Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Chapter 1

144K 3.7K 1.9K
                                    

Chapter 1

NARRATOR

"AN accident?" hindi makapaniwalang tanong ni Spade. "It's intentional," giit nito at isa-isang tiningnan ang mga kaibigan sa loob ng kuwartong kinalalagyan ni Demon. "That bar was built two years ago. Sa dami ng taong bumibisita sa bar, imposibleng nagkataon lang na sa araw na ito magkakaroon ng pagsabog. Sa mismong araw pa ng homecoming party ni Demon," inis na dagdag pa niya.

"You're being irrational, Spade. Hindi na tayo tulad ng dati kung saan lahat ng tao sa paligid natin ay pagtatangkaang gawan tayo ng masama," mungkahi ni Arturo.

Nakatayo ito habang nakasandal sa pader malapit sa pinto. Si Spade naman ay nakaupo sa sofa na 'di maipinta ang mukha, samantalang si Clover ay nakaupo sa monoblock chair at naka-krus ang mga binti. Si Demon naman ay tulala lamang at deretso ang tingin sa puting pader. Nakaupo ito sa hospital bed at may benda ang kaliwang kamay.

"Pareho kayong may punto. Maaaring sinadya ang pagsabog sa bar. Maaaring aksidente lang. At isa pa, walang kinalaman ang nakaraan natin sa nangyayari ngayon," giit ni Clover.

"Mayroon. Hangga't nabubuhay pa ang mga Parker," saad naman ni Spade. Napasinghal lamang sina Clover at Art dahil sa katigasan na naman ng ulo nito.

"Have you seen her?" tanong ni Demon sa kalagitnaan ng pag-uusap nila. Kunot-noo siyang tiningnan ng mga kaibigan.

"Sino?" sabay-sabay na tanong ng tatlo.

"Devi."

"Are you delusional? Devi is dead," giit ni Spade.

"I saw her. She saved me."

"Hindi kaya nabagok ang ulo mo?" kunot-noong tanong ni Art. Tiningnan niya sina Spade at Clover at nagkibit-balikat lamang ang mga ito.

"My heart will never be wrong."

"DEMON, hindi ka pa puwedeng umalis. Hindi ka pa magaling," wika ni Art habang pinanonood si Demon na isinasara ang butones ng polo matapos hubarin ang hospital gown.

"I have to check the CCTV," giit niya. Hindi alintana ang benda sa kamay. Wala na siyang pakialam. Gusto niyang masiguro kung tama ang hinala niya.

"Para saan? Para alamin ang pinanggalingan ng sunog? O para mahanap 'yong babaeng iniisip mong si Devi?" sunod-sunod na tanong ni Spade na wala ring magawa upang pigilan si Demon. "Demon, you're just hurting yourself again. Mas lalo mo lang pinapaasa ang sarili mo. Kailanman ay hindi na mabubuhay ang patay at alam natin 'yon!"

Huminga nang malalim si Demon at isa-isa silang tiningnan. "Remember what happened to my parents? Akala natin patay na sila pero hindi, 'di ba? Kaya posibleng hindi pa rin patay si Devi. Someone might have kept her like how they kept my parents from me."

"Kung ganoon, hindi ba mas makabubuting hayaan na lang natin? Tulad nga ng sinabi mo, parang katulad lang ito ng nangyari sa mga magulang mo. Parang nauulit lang ang lahat. Maaaring gamitin din nila ito para patayin ka kaya tama ako, sinadya ang pagpapasabog sa bar. Bumabalik lang ang lahat sa dati," mungkahi ni Spade.

"That's why we need to get her! Mas maaga, mas maganda. Mas maililigtas ko siya," pagmamatigas nito hanggang sa tuluyan na nga itong nakalabas ng kuwarto. Pumasok naman ang isang nurse sa loob at takang-taka ito. Akmang susundan na ni Spade si Demon nang pigilan siya ni Clover.

"Just let him," kalmadong saad nito. "Love makes us crazy."

"TEKA!" Nang dahil sa sigaw ni Demon ay napapindot sa kaliwang bahagi ng mouse ang taong nasa harap ng kompyuter na kumokontrol sa paggalaw ng mga eksenang nakuha sa CCTV sa labas ng bar. Nakatayo ang apat sa likuran nito at tutok na tutok ang mga mata sa pinanonood.

The Dark Secret (Book 2 of The Devils Hell University)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon