CHAPTER 40: WHATEVER IT TAKES

80K 3.8K 3K
                                    

Chapter 40: WHATEVER IT TAKES

DAIG KO PA ang isang detective na nag-iimbestiga. I pinned some papers on the cork board and connected each using a yarn.

Ang puno't dulo ay si Elpidio Moran na gumawa—no mali, ninakaw ang robot ni Trapezoid Bermudo at ginamit ito. The robot was known as Brenda Moran. I just can't get over the fact that Brenda isn't human and Triangle isn't Bunny. Ang kawalang-hiyaang ginawa ni Moran ay naging sanhi ng economic depression sa 3rd Ward at kung ano mang anomalya sa Foster.

Ngayon ay mas naging kumplikado ang lahat. Wala na sa katawan ni Brenda ang memory chip—which Triangle said that it's the most important part. Naroon ang lahat ng command, saved data, at programs ni Brenda.

Bigla kong tinalikod ang corkboard nang bumukas ang pinto.

"Kitten!" masiglang tawag ni Gon at may dala siyang bowl na naglalaman ng hard-boiled eggs. Feel na feel niya ang pagtalon sa kama ko at nagsimulang kumain ng itlog.

"Nakabalik ka na pala," wika ko at iniayos ang mga gamit. "How do you feel?"

"Ayos lang, komportable naman ako sa kwarto ni Boy Mariano," wika niya at iniabot sa akin ang itlog na binalatan niya.

Agad ko iyong tinanggap at sinimulang kainin. "Bakit hindi ka na lang lumipat ng dorm? Mas komportable siguro roon—"

He shot me a glare kaya sinubo ko na lang nang buo ang natitirang itlog.

"Ayoko nga, Kitten," sagot niya. "Isa pa, para na rin maisip na ng school director na gawing pantay na ang bawat dormitory. Pero kung gaano katigas ang ulo ko, doble yata ang tigas ng kay Tita Marie."

"Oh, so, sa kanya mo namana ang katigasan ng ulo mo?" tanong ko at kumuha ng itlog na hindi pa nababalatan.

Gon grinned. "Saang ulo ba, Kitten? Sa taas o sa baba?"

Eh? Ano raw—what the! Binato ko siya ng itlog at tumama iyon sa ulo niya. "You pig!"

Tumawa siya at kinuha ang itlog na nag-crack sa ulo niya. "Hindi ka naman mabiro, Kitten." Tumawa nang malakas si Gon at napatitig ako sa kanya. Sumagi sa isipan ko ang sinabi ni Tatsulok. Kung naaalala kaya niya ang nangyari, fourteen years ago, makakatawa kaya siya na tila ba wala siyang problema?

For now, I think I need Trench to help me figure some things. I grabbed my hoodie and dashed towards the door.

"Hep, hep, hep!" tawag ni Gon. "Saan ka pupunta?"

"I have some important matters to discuss with Trench," wika ko at tumalikod ngunit pinigilan niya ulit ako.

"Hep, hep!" pigil niya ulit sa akin.

"Ano?!" Iritado akong lumingon.

"How about dinner?" He grinned like crazy.

"You can eat my share," sagot ko at humakbang na ngunit pinigilan na naman niya ako.

"Hep, hep!"

I closed my eyes and gritted my teeth before facing him with an annoyed face. "Ano na naman ba?"

He raised both arms na may hawak na itlog sa magkabilang kamay. "Hooray!" Tumawa siya nang malakas at nilamon ang itlog. Baliw talaga. Argh!

Agad akong umalis ng dorm at nagtungo sa stadium kung nasaan ang lab ni Trench. Hindi ko na kailangang kumatok dahil bumukas ang pinto at lumabas si Trench.

"Gallego," wika niya nang makita ako.

Nagulat ako sa sinabi niya. He opened the door widely at niyaya ako sa loob. Agad naman akong pumasok at naupo roon.

RUN FOR YOUR LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon