CHAPTER 7: MESSED

75.4K 3.5K 935
                                    

Chapter 7: MESSED

SUMISIPOL na nilakad ko ang daan mula sa dorm patungo sa klase ko. Magaan ang katawan ko nang bumangon ako at mas lalong gumaan nang maalala kong nasa rank 6 ako sa activity kahapon. I took a shower and even hummed as I dressed. My corn soup for breakfast tasted like steak because of my ecstatic feeling.

It's a beautiful morning, isn't it? Kahit late akong nagising, I know walang batuhan ng itlog na mangyaya—what the hell?!

An egg just cracked in my head. Another one followed! And another. At isa pa. At isa pa! Puto! Kilala ba nila ako? I am Sonia Gallego, the sixth spot on yesterday's activity!

Napasinghap ako nang may bumuhos na harina sa akin. Napaubo ako nang ilang beses at hindi ko mapigilan ang pagkuyom ng kamao ko! Nabalot ng tawanan ang paligid at alam kong ako ang pinagtatawanan nila! That's it! Ayokong magyabang pero pinipilit nila ako!

"Anong ginagawa n'yo? Kilala n'yo ba ako?" I tried to sound scary pero mukhang katawa-tawa ako ngayon, alam ko.

"Prep classer!"

"Loser!"

"Zero value!"

"Woman!"

Aba! Sinusubukan talaga nila ako! Calling me names and pouring these ingredients on me? Huh! Anong akala nila, magpapaapi ako? Pinahid ko ang harina sa mukha ko at hinarap ang mga estudyante. "I'm Sunny Gallego at ako lang naman ang—" I wan't to say na ako ang lumampaso sa labinlima pang kasali sa activity kahapon. Napalunok ako. "Ako si Sunny Gallego at hindi ako nagpapaapi sa kung sino-sino man!"

Kuyom ang palad na nilapitan ko ang lalaking may dalang metal na timba. Natakot ang loko at tumatakbong iniwan ang timba. Gee, takot naman pala! Pinulot ko ang timba at hinarap ang iba pa ngunit agad din namang nagsitakbuhan ang mga ito. I gritted my teeth. Wala naman palang mga bayag, eh! Matapang lang kung walang palag 'yong binu-bully nila!

I stared at myself at halos mapamura ako. Now my uniform, my day, and my mood are all ruined! Thanks to those bastards!

Laglag ang balikat na tumalikod ako at hinarap ang daan pabalik ng dorm. Next time, maaga na talaga akong gigising at sasabay sa ibang taga-prep class.

"Uh-oh," I heard a sing-song voice.

Paglingon ko ay nakatayo sa likod ko si Triangle. His head is bed made—kung hindi lang siya mukhang fresh at malinis baka inisip ko na paggising niya ay agad siyang nagbihis, eh. His scent is soothing to the nose even from this distance. Yep, I discreetly assessed him.

No improvements on his fashion. Open-buttoned polo exposing his black shirt with a 'f*ck u' print. Lumagpas rin ang manggas ng T-shirt niya sa suot niyang polo. His pants? Black pants na butas sa tuhod.

He wore his usual pirate smile at lumapit sa akin. "Look who's here?" He wiped his thumb on my face at sa gulat ko ay hindi ako nakagalaw. Mas lalo akong nanigas nang tinikman niya iyon! Puto! Anong problema niya?

RUN FOR YOUR LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon