2

126 27 18
                                    

"Gotcha!"

Parehas kaming hingal na hingal nang maabutan niya ako. Nakarating na pala kami sa veranda. Nakasandal ang likod ko sa railings noon habang nakakulong ako sa kanyang mga bisig. Napakapit ako sa kaniya. Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin ngunit hindi ko magawang suklian iyon. Pakiramdam ko ay mauubusan ako ng lakas. Pakiramdam ko ay oras na tumingin ako sa kanyang mga mata'y unti-unti akong malulusaw.

Walang silbi ang malamig na hanging umaalpas sa aking mga balat para matumbasan ang kakaibang init na nararamdaman ko sa aking katawan. Pakiramdam ko magha-hyperventilate na ako.

"Kaizer..." sambit ko sa pangalan niya. Umungol lang siya. Naramdaman ko ang paglapat ng noo niya sa noo ko. Napapikit ako sa sensasyong nararamdaman ko. Ilang sandali pa kaming nasa ganoong posisyon bago siya lumayo. Idinilat ko ang aking mata at tumitig sa kanya pagkatapos.

"I missed you, Althea," masuyo niyang sabi.

"I..."

"Hmm..."

"I... I missed y-you too, K-kai."

Ramdam ko na naman ang mga naghahabulang daga sa dibdib ko at ang tila nagpa-party na kulisap sa sikmura ko. Rinig na rinig ko ang pagsigaw ng puso ko sa pangalan niya... Sigaw na tanging ako lamang ang nakakarinig.

Yes, I love this guy.

I've been loving this guy for how many years now. And I hate it because I feel illegal again. I hate it because I shouldn't be loving him. I hate this feeling because this is unrequited.

Matalik na magkaibigan kami ni Kai. Apat na taon na ang nakalilipas nang magkakilala kami sa isang bar kung saan may gig ako noon. Third year college pa lamang ako nang mga panahong iyon. Siya naman ay nasa ikalimang taon sa kursong Civil Engineering. Magkaiba kami ng school na pinapasukan kaya naman hindi rin ako familiar sa kaniya kahit parehas kami ng kinukuhang kurso.

Mag-isa siyang nakaupo sa isang sulok at nagpapakalunod sa alak. Halata namang may problema siya.

Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi na mawala ang atensyon ko sa kanya buhat nang makita ko siya roon. Hindi ko rin alam kung anong naisipan ko nang mga panahong iyon kaya nilapitan ko siya.

'What do you want? I don't have time for another game miss. Find another victim. I am not a game that you should play.'

Naalala ko pa ang sinabi niya sa akin noon. Kahit na itinaboy niya pa ako nang ilang ulit ay hindi ako umalis. Dinamayan ko siya. Napag-alaman ko na niloko siya ng girlfriend niya. Pinagpalit siya sa mas sikat at mas mayaman. Hindi ko maintindihan ang naramdaman ko noon. Kahit hindi kami magkakilala ay nasaktan din ako para sa kanya. Pakiramdam ko ay ako ang iniwan. Pakiramdam ko ay ako ang pinagpalit sa iba.

He got drunk that night. At wala siyang ibang bukambibig kundi kung gaano siya kabigo sa babaeng minahal niya. Hanggang sa may isang babae na bigla na lang sumulpot at sinundo siya. Si Brighid iyon. Ang girlfriend niya. Ang sinabi niyang nanakit sa kanya. Ang sinabi niyang nanakit sa kanya.

Gusto ko siyang ipagtanggol nang mga panahong iyon... ipagdamot. Pero syempre... wala na akong nagawa. Sino ba naman ako sa buhay niya?

After that night, hindi ko na siya uli nakita. Ilang buwan din akong umasa na babalik siya sa bar na iyon pero na-disappoint lang ako. Hindi siya bumalik.

Until one night, nakita ko uli siya. Sa parehong lugar. Sa parehong sitwasyon nang una ko siyang makita. At sa parehong dahilan. Niloko na naman siya ni Brighid.

At first... I tried to resist myself para lapitan siya. Pero natalo ako ng nararamdaman ko. I could still remember that night.

Hindi pa ako nakakalapit nang husto nang mapansin kong nakatitig na siya sa akin. Bakas ang pagkalito at pagkamangha sa mukha niya. Dahil doon ay kinabahan ako. At napagdesisyunan kong huwag nang tumuloy.

I turned away from him.

✔️ A Vow Of SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon