Chapter 1

244 95 92
                                    

Chapter 1

New School, New classmates.

-----------------------

Lizz Thorn's POV 

Nagiimpake na kami ngayon nina Kuya Lance dahil lilipat na kami ng maynila. Actually nagtataka talaga ako eh, ok naman kami dito sa probinsya ng Tayabas, at saka dalawang taon nalang matatapos ko na ang high school tas saka saka pa kami lilipat. Hayss ang gulo talaga ng mga magulang ko. 


"Yaya, diba sabi mo wala kaming kamaganak dito, meron ba kaming kamaganak sa Maynila kaya kami lilipat don?" Sabi ko kay Yaya. 

"Iha, ang mga magulang mo ay napaka masikreto pagdating sa pamilya nyo. Hindi ko alam kung may iba pa kayong kamag anak, pero simula ng mamasukan ako sa kanila, walang nabisita sa kanila na kahit sino na hindi para sa trabaho" Hays, ang aarte ng mga magulang ko kainis! Napakapamysterious! 


Kami ang pamilya Martinez, marami kaming negosyo sa maynila at sa ibang bansa pero pinili ng mga magulang ko na dito kami manirahan sa Tayabas, at dito rin kami pag aralin ng kapatid ko na si Kuya Lance Elliot Martinez. Then suddenly nagdesisyon sila na lumipat sa Maynila at dun na raw kami mag aaral ni Kuya. Siguro kaya rin kami lilipat kasi magcocollege na si Kuya. 


Ang parents ko ay sina Lorenzo A. Martinez at si Rose Nadila S. Martinez. Hindi maganda ang relasyon ko sa parents ko hindi dahil sa masama ako o tamad akong mag aral, pero kasi lagi silang wala dito dahil sa negosyo nila. Kapag naman nandito sila eh palagi rin naman silang busy kaya ayun, medjo wala kaming bonding as a family. Pero keri lang naman sakin, at saka lilipat na kami ngayon ng Manila, baka doon mas marami na kaming oras na magkakasama. 


Patapos na kaming mag impake ni yaya ng pumasok si Kuya sa kwarto ko. "Lizz, tapos na ba kayo?" sabi ni Kuya. 

"Hindi ba obvious kuya? Kung medjo malabo na ang mata mo eh Oo, tapos na kaming mag impake. Aalis na ba tayo?? " hilig kong asarin si kuya kasi lagi syang palatanong haha. 

"Ikaw talaga! Napakamapangasar mo porket Thorn ang pangalan mo! HHAHAHA.." At humagalpak nanaman sya sa katatawa kasi namumula na ako sa inis ngayon. Oh well tama kayo ng narinig, may Thorn sa name ko. Lizz Thorn A. Martinez ang full name ko. Ewan ko ba kina Mommy at Thorn ang pinangalan sa akin. Well sabi naman ni Kuya, kaya daw Thorn eh kasi marami ng Rose ang name, kaya yung Thorn naman ang ginamit nila. Nakakaiinis! Lagi tuloy akong naaasar ng mga people. Kainis! " Hahahahaha,  Lizz, haha, halika na sa sasakyan, ipapabuhat ko na yang mga gamit mo ng makaalis na tayo"  

"Ewan ko sayo! bala ka jan!" Napakamapangasar talaga ng hayop! Pero kahit mapangasar syang ganyan, medjo pabor din sa akin yon Haha, kasi kapag nangaasar sya, magtatamputampuhan ako tapos ibibili nya ako ng napakaraming V-cut na chichiriya pang peace offering haha. 

Agad akong naglakad pababa, pumasok sa kotse at humiga sa buong seat sa likod. Nakaharap ako sa sandalan para mas mafeel ni kuya yung tampo ko haha. Narinig kong bumukas na yung pintuan sa front seat kaya pumikit na ako tas kunyari nahikbi HAHA. 

"Oy Lizz, sorry na, Ito naman simpleng biro lang yun eh. Wag ka na magtampo kay kuya, ibibili nalang kita ng V-cut, kahit ilang gusto mo. Oy, sorry na" niyuyuyog nya yung likod ko habang sinasabi nya yan. 

Agad akong humarap kay kuya "Talaga kahit ilang gusto ko!?" OMG OMG OMG V-cut is lifeee.

 "Oo na, kahit ilan, basta itago mong mabuti at wag na wag kang magpapahuli kundi yari ako." OMGGGGG love love love. 

Playful Faith (FLS #1)Where stories live. Discover now