CHAPTER 38: BRENDA IS HERE

70.1K 3.8K 1.5K
                                    

Chapter 38: BRENDA IS HERE

TRIANGLE remained still at hinayaan ang dalawang marshal na hilahin siya. Tahimik na sumunod ako sa kanila, silently hoping they wouldn't do anything to him.

I must admit that something is swallowing me right now. Guilt? Maybe. It feels like I totally wronged Triangle. Pero para ito kay Iris at sa lahat ng pamilya ng matatanda. This is not for me.

Biglang huminto ang dalawang marshal at nilingon ako. "Kami na ang bahala sa kanya, pwede ka nang bumalik."

Tiningnan ko sila at bumaba ang tingin ko sa kabuuan nila. Nasa likuran nila ang malalaking rifle. May holster sa magkabilang gilid nila na naglalaman ng baril at sa kabila naman ay mukhang baril din pero may spiral wire.

A stun gun!

An idea crept into my mind and I decided I will take this matter at hand. Bigla kong hinablot ang stun gun mula sa baiwang ng marshal at itinapat iyon sa leeg niya.

"Sorry!" sigaw ko sabay kalabit.

The guy struggled at bumulagta sa lupa. Nataranta ang isang marshal at akmang bubunutin ang kanyang baril pero nauna na siyang sikuhin sa mukha ni Tatsulok. Ginamitan ko rin siya ng stun gun kaya napabulagta na rin ito sa lupa.

"Dropping me one time then saving me the next moment. You never fail to amaze me Sunny," wika niya at bahagyang tiningnan ang dalawang nasa lupa.

"Sorry to inform you but I didn't save you," sagot ko sa kanya. "I decided to do this on my own. I trust neither these men nor Elpidio Moran."

Napatitig ako sa dalawang walang malay na nasa lupa. Lumuhod si Triangle sa lupa at tila may hinahanap sa leeg nila.

"Do you have a knife?" tanong niya.

"Eh? K-Kutsilyo? Bakit?" Puto, don't tell me, sasaksakin pa niya?

His brows met like he's annoyed because I asked! Aba! Sabi kaya ng old saying, "Wag mahihiyang magtanong!"

Kinuha niya ang baril ng mga marshal at tila may binali na parte at lumabas mula sa hawakan ng baril ang isang hunting knife. Halos mapasigaw ako nang may tinanggal siya sa leeg ng mga marshal. Wala siyang pakialam sa dugo na nasa kamay niya. Tinanggal niya ang manipis na balat sa leeg at nagulat ako ng mayroong pulang umiilaw roon! Tinanggal niya iyon at iniabot sa akin.

"May panyo ka ba?" tanong niya.

"W-Wala."

"Tsk." Again, he seemed annoyed. "Kunin mo ang panyong nasa bulsa ko."

Agad akong tumalima at kinuha ang panyo. Inilapag niya roon ang isang bagay na may pulang ilaw. Ganoon din ang ginawa niya sa isang marshal at may tinanggal sa leeg nito.

"What are these?" tanong ko sa kanya at tinitigan sa malapitan ang mga bagay na iyon.

RUN FOR YOUR LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon