Chapter 16: ONE WEEK DEAL VI

856 18 7
                                    

** aheks ! baliw lang si ako ..

sa sobrang dami kong naisip na pwedeng gawin ni Ghyan, naubusan ako :)

salamat sa ESPREN ko GLEN LUNARIO, siya ang nagbigay ng idea sa akin kung ano pang pwedeng gawin ni Ghyan. and ..

basahin niyo na lang ^_____^

papasalamat na rin pala ko sa readers ko na nandiyan na mula umpisa. naku wag kayong magsasawa ah :)

mahal ko ang nagmamahal sa story na ginagawa ko :DD

andami ko nang sinabi!

patawad :) trip ko lang talaga kayong asarin :P

yan na nga.. baka umiyak ka na eh :)

--------------------------------------------------

Pagkatapos kong ihatid si Jenith ay hinanda ko na ang mga bagay na gagamitin ko ngayong araw, nakakahiya man pero gagawin ko pa rin. I’m so nervous. Ang plano ko ay papapuntahin si Jenith sa clubhouse sa subdivision na tinitirhan namin ngayon nila mama. Hindi pwede sa subdivision nila Jenith dahil baka malaman ng mama niya ang gagawin ko, at baka maisip nito na hiwalay na si Jenith at Kiro. Weird pero yong mararamdaman pa rin ni Jenith ang iniisip ko. Kahit masaktan ako wag lang siya.

 Sinundo ko si Jenith ng 5pm, full ang schedule niya pag Thursday. Pinapasok ko siya sa bahay at sinabihang kumain na muna siya.

“Saan ka pupunta?”

“Lalabas lang ako saglit, may meeting daw ang youth sa clubhouse eh.”

“Youth? 21 ka na kaya, anong youth ang pinagsasabi mo dyan. Hindi ka na kasali don.”

“Wag mo naman ako masyadong pinapatanda, 20 pa lang ako. Iwanan na muna kita dyan ah, pagkatapos mo kumain pumunta ka na din sa clubhouse ah.”

“Sige, susunod ako.” Sabi niya ng nakangiti sa akin. Iyon lang at umalis na ako.

May 15 minutes pa naming hinanda ang lahat, at nang handa na hinintay na lang namin ang pagdating ni Jenith. Hindi naman sila pinaghintay ng matagal ng dalaga, dahil makalipas ang tatlong minuto ay nakita niya na itong papasok sa clubhouse.

Nakita kong umiikot ang tingin niya sa paligid, hinahanap niya na ako. Natatawa ako, hindi niya alam ako ang nasa loob ng malaking bear costume na ‘to. Oo, nakasuot ako ngayon ng higanteng bear, pinalaking version ng bear na binigay ko sa kanya sa blue magic. Sumenyas ako sa head ng youth para simulan na ang tugtog.

Mix ang tugtog, sa simula ay yong tugtog sa marimar, ginalingan ko ang paggiling ko. Mahirap sumayaw kapag may suot kang ganito pero pinagbutihan ko, nakatingin si Jenith sa akin at tawa siya ng tawa. Ang sumunod na tugtog ay fireball, kaya todo bigay din ang steps ko. Pati ang mga tumulong sa akin ay nagtatawanan na din. Iba’t-ibang songs pa ang sinayawan ko, lagpas 8 minutes ang tugtugan.

Nang matapos ay tinanggal ko ang ulo ng bear, nakita ko ang paglaki ng mata ni Jenith. Kinawayan ko siya, inabot naman sakin ni jenny—ang president ng youth—ang mic.

“Tabs, akyat ka din dito sa taas.” Aya ko sa kanya, pero todo ang pagtanggi niya dahil siguro sa mga taong nandoon. “Sige, dyan ka na lang, nahihiya ka lang siguro.” Sumeryoso na ako. “Hmmm. Tabs, ika-anim na araw na ngayon ng pagpapatunay kong mahal kita, at kinakabahan ako para sa magiging pasya mo bukas. Pero wag kang mag-alala, kahit ano pa man ang maging desisyon mo ay tatanggapin ko. Gusto ko lang malaman mong mahal na mahal kita, at kahit na ilang taon ang nakalipas na hindi tayo nagkita ikaw lang ang babaeng minahal ko.”

Inabot naman sa akin ngayon ni Jenny ang pumpon ng bulaklak, tinanggap ko iyon at binalik ko sa kanya ang microphone. Lumapit ako kay Jenith at inabot ang bulaklak sa kanya, nagulat ako ng bigla niya akong yakapin at narinig ko ang marahang paghikbi niya.

“Oh, bakit umiiyak ka na naman?”

“Eh kasi ikaw, lagi mo na lang ako sinusorpresa. Thank you very much sa love mo para sa akin.”

Pinunasan ko ang luha niya. “SShh, tabs lagi ka na lang bang iiyak? Kapag masaya ka at malungkot umiiyak ka, hindi ka ba nauubusan ng hydrogen sa katawan?”

Hinampas niya ako sa dibdib. “Ewan ko sa’yo, masama bang matouch sa ginawa mo?”

Natawa ko sa kanya. Lumingon ako sa stage at nakita kong nakangiting nakamasid sa amin si Jenny. Sinenyasan ko siya na aalis na kami ni Jenith doon, tumango lang siya. Inakay ko na si Jenith palabas ng Clubhouse.

Naglalakad na kami nang magsalita siya.

You surprised me again! Nakakainis ka.” Piningot niya ko, pero yong hindi naman masyadong masakit, lambing lang ^_________^

“Ang sakit mo na mamingot ngayon ah.” Pinisil ko naman ang pisngi niya.

Hinampas niya ang kamay ko. “Aray naman, sinabi ng wag mamimisil ng pisngi eh. Gusto mo bang pumangit lalo ang magiging girlfriend mo?”

Napahinto ako sa paglalakad, tumingin ako sa kanya. Tinitigan ko siya sa mata. “Anong sinabi mo?”

“Ay hindi ko na uulitin. Talo ang bingi dito.”

Lumakad na siya, pero hinawakan ko ang braso niya at wala siyang nagawa kundi lumingon ulit sa’ken.

“Tama ba ako ng narinig? Magiging girlfriend na kita?” ang lakas ng kaba ng dibdib ko, para akong bibitayin sa sagot niya. baka nagkamali lang ako ng rinig kanina.

“Kanina magiging girlfriend mo pa lang ako, pero ngayon girlfriend mo na ako.” Nakangiti siya habang sinasabi niya yan. Napatanga lang ako. Totoo ba ito o nananaginip lang ako?

“Ay naku, wag na binabawi ko na. Ayaw mo yata eh.” Nainis siguro siya dahil wala akong reaksiyon.

Doon pa lang ako nakahuma. Hinila ko siya at niyakap ko ng mahigpit.

“Oh, I’m sorry if wala akong reaksiyon sobrang saya ko lang at hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.” Binuhat ko siya at inikot-ikot sa ere.

I HATE YOU THEN I LOVE YOU *fin*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon