CHAPTER 20: ANTIDOTE?

69.6K 3.9K 591
                                    

Chapter 20: ANTIDOTE?

"PENTAGON, kapag ba pinadukot ko sa mga alien yung kambal mo, magagalit ka ba sa akin?" tanong ko kay Gon na nasa tabi ko. Hindi ko siya tiningnan dahil nakatingin ako sa malayo. I frowned when he didn't answer. "Alright, I won't call you Pentagon. Pero ano nga, magagalit ka ba?" I mentally rolled my eyes when still he didn't respond. "Sige na nga, wag na lang sa aliens, how about zombies?"

Naiinis pa rin ako sa kanya dahil sa nangyari at lalo na kay Brenda!

Nang hindi pa rin siya sumasagot ay nakangiwing tiningnan ko siya. Ngek, tulog ang mokong. Bahagya pang nakanganga ang bibig niyang nasa braso niya sa mesa

Nakarinig ako ng pagtunog ng cellphone ko kaya agad ko iyong tiningnan at nagtataka nang makita ang isang numerong hindi pamilyar sa akin. I don't normally answer anonymous calls kaya muli kong tinago ang cellphone sa bag at ginising si Gon para umuwi.

Gaya ko ay tumayo rin siya at sinukbit ang bag sa likod. Parehas kaming nagulat nang mabungaran namin si Trench sa may pinto.

"Yow, Boy Mariano," bati ni Gon sa pinsan at sinakal ito gamit ang braso.

"Meet me tonight 7pm at Hellevator Dormitory dahil may pag-uusapan tayong importante," wika niya at muling ibinalik sa pinsan ang paningin. He nodded at him as if saying goodbye at walang sabi-sabing tumalikod at umalis.

"Bye, Boy Mariano!" pahabol na sigaw ni Gon at nakangising tiningnan ako. "Ano ba 'tong importanteng pag-uusapan ninyo?"

I made a face at him. "How would I know?"

He laughed and pulled me to our dormitory's direction. Pagdating doon ay nagpaalam na siyang pupunta sa kanyang silid. Pumasok na rin ako sa kwarto ko at pinagpatuloy ang conceptual planning para sa face-off.

My plan is to make livestock—specifically pigs laying eggs. Gusto kong subukan ito dahil bakit hindi 'di ba? This concept of making pigs lay eggs is to prevent the spread of bird flu. Talamak ang epidemyang iyon kaya naisipan ko ang konseptong ito.

Balak kong i-test tube ang mga kailangan ko at tingnan kung ang research na ito ay epektibo. I tried writing it a few times ngunit hanggang doon lang ang kaya ng isip ko.

Muli kong nilakumos ang papel at itinapon iyon. Now, my room is full of crumpled paper dahil sa tingin ko ay walang silbi ang mga ideyang pumapasok sa utak ko ngayon.

Nagbihis ako ng damit pambahay at nahiga sa kama hanggang sa tuluyan akong makatulog. I was awakened by the ringing sound of my phone. I opened one eye and checked the number. Dahil unregistered iyon ay pinatay ko ang tawag at muling pumikit.

I heard the notification tone na tanda may nag-text. I lazily opened my eyes and read the message.

I told u meet me at 7. you're 15 mins late already . . .

Ah, it must be Trench. Saan niya nakuha ang number ko? And how important is it para gumawa siya ng paraan para lang makuha iyon?

RUN FOR YOUR LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon