TAMING 38: HER BIRTHDAY

16.9K 281 7
                                    

Hello ! Baka twice a week na lang ako or once makapagupdate. May pasok na po ang Lola niyo ~ ahehehe ~ College po aketch :))  Keep voting and commenting po ah ? salamats ! :)))

----------------------------

FRANCHESCA'S POV

" Maam anung color po gusto niyong theme ? "-Organizer

" Black and white "-Sagot ko.

 Lumapit naman sa akin ang hired fashion designer ni Mama.

" Miss Franchesca susukatan po namin kayo "-Designer

Tumango na lang ako at tumayo mula sa pagkakaupo ko at sinimulan na nila akong sukatan. Pinakita din ang sketch nang talong gown na susuotin ko. OO tatlo sabi kase ni Mama.

Kung di lang nakiusap si Mama hindi talaga ako papayag dito eh.

2 days from now ay birthday ko na. Gaganapin ito sa isa sa mga hotels nila Kurt dahil nagmerge na nga ang companies namin.

Inutusan ko ang isa naming kasama sa bahay na magdala nang meryenda. Nandito kami ngayon sa bahay namin ni Kurt pinagplaplanuhan namin,  este sila pala yung gaganapin na party. Oo lang ako nag oo.

Wala akong pasok ngayon baka sabihin niyo hindi nanaman ako pumasok.

Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito. Dumating na pala si Kurt. Nasa sala kasi kami, umalis kanina si Kurt para puntahan ang parents niya.

Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.

" Ayos na ba lahat ? "-Tanong ni Kurt sa akin.

Lumapit sa amin ulit yung fashion designer.

" Susukatan din po kayo Sir Ivan "-Designer

Tumango naman si Kurt at tumayo. Sinimulan na siyang sukatan.

Taming my Gangster WifeWhere stories live. Discover now