Chapter 4

111 72 93
                                    

Chapter 4

First Kiss

-----------------

Pagkarating na pagkarating namin ni Kuya dito sa bahay ay agad akong umakyat sa kwarto ko. OMG. Sinong nakakuha nung bucket list ko? OMG OMG. Sana wala nalang nakakuha. Okay Lizz. kalma. Inhale.... Exhale... 

Agad kong kinuha yung laptop ko at sinaksak sa printer. Kailangan kong magprint ng bago. Nakakainis, bat ba kasi ang careless ko. Dapat kasi hindi ko nalang yun nilagay sa wallet ko. 

Nung naprint na yung Bucket list ni Lizz  ay nilagyan ko ng check yung itry ang streetfoods at pagkatapos ay tinago ko na muna sa drawer. Tumungo na ako sa banyo at nagshower na agad. 

Few Minutes Later

Sinong nakakuha nung buckets list khoooo!!!? Wahhhh, hindi ko talaga kinakaya, okay lang naman sana kung may makakuha kung basta bucket list lang yon eh, kaso may name ko yun eh. huhu Nakakainisss. Nakakawalang ganang kumain. 

Tiningnan ko yung mga pinamili ko kanina sa mall. OMG tama, gagawin kong busy ang sarili ko, actually gabi na rin, pero aayusin ko muna ang mga gamit ko mygassss, may pasok na nga pala bukas. 

Inisa isa ko yung mga notebook na binili ko, chinecheck ko rin isa isa dahil baka nalaglag dun yung papel ng bucket list ko. Kada check ko sa notebook ay sinisilid ko sa bag. Nung last notebook nalang yung chinecheck ko may nalaglag na papel na nakasangat dun sa notebook. OMG baka ito yung bucket list ko hehe. 

Kinuha ko yung papel at binuklat. Pero hindi yung bucket list ko ang bumungad sa akin kundi isang note. See you tommorow beautiful. :)  What the heck? Sino namang naglagay nito dito? Gaman namang yung nasa counter eh pareho naman yung baba-- OMG, si Philip or si Kapal muks ang naglagay nito dito dahil sila lang naman yung malapit sakin kanina habang namimili ako. Hmm, sino naman sa kanila ang naglagay nito? Malamang si Philip, ininsulto kaya ako nung makapal na yon, kaya sigurado akong hindi nya ako tatawaging beautiful. Pero bakit may umaasa sa akin na sana sya yung naglagay nito? Ano ba yan Lizz! Tigilan mo yan. Oh well kung si Philip man ito, maybe he just want's friendship. 

Pagkatapos kong magayos ng gamit ko at icheck yung mga pinamili kong gamit ni Kuya ay lumabas na ako para maihatid sa kanya itong mga gamit nya. 

Kinatok ko yung pinto nya pero walang sumasagot. Ay bobo, wala nga pala sya, sinundo lang nya ako sa mall kanina. Binuksan ko na yung kwarto nya at pinatong sa study table nya yung mga gamit nya. Habang inaayos ko yung mga gamit napatingin ako sa isang brown envelope na may nakasulat sa likod na From JPPH Genes Collecting Services. Ano naman kaya ito? Kukunin ko na sana yung envelope ng may nagsalita sa likuran ko. Nagkibit balikat nalang ako at hindi na iyon pinansin. 

"Lizz, anong ginagawa mo jan?" Tanong sa akin ni Kuya na medjo nanlalaki ang mata at namumutla. 

"Ah nilalagay ko lang itong mga pinabili mong gamit, ayan kompleto yan hah! peace na tayo!" Sagot ko naman kay Kuya. 

Unti unti syang ngumiti, at tumingin ng diretso sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit may nakita akong lungkot don, pero agad rin iyong nawala at napalitan ng inis. 

"Oo na! Okay na tayo. Lizz, makikiusap ako sayo hah, huwag kang papasok dito sa kwarto ko kapag wala ako ah? intayin mo nalang na dumating ako kapag may kailangan ka dito. Ok? " Malumanay nyang sagot. 

Nagtaka naman ako sa sagot nya, pero tumango nalang rin ako. Lumapit sa akin si Kuya at niyakap ako ng mahigpit. Niyakap ko sya pabalik at mas lalong humigpit ang yakap nya sa akin. Medjo nagtataka na ako sa kinikilos nya, pero baka namiss lang nya ako haha. 

Playful Faith (FLS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon