"Bakit? Kailangan niyang maturuan ng leksyon. Kailangan niyang makulong kahit bente-kuwatro oras lang!" giit ni Spade. Hindi na maipinta pa ang mukha nito.

"Dapat nga ilang buwan kung hindi lang menor de edad 'yan," dagdag pa ni Art.

"I'll be the one to teach him a lesson," sambit ni Demon.

"Bakit? Anong gagawin mo?" tanong naman ni Clover pero hindi siya pinansin.

"Pasensya na sa abala. Nasayang pa tuloy namin ang oras ninyo nang dahil sa batang iyan," paghingi ng paumanhin ni Demon sa pulis.

"Wala 'yon. It's our job," sagot naman ng isang pulis saka ngumiti. Nagpaalam na ito.

"Demon," saad ni Spade at pilit na hinuhuli ang mga mata ni Demon. Kumakabog na ang dibdib niya lalo pa't ayaw nitong sagutin ang mga tanong nila. "Hindi puwede."

"Bakit hindi puwede? Huh?" kunot-noong tanong niya saka isa-isang tiningnan ang mga kaibigan. Ngumisi ito at muling nasilayan sa mga mata niya ang napaka-blankong ekspresyon ng isang King Demon Lewisham. "It's my hobby."

***

"D-DEMON," saad ni David nang magising sa presensya ni Demon. Dahan-dahan itong bumangon at umatras hanggang sa headboard ng kama. Bumaba naman ang tingin nito sa baril na hawak ni Demon. Nang mapansin ni Demon ang takot na bumabalot kay David ay tiningnan niya ang baril saka umismid. Itinapon niya ito sa kama ni David saka umupo sa gilid nito. Nakaharap ngayon si Demon sa bintanang nakabukas kung saan tanaw niya ang kalangitan na puno ng bituin.

"If I was the old Demon, David, you'd already be crying for help," pambasag nito sa katahimikang bumabalot sa loob ng kuwarto.

"You paid people to scare Felesisima Fajardo. You're the reason why we lost our bar," dagdag pa nito. Nilingon ni Demon ang batang ito na nanginginig na ang buong katawan sa takot. "You know my past and it doesn't always have a happy ending," giit nito. "Huwag kang tutulad sa kung ano ako noon. Hindi nakakalalaki."

"Promise me that this will be your last," mungkahi ni Demon saka tumayo. "Being a jerk won't make you cool."

***

"WAAAHHHHHHH!"

Napabalikwas si Sisi at napakapit nang mahigpit sa kama. Tumatagaktak ang pawis sa noo niya at basang-basa rin ang likuran niya kahit malamig dahil sa lakas ng aircon sa kuwarto niya. Napatakip siya sa mukha at hinagod ang buhok nitong basang-basa.

Kinuha niya ang salamin sa side table at isinuot ito. Natuon naman ang tingin niya sa pahabang salamin ilang dangkal ang layo mula sa kanya. Kitang-kita niya ang sarili. Kitang-kita niya ang takot na bumabalot sa katauhan niya.

"It's a dream. A nightmare," bulong nito sa sarili saka umiling-iling para burahin ang bumabagabag sa isipan. Tumayo na ito at nagsimula sa kanyang daily routine para sa buong linggo.

***

PAGKAGALING sa simbahan ay agad dumeretso si Sisi sa bookstore na madalas niyang tambayan. Tuwing linggo ay umuuwi si Arnia sa kanila kaya hindi ito kasama ni Sisi.

"Ang aga pa, Sisi. Mukhang masipag na bata," pagbungad ng isang lalaking may kaedaran na. Abala ito sa pag-aayos ng mga libro. Binigyan niya naman ito ng ngiti at inilapag ang bag sa couch na napalilibutan ng mga libro.

"Parang hindi na ho kayo nasanay, Kuya Dado," natatawang saad niya. Mukhang siya ang unang customer sa araw na ito.

"Kung buhay pa ang mga magulang mo, siguro proud na proud sila sa 'yo. Napakasipag mong bata. Napakabait at tiyak akong maraming nagmamahal sa 'yo." Nginitian niya lang si Dado bilang pasasalamat.

The Dark Secret (Book 2 of The Devils Hell University)Kde žijí příběhy. Začni objevovat