Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

Chapter 2

113K 3.3K 1.3K
                                    

Chapter 2

NARRATOR

"KASALUKUYAN pa ring inaalam ang pinagmulan ng pagsabog sa tinaguriang bar na Kings and Queens. Labindalawang oras pa lamang ang nakalilipas nang mangyari ang pagsabog na nagdulot ng malaking sunog. Labing-anim ang sugatan kabilang na roon ang isa sa nagmamay-ari ng bar na si Demon Lewisham. Sa ngayon, wala pa namang bangkay na natatagpuan sa loob ng ilang oras na pag-iimbestiga. Ako nga pala si Aki Mercedez at magbabalik kami matapos ang ilang paalala para sa update..."

"If it's intentional, sino ang maaaring gumawa nito?" kunot-noong tanong ni Art habang nakatulala pa rin sa telebisyon. "Hindi natin maaaring pagbintangan ang mga Parker dahil una sa lahat, wala na tayong kahit ano pang koneksyon sa kanila. Wala nang dahilan pa upang gawin nila 'to sa 'tin," dagdag pa niya. Ibinaling niya ang tingin sa mga kaibigan na pare-pareho ring nakatulala sa harapan ng telebisyon sa condominium ni Art.

Napahaplos sa baba si Demon. "How about Ank and Demetrio?"

"For five years, wala kaming balita tungkol sa dalawa pati na rin sa nanay ni Demetrio. Siguro ay may kanyakanya na silang buhay," paliwanag ni Spade.

"Someone wants to kill me again."

Tumayo si Clover at napatingin ang tatlo sa kanya. "Let's visit the bar and figure it out in our own way."

SABAY-SABAY na lumabas ang apat sa magkabilaang pinto ng isang itim na Mercedes Benz. Nanatili muna silang nakatayo roon at pinagmasdan ang labas ng bar. Nagkalat ang mga pulis at ang ibang opisyales. Mayroon pang dilaw na bagay na nakapalibot sa buong bar at nakasulat ang paulit-ulit na tatlong salita.

DO NOT ENTER

"Sorry, sir, pero hindi kayo puwedeng pumasok sa loob," giit ng isang pulis na nakaharang sa pinto ng bar kaya't napatigil ang apat sa pagtatangkang pumasok.

"We are the owners and we want to see the inside," mungkahi ni Demon sa blankong ekspresyon.

"Chief!" pagtawag ni Arturo sa pulis na abalang-abala sa pag-aasikaso sa bar.

Napatigil ito at kunot-noong napatingin kay Art saka ngumiti. "Mr. Art Montenegro," sambit nito at isa-isang tiningnan ang magkakaibigan. Tiningnan niya ang pulis na nakaharang at tinapik ang balikat. "Let them in." Gumilid ang pulis para magbigay ng daan. Sabay-sabay na napabuntonghininga ang apat dahil sa nasilayan. Bagsak ang ilang mga gamit. Sira at nangingitim dahil sa pagkasunog. Mabuti na lamang at hindi bumagsak ang buong bar.

"The explosion made less damage in this part," itinuro ng pulis ang bahagi ng bar kung saan nagsasayawan ang mga customer. Sinusundan lamang nila ang pulis kung saan ito magpunta habang inililibot nila ang paningin. "While it made more damage in the kitchen," dagdag nito saka pumasok sa kusina.

"No one died?" tanong ni Clover. Imposibleng nagawa nilang makaligtas kung ganito kalala ang pagsabog.

Umiling ang pulis. "The explosion started in the kitchen, and luckily, no one was here because all of them were in a meeting," paliwanag nito. "When we checked the kitchen, someone brought gallons of alcohol which was not allowed. It caused the explosion."

"It was intentional?" kunot-noong tanong ni Spade.

"We can't say yet if it was intentional based on our examination. But when we checked the CCTV of this building, the place isn't damaged, but the CCTV cameras were not working," paliwanag ng pulis matapos makalabas sa kusina. "We checked the CCTV cameras around the bar and no one appeared suspicious the whole time until the fire started."

"It simply means that one of our employees did this," mungkahi ni Demon na kasalukuyang naglalakad-lakad sa loob ng bar at inaanalisa ang mga gamit na nasira. "We're going to interview each of your employees later to capture the culprit," dagdag ng pulis. Hinatid na ng pulis ang mga ito palabas.

The Dark Secret (Book 2 of The Devils Hell University)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon