1

236 33 34
                                    

Ninanamnam ko ang malayang hangin na pumapasok mula sa nakabukas na sliding door papuntang veranda habang patuloy ako sa pagre-rehearse. Mas lalong nadagdagan ng lamig ng panahon ang emosyong nararamdaman ko. Hindi ko alam pero sa tuwing tutugtugin ko ang kantang ito ay parang nagyeyelo ang puso ko. Ilang beses ko nang kinakanta at tinutugtog ang pyesa pero laging parang unang beses pa rin talaga. Sariwa pa rin ang lahat ng alaala.

Ang bilis talaga ng panahon. Ilang oras na lang ay magpapalit na naman ng taon. Ilang oras na lang din ay magsisimula na ang gig namin. Nakaugalian na kasi naming magkaroon ng mini concert as a tribute sa mga tumatangkilik sa aming banda tuwing New Year. Isa pa, paraan na rin namin iyon para i-celebrate ang bago na namang simula.

New year... New beginnings...

Nasa bandang bridge na ako ng kanta nang isang pamilyar na boses ang magpatigil sa akin.

"You always wanna do it alone, huh?" nakangising bungad niya nang malingunan ko.

Mataman ko siyang tinitigan. He has perfectly-toned body... mula sa malapad niyang balikat hanggang sa pag-flex ng kanyang mga braso. Isama mo na riyan ang abs niya na halatang-halata dahil sa pagkakahapit ng puti niyang t-shirt, ang mapupungay niyang mga mata, mapulang mga labi, ang makapal niyang kilay, at pati na rin ang kumikislap na diamond-studded earing niya sa kaliwang tainga. Lagpas anim na talampakan ang tangkad niya at may kayumangging balat. To wrap it all, the guy in front of me is a Drop-dead gourgeous hunk.

Para akong biglang nawala sa sarili. Natauhan lang ako nang mamalayan kong nasa harapan ko na siya.

"Bakit mag-isa ka na naman?"

"K-kai..."

"Sabi ko naman sa iyo, sumama ka na lang sa banda kapag rehearsals."

"Mas gusto ko'ng mapag-isa. Saka tapos naman na yung talagang rehearsal as a band. I'm just having fun."

"Fun? Eh, mag-isa ka kaya? Nasaan ang fun doon?"

"Basta, masaya ako. Bakit ba mas marunong ka pa sa akin? Saka, anong ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok?"

Ipinakita niya ang panda keyholder na bigay ko. Oo nga pala. May duplicate key siya sa condo ko. "I'm just checking on you. Ang tagal din nating hindi nagkita."

"Dapat ko na sigurong bawiin 'yan. Ang creepy mo. Bigla-bigla ka na lang sumusulpot."

Agad niyang ibinulsa ang susi nang akmang kukunin ko iyon sa kanya. "No way. Ibinigay mo na ito. Walang bawian." He stucked out his tongue. Pft. Parang bata.

"Fine."

"Don't you miss me?"

Hindi ko sinagot ang tanong niya at umiwas ng tingin. Itinuon ko ang atensyon ko sa gitara. Pinilit kong iwaksi ang kakaiba na namang emosyon na namumuo sa akin.

"Oh, bakit ito-tono mo pa 'yan? Ayos naman yung tunog, ah?" Hinawakan niya ang kamay ko nang akmang pipihitin ko na ang tuner. Parang may kuryente namang biglang dumaloy doon kaya agad ko iyong binawi.

"A-ah, para kasing may hindi tama kanina."

"Saan banda?"

"Sa may... sa may... chorus? Oo. Tama, sa chorus nga. Doon 'yung may mali."

Napakunot ang noo niya at parang hindi naniniwala sa sinabi ko. Tinaasan ko siya ng kilay as if asking him kung anong problema. Umiling lang siya at saka ngumiti sa akin. Umupo siya sa mahabang navy blue sofa pagkatapos ay tinapik ang isang banda noon. Ibig sabihin ay pinapatabi niya ako sa kanya.

"Ano ba kasi talagang ginagawa mo rito? New year na new year may hihingin ka na namang pabor sa akin, ano?" tanong ko nang makaupo

"Wow, what a warm welcome! Ang tagal kong nawala, ah? Ba't ganyan ang salubong mo sa akin? Come on, Althea!"

"And so? Just answer me."

"Hindi mo ba ako na-miss?" pambabalewala niya sa tanong ko. Hindi ko sinagot ang tanong niya at tinitigan lang siya. "Aww... hindi ako na-miss ni baby Althea."

Napairap ako. Yeah, right! Nagpapa-cute na naman siya. "Kaizer Lione Ruiz De Peralta, kakabigay mo lang nitong gitara ko no'ng nagdaang pasko, ah. Huwag mong hintaying masira ito agad dahil sa paghambalos ko sa iyo," pagbabanta ko sa kanya.

"You can do that? Are you sure?" he asked me smirking.

"Yes! Are you daring me?"

Nabalot ng halakhak niya ang apat na sulok ng studio room ko. Heto ako at naiinis sa kanya pero parang tuwang-tuwa pa siya? Kinagat ko ang aking ibabang labi sa pagpipigil ng inis.

"Althea Nicole Alivia Perez, ang cute mo talaga kapag nagsusungit ka. Namumula na naman 'yang pisngi mo. Payakap nga!" natatawa pa ring sabi niya at ambang yayakapin na ako. Tumayo ako kaya naman imbis na mayakap ako ay nahulog siya sa sofa. "Aray ko naman Althea!" reklamo nito.

"Kasalanan ko ba kung lampa ka? Buti nga sa 'yo," natatawang sabi ko sa kanya. Itinabi ko ang gitara ko at saka tumakbo palayo. Hinabol naman ako ni Kai.

"Lagot ka sa 'kin kapag nahuli kita!"

Para kaming mga bata na naghahabulan. Paikot-ikot kami sa loob ng silid. Walang ibang naririnig kundi ang halakhakan namin. Para bang wala kaming pakialam sa mundo. Maging ang kalungkutang nadarama ko kanina ay biglang natabunan ng saya nang dumating siya.

Hindi ko alam kung bakit gano'n ang epekto niya. Kaya siguro ako nananatiling hibang... nagpapakatanga sa kanya.

✔️ A Vow Of SilenceWhere stories live. Discover now