At saka di pa ba nila nakikita to sa school? Ay lagi ko tong sundo!? Oh well hindi ko pa nga naman sila napapakilala. 

"OY WAG NGA KAYONG OA! DI NAMAN KAGWAPUHAN YUNG KAPATID! NAPAKA NYO! SI LIZZ ANG PINUNTA NATIN DITO!!!" Sigaw naman ni Jade sa kanila. 

Yasss naman! Nakahanap rin ng kakampi haha. 

"Sinong may sabing di ako kagwapuhan!?" Sigaw galing sa kusina. Sheez! Napakapatola rin talaga ng virgin na yon! Arghh! 

Narinig ko nalang ang mga yabag nya na papalapit sa amin. Anoo na!!!

"Sinong nagsabing di ako kagwapuhan?" Mas malumanay nyang sabi. 

Nilingon ko Losperade at nakatulala nanaman sila sa kuya ko, maliban kay Jade na panay ang irap. 

"Ako! Oh eh ano naman sayo kung sabihin kong di ka kagwapuhan!? Gutom na gutom sa papuri!?Hah!?" Sigaw ni Jade sa kanya.Hala jade!!! Why!!! OMG! That is soooooo brave! Hihi. Sabi na eh kampi talaga kami nitong si Jade Bwahaha

"Hindi sa ganon! Hindi ako uhaw sa papuri dahil lunod ako sa ganun! Ikaw ba naman ang gwapo, malay ko lang kung di ka pa malunod don. Gusto ko lang malaman kung sino para malaman kung karapat dapat ba syang sabihan ako ng ganon at napagtanto kong hindi ka karapatdapat kaya bawiin mo yon!" Sagot naman ni Kuya kay Jade. Sheez!!! Patola talaga! Jade labanan mo!!!

Ano ba yan Lizz! Awatin mo na! gaga ka! 

Tumayo ako at hinarap sila. Nagtititigan na sila ng masama ngayon. 

"Anong gusto mong iparating ngayon!? Na hindi ako maganda kaya hindi ako karapatdapat na sabihan ka ng ganun!? Ang yabang mo!!!" Sagot ni jade. 

"Ikaw na ang nagsabi nyan hindi ako." 

"Hah! Baka hindi mo alam, ang dami daming nanliligaw saken! Dahil MA.GAN.DA. Ako!" May diin pa yung maganda sa pagkakasabi ni Jade.

"Ah talaga? Baka may problema sa mata yang mga nanliligaw sayo" Sagot ni kuya sabay tawa. 

May narinig din akong bungisngis at ng tingnan ko yun ay nakita kong natatawa na rin ang Losperade. 

"ANG KAPAL NG MUKHA MO!" Sigaw ni Jade. Sheez Lizz!! Awatin mo na shushko!!!

Agad akong pumagitna sa kanila at tiningnan sila pareho. 

"Ok.... Tigil na. Kuya umalis ka na dito, agaw atensyon ka at oras. Ako ang pinunta nila dito hindi ikaw kaya Shoo ka na" Untag ko kay Kuya. 

"Oy! Kuya mo pa rin ako at bahay ko rin to kaya pupunta ako kahit saan ko gusto at kakausapin ko kahit sinong nakatungtong dito sa bahay ko. Ok?" Sagot naman nya sa akin sabay lakad na paalis, pero bago pa sya tuluyang makalayo ay may sinabi pa syang nagpagulo nanaman sa nananahimik ng si Jade. 

"Kunwari pa, naglalaway rin naman sa akin." Untag ni Kuya sabay akyat na papunta sa kwarto nya. 

Paglingon ko kay Jade ay kunot na kunot na ang noo nya at pulang pula ang mukha nya, yung tipong susugod na talaga sya kung hindi lang sya nahawakan nina Bryan haha. 

"Woi! Ano ba! Wag ka ng maginit jan. Patola lang talaga kasi si Kuya, pero wag kang mag alala, kampi tayo hihi." Untag ko sa kanya. Totoo namang kampi kami dahil bully talaga yang si Kuya. 

Huminga sya ng malalim at pumikit, matapos non ay umupo na ulit sya. 

HInarap ko na ulit ang losperade at nakakunot nanaman ang noo nila sa akin. 

"Ano na naman??? Di pa ba tayo tapos sa sermon?? Gutom na ako huhu" Kunwaring hagulhol ko. 

"Wag mo kaming iligaw Lizz! Maraming oras namin ang sinayang mo!" Sigaw ni Lovely sa akin.

Playful Faith (FLS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon