026

89 4 9
                                    

"Ay sorry." Sabi ko sa nabunggo ko, lutang kasi ako ngayon. Di ko malaan bakit. Humarap sakin yung nabangga ko.

"Ashly?" Sabi sakin ni Justin.

"Justin?" Sagot ko sakanya.

"Bakit ka namumutla?" Tanong nya sakin tapos hinawakan yung mukha ko. Inalis ko yung pagkakahawak nya at iniwas yung mukha ko.

"Justin si Dame---

"BAKIT KA NAMUMUTLA?!" Napatingin ako sakanya nung biglang lumakas yung boses nya.

"Justin, kumalma ka. Natural lang sakin mamutla." Sabi ko nalang, kasi kahit ako hindi ko alam bakit ako namumutla.

"Naglulunch ka na ba?"

"Oo."

"San? Ano kinakain mo? Masarap ba? Safe ba? Wala bang lason yon? Ano lasa? Mahal ba?" Sunod sunod nyang tanong kaya nasapak ko sya, wag kayo mag-alala mahina lang. Andami kasing tanong parang gago. Wala din ako maisagot dahil hindi naman talaga ako nakakapaglunch.

"Andami mong tanong ha, antayin mo pa si Dame pwede ba? Hinahantay ko kasi si Ely." Sagot ko sakanya saka tinalikuran saka naglakad papalayo, ramdam kong sinusundan nya ako kaya hinarap ko sya.

"Ano ba?"

"Nagseselos ka ba?" Seryosong sabi nya kaya natawa ako. Ulol ba ha, maawa ka soulja boy.

"Why would I?" Sabi ko sabay taas kilay.

"Ah hehe wala naman." Sabi nya saka ngumiti, tumalikod na din sya at naglakad.

Habang naglalakad lakad ako, naginit yung pakiramdam ko at biglaang sumakit yung tyan at ulo ko. Tanginang, ulo nga lang masakit halos mahimatay na ko. Ulo at tyan pa kaya. Naupo ako sa may bench at umiglip muna handali.

---

"HOY ASHLY SOULJA GIRL NG BUHAY MO." Sigaw ni Ely sa tapat ng room namin. Walangyang tarantadong to, gumawa nanaman ng kahihiyan. Sumilip ako sa bintana saka tinaasan sya ng kilay.

"LUMABAS KA NG ROOM NYO'T MAY SURPRISE AKO SAYO!!!" Sigaw nya kaya nagmadali akong lumabas. Aba syempre may surprise daw eh diba HEHEHE.

"TADAAAAAAAAAA! HINDI AKO MAGLULUNCH NGAYON, SASAMAHAN KITANG MAGMUKMOK! HIHIHI KILIG SYA." Sabi nya habang tumatalon, naka poker face lang ako saka tinalikuran sya.

"HEP HEP HEP! SAN KA PUPUNTA." Sigaw nanaman nya at hinagit yung kamay ko. Pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante dahil sa kaingayan niya. Tinakpan ko muna yung bunganga niya saka nagsalita.

"Ikalma mo, ano nanamang trip mo sa buhay." Sabi ko sakanya saka inalis yung pagkakatakip ng kamay ko sa bunganga nya. Nagulat ako ng yakapin nya ako.

"Namiss kita, hindi kita mahanap dahil kila Hyungseop, letcheng mga baklang yon. Ayan naunahan ko sila! Solo kita ngayon." Sabi nya saka kumalas na, natouched naman ako hihihi. Pumunta kaming garden saka umupo.

"Si Justin na pala at Dame no?" Panimula nya.

"Pake ko?"

"Ikaw ha, ang defensive mo. Nagseselos ka ba?" Nakakalokong sabi nya saka ako tiningnan.

"Bakit ako magseselos? Wala namang kami ni Justin. Wala akong pake sa kanila." Sabi ko saka nagflips hair. Napa 'ah' naman akong ng hilahin nya yung buhok kong inihampas ko sa pagmumukha nya.

"Gago mo ba Ashly, kilalang kilala kita. Alam ko pag nagseselos ka."

"Bakit naman ako magseselos?"

"Kasi mahal mo si Justin."

"Hindi."

"Aminin mo na sa sarili mo, dami mo pang arte eh."

"Tangina mo naman ha."

"Ayieee Justin."


Rich Kid ➔ huang. justinWhere stories live. Discover now