Chapter 15: ONE WEEK DEAL IV & V

857 17 4
                                    

Nag-half bath lang ako at nagpunta ako sa tokador, nakita ko ang picture namin ni Kiro, napakasaya naming sa picture namin na iyon. Kinuha ko ang picture at nahiga ako sa kama. Hindi ko namalayang umiiyak na naman ako, masakit pa rin para sa akin ang nangyari. Hindi ko alam kung sinong sasabihan ko, hindi alam ni mama na hiwalay na kami, hindi naman pwedeng si moo kasi galit siya kay Kiro, hindi din pwedeng si Ghyan kasi alam kong masasaktan ko lang siya. Si Ghyan… ang lalaking una niyang minahal. Kung pwede lang sanang ito na lang ang mahalin niya, iyon na ang ginawa niya. Pero mahal niya talaga si Kiro, kahit na sinaktan siya ng lalaki ay mahal niya pa rin ito. Nakatulugan ko na ang pag-iyak.

Nagising ako kinabukasan ng late na, dala na din siguro ng pagkapuyat ko kagabi. Nag-asikaso na ako sa pagpasok at tinago ko na ang picture naming ni Kiro sa drawer katabi ng diary ko para sa kanya. Bumaba na ko para mag breakfast, as in fast talaga. Paglabas ko ay hindi ko nakita si Ghyan, kahit anino niya ay walang bakas. Nagmamadali na lang akong naghanap ng masasakyan.

Nakarating anko sa campus at nagklase kami, buti late ang prof namin sa first subject kaya hindi ako late. Nang uwian na ay wala pa din si Ghyan, nag-alala na ako.

“Ano kayang problema non?” Tinawagan ko siya, naka-tatlong ring bago may sumagot.

“Hello?” narining ko ang boses ni Ghyan at parang may iba sa boses niya.

“Hello Ghyan, bakit parang iba ang boses mo?”

“Hmm, ang sama kasi ng pakiramdam ko eh. Ewan ko ba, paggising ko kanina ay ang sakit ng ulo ko.”

“Nandyan ba si tita?”

“Wala, magkasama sila ni papa pumunta ng Batangas three days daw sila doon.”

“Naglunch ka na ba?”

“Hindi pa. ayokong tumayo, nahihilo ako.”

“Pupunta ko dyan para may kasama ka.” Iyon lang at tinapos ko na ang tawag.

Umalis na ako ng campus at nagtungo sa bahay ni Ghyan. 3pm na ngayon pero hindi pa rin siya naglulunch, lulubha lalo ang lagay niya pag ganoon.

Bakit ba sobra akong nag-aalala? Dahil mahal mo siya, sagot ng isang parte ng utak niya. Hindi, concern lang ako sa kanya bilang kababata niya.

Dumating siya sa bahay nila Ghyan at pumanhik agad siya sa taas, pumasok siya sa kwarto ng binata at nakita niya itong nakatalukbong ng kumot. Bumaba ulit siya at nagtungo sa kusina, nagluto siya ng sopas, buti na lang at may stock sila ng pagkain sa ref. pagkatapos magluto ay hinanap niya naman ang medicine cabinet, nakita niya ito sa bathroom, kumuha siya ng gamot at umakyat na sa taas. Ginising niya si Ghyan para kumain, tumalima naman ito. Sinubuan niya ito, kahit mahigit ang pagtutol nito. Gusto niyang alagaan ang binata, nagu-guilty siya. Marahil ay dahil iyon sa pagpunta nila sa Tagaytay kagabi, iba ang temperature sa Pilipinas at hindi iyon katulad ng sa America kaya siguro nagkasakit ito.

Pagkatapos niyang pakainin ang binata ay pinainom niya na ito ng gamot, at pinahiga niya na ulit.

“I’m sorry kung hindi ko nagawa ang dapat sana’y mga gagawin ko ngayong araw. Hindi ko din inaasahan na magkakasakit ako.” Si Ghyan.

“Ano ka ba? May sakit ka na at lahat-lahat iyon pa din ang iniisip mo, pwede namang gawin mo na iyon sa ibang araw.”

“Marunong akong tumupad sa usapan Jenith, ang isang linggo ay isang linggo.”

“Okay, kung iyon ang gusto mo.”

Buong araw lang akong nasa kanila, bumabawi ako sa kanya ngayon dahil lagi niya akong pinapasaya. Tahimik niya lang na pinagmamasdan ang binata, tulog na ito ngayon. Kanina ay labis ang pagtutol nito ng lagyan niya ng bimpo sa noo para sa pagbaba ng lagnat, pero makulit siya kaya hindi ito nakatutol.

“Hay naku...” bumuntong-hininga siya. “I was a fool because I love somebody else, pero kung wala akong mahal ikaw na sana ang minahal ko Ghyan.”

Nang sa tingin niya ay hindi na maiistorbo ang binata sa paggtulog ay umalis na siya.

Maaga nagising si Ghyan. Mabuti na ang pakiramdam niya, parang hindi siya nagkaroon ng sakit kahapon. Nag-asikaso na siya, balak niyang ihatid si Jenith sa FEU.

Nang magtungo siya sa bahay ng dalaga ay nagulat pa ito pagkakita sa kanya. Dapat daw ay hindi na siya nagpunta dahil kagagaling niya lang sa sakit, pero ayaw niya magsayang ng oras. Tatlong araw na lang at malalaman niya na ang desisyon ni Jenith.

Hinatid niya na ang dalaga at hinintay ang uwian nito, hindi na siya umalis doon. Nakita niya itong nakangiti ng papunta na sa kanya.

“Saan ang punta natin ngayon?” nakangiti pa rin siya habang tinatanong yan sa akin.

“Balak ko sanang sa mall tayo magpunta gusto ko kasing manood tayo ng sine, dati kasi ay hindi natin iyon nagawa.”

“Mukhang maganda yan, matagal na din akong hindi nakakapanood ng sine.”

Umalis na kami doon at nagpunta na sa mall, nanood kami ng movie. Napagtripan naming manood ng love story, ayon umiyak na naman si Jenith, ano pa bang aasahan mo eh iyakin talaga siya. Pagkatapos naming manood ay kumain kami, naisip naming kumain ng hongkong noodles at bumili ng fries sa mcdo. Nag-grocery din kami at pagkatapos noon ay naisipan naming magjoyride, napunta kami sa MOA at ngayon ay nakaupo kami dito sa may seaside.

“Nakakarelax talaga kapag ganito ang nakikita mo.” Sabi ni Jenith habang nakatingin sa dagat.

“Alam kong nitong mga nakaraang araw ay stress ka dahil sa paghihiwalay niyo.”

“Thank you.”

“It’s my pleasure.”

Nang mag-8pm na ay niyaya ko na siyang umuwi. Limang araw na kaming magkasama ni Jenith, pero hindi ko pa rin malaman kung anong magiging desisyon niya. Siguro ay hihintayin ko na lang sumapit ang ika-pitong araw.

-------------

pasensiya na kung short 'to..

mejo wala ako sahulog nung ginawa ko 'to eh :))

pero babawi ako sa mga next chapters :DD

promise :D

nga pala ..

sana maramdaman ko naman ang readers ko :)

meron nga ba??

parang wala haha

joke :)

I HATE YOU THEN I LOVE YOU *fin*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon