TAMING 42: ALEXIS

17.3K 310 12
                                    

FRANCHESCA'S POV

Ngayon ay nakatitig ako sa dalawang tao sa harap ko. Kapwa kami nagpapakiramdaman kung sino ang unang kikilos. Wala kang maririnig na kahit anong ingay tanging ang paghinga at buntong hininga lang namin ang maririnig.

Hinigpitan ko ang hawak ko sa katana at lalagyan nito at sumulyap ako sandali kay Kurt.

Hindi maaring magtagal pa kami dito. Baka kung ano pa ang tinurok nila kay Kurt na nakatulalang nakatingin pa rin sa kawalan. I hate this. I hate seeing him like this.

Agad kong tinuon ang atensyon sa dalawa nang makarinig ako nang paggalaw.

Gamit ang cover nang katana ko ay sinalag ko ang hinagis na tatlong dagger ni Krisshia sa direksyon ko at gamit naman ang katana ko ay umatake ako sa direksyon ni Vince.

Sa lakas nang imapact nang katana ko pagtama sa katana niya ay bahagya siyang napaatras, sinamantala ko naman ang pagkakataon na iyon at sinipa ko siya sa sikmura nang malakas.

I made a 360 turn at sinangga kong muli ang pagpapaulan ni Krisshia nang dagger sa akin kasabay nang paglapit ko sa kanya. Nang malapit na ang distansya ko sa kanya ay sinubukan niya akong sipain. 

Hinagis ko sa ere ang cover nang katana ko at malakas na tinapik ang paa niya sa ibang direksyon at ako ang sumipa sa kanya kasabay nang pagsalo ko sa cover nang katana ko.

Napaigik siya pero agad na bumangon. Nakita ko ang pagtingin niya sa likod ko kaya bahagya akong tumagilid at pinwesto ang aking katana palihis sa direksyon ko, saktong pagtama nun sa talim nang katana ni Vince na nasa gilid ko.

Agad ko ding napansin ang muling pasuntok ni Krisshia kaya agad akong umupo at umalis sa pwesto ko kaya si Vince ang natamaan niya.

" What the Hell ! "-Vince

" Paharang harang ka kase ! "-Krisshia

Nang mukhang naalala nilang nandito pa ako ay mabilis silang sabay na sumugod sa akin. Tadyak at sipa ang ginagawa ni Krisshia at aatake naman si Vince pag may pagkakataon. Ganun kami nang halos 30 minuto hanggang sa hiningal kaming naglayo.

Nakapwesto akong muli sa harap ni Kurt nang nakatalikod at nasa harap kong muli sila. 

Nagpapasalamat ako na matibay ang stamina ko kung hindi ay kanina pang bumigay ang katawan ko. Kahit nagawa akong mabugbog ni Krisshia ay nakakaya ko paring makipagsabayan sa kanila.

Ilang beses na akong muntik masaksak ni Vince mabuti na lamang ay maliksi akong kumilos kaya damit ko lang ang natatamaan na punit punit na ngayon. Tss

Hinahabol namin ang hininga namin. Nanghihina na ako pero kinakaya ko pa rin. Nagaalala na din ako para kila Ingrid.

Taming my Gangster Wifeजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें