ang paningin niya sa paligid. “Hindi ko din alam.” Nagkibit-balikat siya tapos tumawa.

“Ang kulit mo pa rin, walang pinagbago.” Lumabas sa labi ko ang dapat sana ay nasa isip ko lang. Bigla siyang napatingin sa akin, nawala na yong tawa niya. Nakatitig na naman siya sa akin, pasaway talaga, bakit kasi ang hilig niyang makipagtitigan?

“I miss you.” Bigla na namang lumabas sa labi ko.

“Kiro…”

Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit, gumanti ako ng yakap sa kanya. Naririnig ko ang marahang paghikbi niya, tinapik-tapik ko ang likkod niya.

“Baby, wag ka nang umiyak. Shhh..”

“Namiss din kasi kita, akala ko kasi ako lang ang nakakaramdam ng ganito eh.”

Sobrang miss kaya kita, ikaw na nga lang lagi laman ng isip ko. Gusto ko sanang sabihin sa kanya, pero wag na lang siguro. Iyon ang dapat.

Pinatahan ko lang siya, tapos nang hindi na masyadong malakas ang ulan ay hinatid ko siya sa bahay nila.

Nang makarating ako sa bahay ay nahiga na ako. Napakasaya ko ngayon, nakasama ko ulit siya ng tulad ng dati. Pero… hindi pwede ‘to. Masasaktan lang siya ng dahil sa akin.

I HATE YOU THEN I LOVE YOU *fin*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon