TAMING 46: BABY NATHANIEL

21.3K 366 8
                                    

*** 1 one a half year has passed after the wedding.

-----

THIRD PERSON'S POV

Nagmamadali sa pagligo si Kurt dahil sa panay na pagsigaw nang kanyang asawa mula sa labas nang banyo.

" Ano ba Kurt ! Ang tagal tagal mo ! Bat ba kase tinanghali ka nang gising ! "-Inis na sigaw ni Alexis.

Gusto sanang sabihin ni Kurt na dahil sa kanya kaya tinanghali na ito nang gising. Kasalukuyang tatlong buwang buntis na si Alexis at tuwing madaling araw ay naghahanap ito nang kung ano ano na kapag hindi kinuha ni Kurt o binili ay nagwawala.

" Eto na po ! magbibihis na ako antayin mo na lang ako sa sala ! "-Sigaw naman ni Kurt mula sa banyo.

Nakabusangot na mukha na bumababa si Alexis at sumalampak sa sofa nila. Hinimas niya ang tyan niya na bahagyang nakaumbok na at napangiti.

" Excited na akong maging mommy "-Bulong nito sa sarili.

Nakasuot nang gown na kulay lavander si Alexis dahil siya ang maid of honor nang kanyang matalik na kaibigan na si Ingrid na ikakasal na mamayang hapon.

Napatingin siya sa pinto nang may narinig siyang marahan na pagkatok. Nagtataka naman siya kung bakit hindi na lang ito nagdoorbell.

Agad na tinungo naman iyon nang kanilang kasambahay at binuksan ang pinto. Sumilip siya para malaman kung sino iyon pero wala naman tao. Napatayo siya nang may narinig siyang pag iyak nang isang bata.

Agad niyang tinungo ang pinto nang napansin niyang may malaking basket sa tapat nito habang ang kanyang katulong ay inalalayan siya sa paglapit.

Parang may humaplos sa puso niya nang makita niya ang isang sanggol na kasalukuyang umiiyak sa loob nang basket na kinumutan nang bimpo. Sa tingin niya ay mga nasa tatlong buwang gulang pa laman ito.

" Maam may Baby ! "-Gulat na sigaw nang kasama sa bahay.

Lumuhod si Alexis at kinarga ang bata at inugoy ugoy hanggang sa tumigil ito sa pag iyak. 

" Maam san po kaya galing yan ? At iniwan dito sa tapat nang bahay niyo pa Maam ? "-Ani Nang katulong.

Hinaplos ni Alexis sa mukha ang batang hawak at ngumiti. May isa siyang anghel na hawak hawak , yan ang naisip ni Alexis habang patuloy sa pagugoy nang bata.

Taming my Gangster WifeOnde histórias criam vida. Descubra agora