CHAPTER 20: I miss you!

Start from the beginning
                                    

Pero minsan may mga pagkakataon na hindi na niya magawang hawakan ang mga kamay mo dahil ikaw mismo ang bumibitaw at lumalayo sa kaniya kaya nahihiya na rin siyang suyuin ka, kumbaga may nagbago na sa relasyon niyo. Pero sa kabila noon may mga salitang lalabas sa bibig niya na nagmula sa puso niya para maibsan ’yong takot na nararamdaman mo, kaya sana maapreciate mo.

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga sinabi niya noon. Masyado kasing malalim ang mga salitang binitawan niya.

Marami pa siyang sinabi noong araw na ’yon para lang mawala ang takot ko. Sabi niya pa nga imulat ko daw ang mga mata ko at tingnan ko daw ang kagandahan ng paligid kasi nakapikit ako noon dahil natatakot nga ako.

Sabi niya i-enjoy ko daw ’yong oras na ’yon kasama ang mga kaibigan ko, kasama siya. Dahil minsan lang daw ’yon. Cherish the moment kumbaga. Labanan ko daw ang takot ko kasi siya nakaya niya daw labanan ang asthma niya, ako pa daw kaya na wala namang asthma.

Dahil sa mga sinabi niya, nagawa ko ngang labanan ang takot. Masaya naming pinagmasdam ang mga ilaw sa ibaba. At nakita ko ang gandahan nun.

Simula noon, nawala na ang takot ko dahil sa kaniya, kaya I’m so thankful dahil kaibigan ko siya, pati si Zils kahit pinagtawanan lang nila ako ni Jeff, bagay talaga sila magsama.

At simula noong araw na ’yon, nangako ako sa sarili ko na hinding hindi ko hahayaan na makitang nalulungkot si Amira. Ipinangako ko sa sarili ko na hindi ko hahayaan na maramdaman niyang nag iisa siya.

"Oy Sandy, anong iniisip mo d’yan?" Nabalik ako sa sarili ko nang magsalita si Zils. Ngayon ko lang din namalayan na nandito na kami sa rooftop.

Umupo kami sa isang bench dito. Nasa gitna namin ni Zils si Amira.

Tumingin ako kay Amira na nakasandal ang likod sa upuan at nakapikit habang nakangiti. Ninanamnam na naman niya ang bawat pagdampi ng hangin sa mukha niya. Hindi parin siya nagbabago.

Napagdesisyunan naming hindi na pumasok ng hapon. Napasarap kasi ang kwentuhan namin.

Nasabi na rin pala ni Amira sa amin ni Zils na lolo niya pala ang may ari ng University na ito. At ’yong tungkol sa family niya at sa sarili niya.

Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan. Pati ’yong about sa pag walk out ko kanina.

Naalala ko lang kasi ’yong ex-boyfriend ko nang i-open up ni Niel ’yong about boyfriend.

Naranasan ko na kasing ma-inlove sa isang taong iniwan at kinalimutan lang ako. Nag away kasi kami noon. Then, one day nabalitaan ko na lang na naaksidente siya
tapos ako ang sinisisi ng family niya kaya inilayo siya sa akin. Nabalitaan ko na wala daw maalala si Cloud. Nagkaroon daw si Cloud ng amnesia, so it means pati ako nakalimutan na niya. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko noon, at ngayon parang sariwa pa rin ’yong sugat na iniwan niya.

Almost one year na rin kaming walang communication sa isa’t isa. Malapit na nga ang anniversary namin eh. Sa September 15, 3rd anniversary sana namin ’yon. Kaso wala naman na akong icecelebrate eh. Sa totoo lang wala talagang nangyaring break up sa amin. Basta nawalan na lang kami ng connection sa isa’t isa. Hindi ko na kasi siya macontact, ni-block na rin niya ako sa lahat ng account niya. Hindi ko na rin siya hinabol, hindi naman ako aso eh.

As of now wala na akong balita sa kaniya. The last I remember asa states siya.

I miss him.

***
Kiel's POV

I’m Kiel Tan, 17. Don’t you dare to call me by my fullname. Nakakabastos.
Sa totoo lang ako talaga ang pinakagwapo sa barkada. Oh oh wag ng umangal ha? Pagbigyan niyo na ako.

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Where stories live. Discover now