TAMING 25: INGRID'S ADVICE

22.1K 376 7
                                    

FRANCHESCA'S POV


Kakaalis ko pa lang sa tambayan at dumiretso na ako sa pinagpark ng motor ko.

Pagkalapit ko dito ay sinuot ko ang helmet ko at pinaandar ko na agad ito.

Kanina pa tong nararamdaman ko eh. Parang may sumusunod sa akin.

Nagkibit balikat na lang ako. Nakalabas na ako ng gate ng school at malapit na ako sa amin ng may humintong itim na van sa harap ko mismo. Mabuti na lamang ay agad ko tong napansin kundi sumalpok na ako dun.

Sabi na nga ba.

Bumaba si Vince galing sa van.

" Hoy ! Fire ilabas niyo si Claire ! "- Vince

Ang galing ah. akala mo kung sinong siga lang.

Tinanggal ko ang helmet ko at tiningnan ko siya ng diretso sa mata.

" Mukha ba akong Lost and found ? Hanapan ng nawawalang Aso ? "- Nangaasar na sabi ko.

Tumawa pa ako ng mahina para mas mainis ng lalaking ito.

Pasimpleng kong kinapa ang suot kong bracelet at pinindot ang red na dot doon. Ibig sabihin ay may Laban.

Imbento to ni Rain isang means ng communication namin. Si Rain ang mahilig sa technology sa amin eh. Dalawang kulay ang meron nito. Red at Blue na parang design lang. Lahat kami may ganito.

RED- May laban nasa sayo kung gusto mong bumack up.

BLUE- May laban at need ng back up.

May tracking device din to para matunton kami kung nasang lokasyon.

Nakita ko ang pagsenyas ni Vince sa may Van. May mga kasama ito.

Wala akong dalang kahit anong armas ko. Samantalang nakikita ko na may dalang baseball bat ang bawat bumababa sa Van. Mga nakangisi sila sa akin.

Nilibot ko ang mata ko. Hindi parin kase ako umaalis sa motor ko. Baka magasgasan to. Psh

Pumalibot sila sa akin samantalang si Vince ay bumalik sa Van.

" Kayo nang bahala diyan. Kailangan nating mahanap si Claire "- Vince

At umalis na ang Van.

Pano kaya nila nalaman na nabuking na namin si Claire. Tsk di bale.

Taming my Gangster WifeWhere stories live. Discover now