068

25 1 1
                                    

8:00 A.M
Sunday
23rd December, 2018


Kasama ko ang babaeng pinakamahalaga saakin ngayon. Tangina, isang taon na din pala nung nakilala ko ito. Isang tao na din nung chinat niya ako, at seryoso di ko alam kung ano pakay niya. Pero salamat dahil duon nagkaroon ako ng pag-asang lumaban sa bawat pagsubok ko sa buhay.

Okay tangina masyado namang madrama. Hinawakan ko yung kamay niya kaya napatingin siya.

"Dinadrama mo ngayon?" Sabi niya saka nakataas pa kilay. Natawa naman ako dahil di talaga nagbabago yung gago na'to.

"I love you." Sabi ko sakanya saka siya hinug, hindi naman siya kumibo kaya tiningnan ko. Gago pulang pula pala siya. Umiwas naman siya ng tingin saka na nagyayang bumili ng gamit. Pre it's Christmas season soO yeAh bibili ako gifts para sa buong squad. Yaman no?

"Yaman mo talagang gago ka ah." Sabi ni Ashly saka na kami namili ng pang regalo.

----

Tapos na kaming bumili at pagod na pagod kaming pumunta sa Dairy Queen. Syempre pre tamang tambay lang wala na kong pera eh. Mga ilang minuto pa kaming nagharutan ni Ashly nang mag-ring phone ko.

"Dad?" Sagot ko sa tawag, shet nanginig na naman ako dahil galit na naman yung boses niya.

"Asan ka? Umuwi ka na may pag-uusapan tayo." Nakunot ang nuo ko nang marinig na may pag-uusapan na naman kami. Shit I know it, paghihiwalayin na naman nila kami ni Ash.

"Okay dad." Saka ko na binaba ang tawag at tiningnan si Ashly.

"Ano daw? Ba't ganyan mukha mo?" Tanong niya na natatawa pa dahil sa mukha ko lols.

"Tara bahay namin, ipaglalaban kita." Seryoso kong sabi sakanya. Kaya napatayo siya sa gulat.

"Wag kang mag-alala ako bahala sayo." Seryoso ko pang sabi sakanya. Kaya pumunta na kaming kotse at tumungo sa bahay namin.

----

Nasa parking pala ako, nakita ko na ang isang mahabang jeep kaya napa-isip ako kung andito ba mga kamag-anak namin???? Lols. Pero ito, papalapit na ako, naririnig ko ang boses ni Jaehwan hyung mula sa videoke at ilan pang sigawan at tawanan ng buong tropa. Syempre naexcite ako pumasok kaya nagtatakbo kami ni Ashly papasok.

Pagpasok namin ibinaba muna namin ang gamit at nagulat kami ni Ashly aa reaction nila, natunganga sila saka nagtigilan sa ginagawa, may nakasabit ding "We love and support Ashtin!" Sa may sala. Ha ewan ko ba. Silang lahat naman nagsigawan at nagsisihan dahil wala daw nagbabantay sa bintana.

"Ayan mga tanga sabi sainyo bantayan niyo yung bintana!! Ang epic tuloy." Maktol ni Jisung hyung saka pa ngumuso. Argh what.

"Eh dapat sana ikaw nalang nagbantay, utos utos ka pa kala mo boss ka?!" Sigaw ni Seongwoo hyung saka nagflips hair wari ayan gyera na.

"Aba tarantado ka Ong leader ako dito." Sabi ni Jisung hyung at tumayo, sinundan naman si ni Jonghyun hyung na tumatango.

"Oh chill joke lang hehehe, DANIEL HELP ME!" Sigaw ni Seongwoo hyung saka nagtatakbo. Napa-iling naman ako at natingin kay Seonho na nguya ng nguya at nakangiting parang gago.

Rich Kid ➔ huang. justinWhere stories live. Discover now