TAMING 44: AWAKEN

19K 345 10
                                    

IVAN KURT'S POV

Marahan kong dinampi sa maamong mukha ni Alexis ang basang bimbo na hawak ko.

5 buwan. 5 buwan nang nakahiga si Alexis dito at hindi pa gumigising.

Pero hindi ako sususko. I still believe na gigising siya. I will never give up. There's still a chance. Kahit 0.00001% ang chance na gigising siya ay kumakapit pa rin ako. 

 

" How is she ? "

Nilingon ko ang nagsalita na umupo sa sofa dito sa kwarto ni Alexis.

Si ken.

 

" Okay lang. ganun pa rin "

Maayos ang pakikitungo ko sa kanya kahit umamin na siya sa aking mahal niya din si Alexis. Utang pa rin namin sa kanya ang pagtulong niya samin noon.

Napabuntong hininga ako. Ganto na ang naging routine ko simula nang macomatose si Alexis. Kakain , magbabantay at maliligo. Ako din ang personal na umaasikaso sa kanila.

Bakasyon na ngayon. Mabuti na lamang ay pumayag ang university na huminto muna kami at ipagpatuloy na lang sa susunod na summer ang mga kulang naming requrement for this sem.

Tumayo ako at dinala sa banyo ang planggana at bimpo pagkatapos ay bumalik ako at tumabi kay Ken.

" Gigising yan "-ken

Ngumiti ako sa kanya at tumango.

" Alam kong gigising siya "

Nagtagal nang ilang oras si Ken at nagpasya na ding umalis.

I glance at the walk clock here. 3pm pa lang pala.

Laging dumadalaw sila Ingrid dito. Paminsan minsan ay dito pa natutulog. Alexis our lucky to have this kind of friends.

Tumayo ako at umupo sa upuang nakatabi sa kamang kinahihigaan ni Alexis. Nabawasan na ang mga nakakabit sa kanya pero meron paring ilang natira.

Taming my Gangster WifeWhere stories live. Discover now